Chapter 002

6.5K 163 4
                                    

Marielle. Lagi na lang Marielle. Pero ano pa bang magagawa ko? Marielle is beautiful, athletic and rich. Top 3 siya. Kaya beauty and brains talaga. Eh ako? Brains lang.

"Favorite food niya ay Baked Mac. Color naman, pink. Singer si Katy Perry.." 

I said habang sinusulat ni Xander yung mga information. Pero, sa bawat na sinasabi kong info, parang sinasaksak yung puso ko. Kung alam mo lang sana, Xander. Gusto kita simula pa noon. But I'm afraid na baka masira ang friendship natin. I know naman na hindi ako ang gusto mo kasi hindi ako attractive. Walang-wala ako kay Marielle. I'm just Audrey, the simple and unpopular geek.

"Kunwari ikaw si Marielle, tapos magco-confess ako sa iyo."

Nandoon kami sa swing. Nabigla ako sa sinabi niya. "Go." sabi ko.

"You know.. I think you're the prettiest girl ever. I love the way you smile. Matagal na kitang gusto, pero hindi ko kayang sabihin sa iyo ito kasi friends tayo. I like you so much.

The way our eyes met, parang nararamdaman ko na sa akin niya talaga ito sinasabi. "Gusto din kita, matagal na. Hindi mo lang alam." Oops, mula sa puso na 'yan ah.

"Weh? Hindi yan sasabihin ni Marielle." sabi ni Xander.

Hay, hindi mo lang talaga alam, but I like you Xander.

A ♥ X

I scribbled on my journal. AX? Ano 'yun? Yung men's spray?

"Audrey </3 Xander." I wrote. Sad, but true.

Tinawagan ako ni Xander sa telepono. Sabi niya, magkita daw kami sa Saturday. Hm, bakit kaya?

Saturday came and excited talaga ako. Wala lang, bibihira lang kasi kami lumabas ni Xander kapag Saturday. Ano kayang nakain nun at niyaya ako? Wait.. baka tungkol na naman kay Marielle. Ugh.

"Audrey!" he called nung nakita niya ako. 

"Uyy, bakit ba?" I asked. 

Nandito kami sa may park ngayon. Malapit lang 'tong park kasi sa bahay namin. Oo nga pala, magkapitbahay kami eh. Yung bahay nila Xander doon lang sa harapan ng bahay namin. 

"Wala lang, bored ako. Punta tayong mall." he said.

"Huh? Dahil lang sa bored ka pupunta tayong mall? Ayoko nga, wala akong pera."

"Libre ko naman eh, 'lika na." he grabbed my hand at nag-blush ako. Okay lang ba 'tong suot ko? Ang suot ko kasi ay yellow blouse and white pants. Nag-contact lens lang ako and I wore a yellow headband. Hmm, hindi masyadong halatang pinaghadaan, no?

Pumunta kami doon sa may parahan ng jeep. "Jeep tayo?" I asked.

"Ay hindi, ay hindi. Barko. Barko tayo papuntang mall." he said.

"Ewan ko sayo." I said. Tapos pumara na yung jeep at nauna siyang sumakay. Tapos he offered his hand at inalayan akong sumakay. Hinawakan ko nang mahigpit yung bag ko and nandoon kami ni Xander sa pinakadulo. Ganito kami ni Xander, kahit mayaman kami mas type naming sumakay ng jeep.

Narating na namin yung mall tapos hinawakan ulit ni Xander yung kamay ko. Ano ba 'yan, we look like as if we are a couple. Best friends lang naman kami eh.

"Nood tayong movie?" he said.

"Sige. Huy, libre mo diba?"

"Haha. Oo nga. Ano bang gusto mong paroonin?"

"Hindi ko alam. Ano bang maganda?" I asked him.

"Yung kay Sarah na lang." he said. "Catch me I'm in Love ba yun?"

"Ahh. Sige." I just nodded tapos pumila na siya for the tickets. Then bumili kami ng popcorn at coke tapos pumasok na sa sinehan. Hindi pa naman nagsisimula yung movie, pero maraming tao. May upuan pa ba?

"Ayun, meron doon oh." he said. Sakto naman, dalawang upuan doon. Umupo na kami ni Xander.

"Ang lamiiiiggg." sabi ko. Nilalamig kasi ako eh.

"Gusto mo hirami mo muna jacket ko?" he said. Naka-jacket kasi siya eh.

"Ahh.. Ehh.. 'Wag na. Mamaya na lang? Haha."

"Sige. Sssh na, magsisimula na eh."

Nagsimula na nga yung movie at kumakain lang ako ng popcorn. Tapos gitna na ng movie at grabe, nilalamig na talaga ako. Hinihimas-himas ko na yung braso ko.

"Nilalamig ka na?" he whispered in my ear.

He caught me off guard. Napatili tuloy ako at nagsitinginan naman yung mga tao sa akin. "Sorry," I said. Anu ba yan, nakakahiya.

"Haha, 'wag ka kasing maingay." he chuckled tapos he slowly took off his jacket. Tapos sinuot niya sa akin. Hay, para akong bata na binibihisan ng tatay ko. Pero nakakakilig <":

"Nilalamig ka pa?" he asked me.

"Hindi na. Eh ikaw? Hindi ka ba nilalamig?"

"Hindi naman. Pero yung kamay ko oo eh. Hawakan ko na lang yang kamay mo para lumamig." he said and hinawakan niya yung kamay ko. Ang lamig ng kamay niya.. nagblublush na ata ako. Tapos ewan ko ba, he is blushing din ata. Tapos kumakain na lang siya ng popcorn.

I smiled. Hmm.. ang init ng jacket niya, and I can smell his perfume. Ang bago. Tapos, pinikit ko yung mga mata ko and nakatulog na pala ako.

Something MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon