/22/ Sa Kaguluhan, Puro Sikreto

21 5 163
                                        


"Hala, so umiyak talaga sila sa movie?"

"Ah... oo. Kaso wala ako ro'n kasi naligaw ako kakahanap ng banyo."

Nakaupo ako sa tabi ni Althea ngayon sa clinic. Sabi ng nars na fatigue daw 'yung dahilan ng pagkahimatay niya. Maayos naman na pakiramdam niya pero sinasabihan pa rin siya na magpahinga. Tinawagan pa nga si Tita Charlotte para sunduin, pero nagpupumilit si Althea na 'wag na raw.

Nang sinabihan ako kanina ni Ma'am na gumising na si Althea, nagmadali akong tumakbo, mukhang nabulabog pa nga 'yung mga tao ro'n sa loob. Sa totoo lang, 'di ko naman kailangang tumakbo kasi... malapit lang naman 'yung infirmary.

Kailangan ko lang ilayo 'yung isipan ko sa nangyari kanina.

Na kahit nagdadaldalan na kami ni Althea at tumatawa, pumapasok pa rin sa isip ko. Si Mie, si Rikko, 'yung usapan nilang dalawa. 'Yung 'di ko mapaliwanag na bigat ng loob sa bilis ng pangyayari. Si Neil na nagsabing duwag si Rikko. 'Yung biglang pagsampal ko sa kaniya... kung dati siguro, magagalit pa ako sa sarili ko, pero ngayon parang gusto ko pa siya suntukin.

Naiinis ako. Mga ibang tao talaga kung makasabi na walang diskarte ang mga mahihirap. Palibhasa komportable sila sa buhay kaya nila nasabi 'yon, 'di nila alam 'yung pakiramdam na 'di makakilos. Wala silang alam.

Kaso hindi lang do'n 'yung ugat ng galit ko. 'Di ko maintindihan kung bakit mas kinakainisan ko pa ang pagsabi niya ng duwag si Rikko. May alam naman na talaga sila sa nangyari sa kaniya pero bakit parang pinagtawanan lang siya lalo? Gaano ba kahirap para sa iba intindihin 'yung sakit niya? Gano'n din ba kung tumuloy na lang ako?

...

Ang sakit sa ulo.

"Porphyria?" rinig kong tawag sa'kin ni Althea. Na-realize kong kanina pa pala ako nagiisip masyado ng malalim.

"Ah sorry!" sabi ko na lumalayo layo ng tingin, "napaisip lang sa ano... sa karera."

Ah, naulit na naman ang usapan. Tinanong ko na siya no'n kung paano nga ba siya nanalo sa karera, kaso nilipat niya agad ang usapan tungkol sa kalabaw sa may bukid. Mukhang wala naman ako magagawa...

"Track race," paguulit naman ni Althea. Ngayon, 'di niya nilipat kaagad ang usapan. Kumunot pa ang noo niya at napatitig sa mga nakakuyom na kamao. Pagkatapos, siguro ng iilang segundo, nagliwanag ang mukha niya. Pero kung anuman 'yun, 'di niya sinabi.

"Oo nga pala, alam mo 'yung bagong album release ng Aldwin and the Cheapmunks?" pagpapalit niya ng usapan.

Ang... random. Kahit na natetempt ako sa usapan na iyon, tinuloy ko pa rin 'yung tanong. "Althea," pagsisimula ko nang nakasimangot, "may tinatago ka ba sa'kin?"

Bumakat kaagad ang kaba niya sa mukha nang 'di gumana 'yung tactics niya. "Ah... meron ba?" nagaalinlangan niyang sabi.

"Uhm, the usual... sikretong crush, sikretong paboritong palabas, sikretong problema, sikretong kakilalang multo na sumanib at tumulong sa'yo manalo sa obstacle race. 'Yung gano'n."

Napapikit siya. "Sikretong kakilalang ano?"

Agad niyang napansin 'yon, tama nga hinala ko! Ibig sabihin... sinaniban talaga siya. Kilala niya si Mie, o baka sumusunod lang sa kaniya nang 'di niya alam, pero base sa usapan nila ni Rikko tungkol sa tinapay na buwaya, mas kapani-paniwala 'yung una. Siguro bago man magsimula 'yung karera, no'ng nakatitig siya ng kakaiba sa'kin sabay ngisi, 'di na siya 'yun. Kasi sa mga akto niya, naalala ko lang 'yung nakilala kong multo sa purgatoryo.

Pero baka tumatalon lang ako kaagad sa mga konklusyon.

"Uh, Porphyria?"

Nabaling agad tingin ko kay Althea. "Kasi ano," kailangan kong dahan-dahanin muna, "palagi kang tumitingin sa likod at gilid ko noon pa eh... nagtataka na ako na baka may nakikita kang multo."

Wishing For A Happy LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon