"Bakit may munggo?"
Napabaling ang tingin ni Porphyria mula sa paghihiwa ng bawang. O pagmumurder nito, which is mas accurate pa sa ginagawa niyang... slicing technique. "Akala ko ba lumpia lulutuin na'tin?"
"Lumpiang shanghai, hindi lumpiang toge," pagdidiin ko. Saka lang siya nagmukhang naliwanagan.
Nakakailang suway na ako sa kaniya sa paglalagay niya ng kahit ano sa lumpia. Una may kamatis. Pangalawa okra. Pangatlo kangkong. Lumpia ba lulutuin na'tin o Makulay Ang Buhay Sa Sinabawang Gulay?
"Dapat sinabi mo no'ng una pa lang," napasapo pa siya sa noo niya.
Bilang isang dakilang manluluto- may gano'n bang salita?- ng mga ulam namin na aking natututunan lamang sa mga indianong nagvivideo ng kanilang recipe, nasasaktan ako para kay Porphyria. Hindi ako pwedeng maging househusband dito, split responsibilities naman oh!
"Akala ko alam mo na? Tignan mo meron tayong ground beef!"
"Asan?"
Tinuro ko 'yung sinasabi kong ground beef sa mesa, pero isang mabalahibong kulay kahel na ngumangata lang ang nakita ko.
"R-rikko!" napakapit pa ako sa buhok ko sa stress, "'di mo alam kung gaano kahirap nakawin- este mabili 'yan!"
Humarap pa sa'kin ang suspek. "Meow."
"'Di ako maglilinis niyan," nilingon ko si Porphyria, "Patay na ako, literal. Pagod na ako sa mga ganitong responsibilidad."
Napabuntong hininga na lang siya. Dahan-dahan niyang binuhat mula sa batok si Rikko- 'yung pusa hindi ako, masakit 'yun- para 'di siya makagat at kinuha ang natirang ground beef. Ground beef na galing sa ground. Ugh.
Tinignan ako ni Porphyria pagkatapos, naghihintay ng panibagong instructions. "Uhm, wala pa namang five minutes," komento ko.
"Hindi ba dapat five seconds 'yun?"
Nagtinginan kami ni Porphyria ng saglit at tumango-tango.
"Hugasan na lang na'tin," wika niya, "okay pa 'to."
"Yeah," pagsangayon ko naman, "parang pancit canton na expired three months na, okay pa lang naman."
Nang matapos na si Porphyria hugasan ng maigi ang ground beef, nagsimula na kami sa next step: paghalo ng mga mahabaging rekado.
Mula sa tinorture na sibuyas, karot at parsleh mula sa mga kamay ng 'di marunong manghiwa na si Porphyria, pinagsama-sama na ang lahat sa bef. Nag-crack na rin ako ng itlog para mabasag, naglapag ng asin at paminta, at nagsimula na maghalo-halo.
Siguro dalawang minuto na ako naghahalo, saka ko lang napansin na para bang may kakaiba. "Phyri?" pagtatawag ko.
Ramdam ko naman ang pagkabalisa ni Porphyria sa gilid ko. "Yes...?"
"Hinalo mo 'yung okra, hindi ba?"
"Uh, h-hindi ah!" agaran niyang pagtanggi. Hindi maari Phyri, bad magsinungaling.
Hinarap ko sa kaniya ang hinahalo kong parang lamang loob na. "Eh bakit malaway 'to?"
"S-sa itlog lang 'yan panigurado."
"Kaygandang itlog na may green bits."
"Parsley?"
"Na may bilog-bilog na puti?" tinigtigan ko siya nang sabihin ko 'yun. Agad namang napaiwas ng tingin si Poprhyria, sabay singhot. "A-a-aksidente kong nalapag, kaso hinalo mo na bago ko masabi!"
Napa-tsk ako. "Nako naman, Phyri. Kahit ano pa sabihin mo, 'wag ka na mahiya! Nagagwapuhan ka sa'kin? 'Wag ka na mahiya!"
Binuhat ko ang nananahimik na kulay kahel na pusa at hinarap sa kaniya. "'Di ba, Rikko?" pagkausap ko sa pusa na siyang nag-meow. "Oh, tama raw."
BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Novela Juvenil━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...
