"Audrey, pakibigay naman kay Xander oh," a girl from second year handed me a pink envelope. Tenth letter for the day.
"Marielle, 'lika na. Kain na tayo." sabi ko kay Marielle.
"Okaaaaay." she replied and we went to the cafeteria. Medyo puno kasi as usual, may mga nagcu-cutting classes just to see Xander. Ni kahit isang glimpse lang ni Xander, hindi ko nakikita kasi crowded yung table nila. Hay.
Si Marielle Dianne Garcia ang girl best friend ko. We've been classmates since Pre-school, kaya close talaga kami.
And my physical appearance? Since half-chinese ako, syempre ayun. Kung ano man ang naiisip niyo. Chinky eyes, fair skin and long black hair. Well I wear big (AS IN BIG) eyeglasses so you can call me a geek or nerd.
"Ano ba yan. Ang daming nakaharang, hindi ko makita si Xander." Marielle said na parang naiinis. Oo nga pala, she likes Xander. Pero she doesn't know na may gusto din ako kay Xander.
Hindi na naman kami nagkausap ni Xander. Kahit din naman sa classroom eh, malayo kasi ang seat niya sa akin. Sa harap siya katabi ni Marielle and ako naman ay dito sa likod. Pero sabay naman kami lagi umuuwi kaya okay lang.
"Bye Audrey!" sabi sa akin ni Marielle nung dumating na yung sundo niya. Ako naman ay naiwan dito sa waiting shed kasi wala pa si Xander. Siguro nagba-basketball na naman 'yun. I got my copy of The Last Song and started to read. After five minutes, someone called my name. Xander?
"Xander ang tagal mo ah.." I said then looked up. Oops, it's not him.
"Wrong number ka Miss." a tall guy in front of me said.
"Uhm, do I know you?" I asked, closing the novel.
He sat beside me. "No you don't. But I know you."
Napatingin lang ako sa kanya then sakto naman, nakikita ko na si Xander na papunta dito. When he realized I am smiling at him, he smiled back and waved. Napatayo naman si guy na hindi ko kakilala.
"Xander, ang tagal mo ah." I said.
"Sorry. Nag-practice lang kasi malapit na ang bastball competition eh." Then he noticed the guy na hindi ko kakilala. "Oh, Jared. Anong ginagawa mo dito?"
"Hinihintay kita. Diba pupunta tayp kina Sam ngayon?"
"Ay, oo nga pala." he said. "Audie, hindi muna ako sasabay ha."
"Ahh.. sige." I gave a fainted smile. Hay, hindi na nga kami nagka-usap kanina tapos ngayon hindi pa siya sasabay sa akin.
"Sorry. Tatawagan na lang kita mamaya." he flashed his best smile.
Then he faced his friend. "Jared, tayo na." Tapos ayun, Xander waved at me then umalis na sila. Jared, tayo na. Ano yun, sila na? Eew.
Dumating na si Manong Tado and nung pagka-uwi ko, I waited for his call.
But the day ended without him calling.
So I'm quite upset with him the next day. Kaninang umaga nga, since sabay din kami pumupunta ng school ay hindi ko siya pinansin. Pero syempre hindi naman ako galit sa kanya. Ahaha.
Trigonometry class. I am paying attention nang may ipinasa sa aking papel. From.. Xander.
Sorry na Audie. Please? :)
Hmm, papatawarin ko na ba 'to? Wag muna.
Huwag mo kong kulitin. Hmph.
Pinasa ko na yung papel back and Xander looked at me. I looked away. Then bumalik ulit yung papel.
Usap tayo at Lunch. Sa Physics Club Room.
I saw Xander looking at me and I nodded. He smiled naman.
Lunch came. Sinabi ko kay Marielle na may gagawin lang ako. Hee, kinakabahan ako. Bakit naman kaya ako pinapunta dito sa may Physics room? Ano bang pag-uusapan namin? I breathed then came in.
"Xander..?" Nandoon siya, nakatingin sa window at nakaupo sa isang seat.
He turned then smiled. "Halika, umupo ka sa tabi ko."
I think I am blushing, pero ewan ko ba. Parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Umupo ako sa tabi niya.
"Audrey.." he started. "I have a confession to make."
"Umm..? What is it?" Kinakabahan ako. Anong confession?
"Audrey.. kasi I like this girl. I really like her. Matagal na kaming magkakilala, since bata pa kami. She's so pretty, nice and friendly. I can't help but to fall for this girl."
Sino naman kaya 'yun? No.. ako? Impossible. Pero.. I can feel it.
"Friends kami, we are so close. Natatakot nga ako na baka dahil sa feelings ko for her, ay baka masayang ang friendship namin."
Oh my.. I never thought na parehas kami ng iniisip.
"Xander.. don't worry, she likes you too." I smiled. I am so happy at pareho lang pala kaming may nararamdaman for each other.
"Talaga? Marielle likes me too?" he asked.
That is when my smile faded.
BINABASA MO ANG
Something More
Teen FictionWhat if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audrey. She developed feelings for her best friend, Xander, pero little did she know..