/14/ Ji

21 10 56
                                        

"And your lumpia cooking shenanigan is- ay, bagsak na."

Nasa mesa si Porphyria, tinatakpan ang hindi pang natapos sulatan na kwaderno, tulog na tulog. Ayaw ko naman siyang gisingin sapagkat isa akong mabait (at gwapo) na nilalang at wala sa'king instructions manual na mangbulabog ng mga namamayapang babae. Kapag lalaki 'to, pwede ko nang hagisan ng mainit na lumpia.

At dahil gano'n na nga, ako na lang mag-isa kakain nito hmph. Isang hulog ng lumpia sa'king bibig at pwetan ang nagsilbing paalala na 'di ako maaring makakakain.

My disappointment is immeasureable and my day is ruined.

Buset! Kanina ko pa pinagnanaisan 'tong lumpia na nakalimutan kong patay na pala ako! Parang gusto ko nang umiyak pero hindi sa magmumukhang iyakin, suminghot na lang ako at bumuntong hininga.

Pupulutin ko sa iyong nahulog na lumpia kaso pinapapak na nina Rikko at Porphyria. Ri at Phy. Kinuyom ko ang mga kamay ko, 'di ko mapigilang mainggit.

Ah, bahala na. As if may magagawa naman akong... milagro. At kung meron man, please sana ito na. Kumuha ako ng isa pang lumpia at sinubukang kumain. Nahulog.

Tumabi ako kay Porphyria. 'Di bale na, makigulo na lang ako sa buhay. Napatingin ako sa natatakpan niyang kwaderno at 'di mapigilang ma-curious sa nakasulat na "New."

Anong new? New and improved Tidey Antibac? Sige pre, sabi mo eh. Dahan-dahan kong kinuha ang kwaderno mula sa pagkakahawak ni Porphyria, siya naman humalinghing.

"Hindi Rikko," rinig kong bulong niya sa panaginip niya, "'wag... 'wag si Jabibi."

Sino si Jabibi? Malagay nga 'yang pangalan na 'yan sa hitlist ko... Nagdadasal na sana hindi potensyal na kaaway si Jabibi, nakuha ko na ang kwaderno at nagsimulang magbasa.

Nakakadisamayang hindi ito tungkol sa New and Improved Tidey Antibac, pero mas nakakagulat pa siya kaysa sa unang naisip ko.

New Bucketlist

(1) Study hard for my mother, makasali at least sa Top Fifteen.

(2) Treat Althea to an Eat-All-You-Can Restaurant bilang pasasalamat sa mga ginawa niya para sa'kin.

(3) Makasama sa Field Trip this School Year.

(4) Publish a Book.

(5) Make Rikko Happy c:

'Di ko napansing nakangiti na pala ako. Ang ano kasi, uhm. Ah, buset ka Phyri. Kenekeleg ne nemen eke. Tama na, masyado na akong nasasanay!

Dahan-dahan kong ibinalik ang kwaderno sa mga kamay niya at kinumutan siya. Ng lumpia wrapper, walang kumot sa kwarto eh. Okay na 'yun, eco-friendly. 'Ata.

Nakangiti pa rin ako habang pinagmamasdan siyang tulog. Agad kong nilayo tingin ko nang ma-realize at nakuhanan ng atensyon ng bintana. Orange na orange ang kalangitan, nahahaluhan ng puti kung saan saan. Para bang tinadtaran na lang ng bata ng kulay 'yung canvas kasi feeling abstract, ang pangalan niya pala ay Picasso.

Maganda naman gawa niya.

Sumilip ako sa bintana at saka nagmunimuni. Ilang araw na since? Limang araw na, bukas pang-anim. Siguro dahil sa nangyari sa purgatoryo parang naging mahaba na ang oras ng pamamalagi ko rito. Hindi naman sa nakakamiss mabuhay. Pero sana kasi kung ibabalik lang din naman ako sana.... sana 'di ko na lang ginawa.

Umiling ako. Hindi. Hindi naman sa masama, ay masama talaga pala. Pero kung 'di ko 'yun ginawa 'di ko makikilala si Porphyria 'di ba? Kahit 'yun lang 'yung nagiisang magandang nangyari sa buhay ko. Ang pangalawa...

Wishing For A Happy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon