Nakapag-advance research na ako tungkol sa Woman's Psychology at hindi ko sila maintindihan noon pa. Ayon dito, nagbibigayan sila ng secret codenames tulad ng "Bes!", "Bessy!", "Bessywap!" at "Bessywapuwu" na hindi ko gaano maintindihan. Saka ko lang nalaman na crack article pala pinagbabasahan ko.
Sayang, akala ko talaga legit na babae si Godzilla at meron lang mood swing.
"Gusto mo ice cream?" alok ni Althea nang madaanan sila ng sorbetero, "don't worry, ako na magbabayad."
Binuksan agad ni Porphyria ang wallet niya at nagmamadaling naglabas ng bente. "Ay, hindi okay lang! Ako na magbabayad."
"Hindi, ako na," pagpupumilit ni Althea.
"Ako na nga."
"Ako na."
"Okay lang, ako na."
"Ako na nga eh."
Tumagal ng ilang minuto ang pangbobola ng dalawa hanggang natapos na si manong sorbetero sa pag-scoop. Sumingkit mga mata niya, halatang naiinip. "Nahiya na ako, ako na nga magbabayad," sabat nito.
"Ako na!" sabay sumagot sina Althea at Porphyria. Si Manong Sorbetero napaatras ang mukha.
At ngayon, narito akong sumusunod sa kanilang tahimik na naglalakad habang kumakain sa kaniya-kaniyang bayad na ice cream. Ganito ba pagkakaibigan ng mga babae? Ang boring, kapag lalaki may bugbugan lagi eh. Ay, iba ba 'yon?
Bakit parang may hindi pagkakaintidihan itong dalawa? Mostly sa part ni Althea. Hindi siya gaano kadaldal ngayon at parang kabado siya. Pero saan? Nakita kong lumingon siya saglit sa'kin. Oh right, nakikita niya kasi ako. Sana naman 'di siya matakot, ang gwapo ko kaya.
Hmm... hindi ko alam kung paano ba sila mapapagbati. Hindi pa nangyari ganito sa'min ni Jhian eh, kapag kinakain ko 'yung baon niya wala naman siyang pakialam. Minsan nga nakakainis at hindi siya nagagalit sa'kin. Pero alam kong naiirita siya depth insideth, magaling lang siya magpanggap. Nagawa niya ngang magkunyaring hindi niya kinain at tinapon ang balat ng potato chips ko sa bag. Pero may maliit na piraso ng tsitsirya sa pisngi. Hayop.
Okay eto plano, bulungan na parang demonyo si Porphyria na yayain muna si Althea mag-girl bonding ng uhm, girl thingies. At ano nga ba mga girl thingies na pinupuntahan nila hmmm... restaurant, dress shops, sementeryo... ay oo nga pala! May bagong bukas na peryahan, 'yung malapit sa SM, ilang lakad lang 'yun galing simbahan sakto at malapit 'yung bahay ng ipapadala!
Sinalubong ko ng yakap sa likod si Porphyria. Naramdaman kong umurong at napasingap siya sa gulat at nang mapagtantong ako lang ito, si Rikko gwapo Miguel na mahal na mahal ka, bumuntong hininga siya. Boo.
"Porphyria." Pareho kami napatingin kay Althea na nabitawan ang ice cream sa semento, nakangiti pero nakatitig ng matindi sa'min. "T-tara punta tayo simbahan!"
Hoy, mukha ba akong masamang espirito?!
"Sa bagay, parang pakiramdam ko merong bad vibes na pumapaligid sa'kin," ginatungan pa ni Porphyria! Tumawa si Althea, huminto, napatingin sa'kin, at tumawa ulit pero ngayon naman kabado. Nauna na siya sa paglalakad at sinundan na lang siya namin siya.
"Nakikita niya ako, Phyri," bulong ko.
"Huh?"
"Ni Althea. Nakikita niya ako."
BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Teen Fiction━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...
