Sa lakas ng sigaw ko, napatingin lahat ng mga kaklase sa'kin. Pero 'di iyon ang problema ko. Ngayong napatakip ako ng bibig at nakatitig sa larawan ng selpon ni Ma'am Cho, isang bagay lang ang umiikot sa utak ko.
Si Jamin. Natanong ni mama noon kung gusto ko ba maglayas kasama siya at ni Jamin, malayo kay papa. Nang agad akong tumanggi, nabanggit niya sa'kin 'yung tungkol sa... bunga nilang dalawa. Umiyak siya no'n, na pagod na siya kay papa. Nagmamakaawa. Pero 'di pa rin ako pumayag.
Bata pa ako no'n. Akala ko alam ko na ang lahat. Na mali ang ginawa niya at magkakabati pa sila ni papa. Dahil sa'kin, ipinalaglag ni mama 'yung sanggol.
Ano kaya mangyayari kung pumayag ako? Mas aayos ba buhay ko? Buhay namin? Nandito pa rin ba si mama kung gano'n? Kompletong normal na masayang pamilya...
Parang panaginip na lang ang lahat, kathang-isip. Bakit ngayong sinusubukan ko na magsaya bigla ko na lang maalala 'yung mga gusto ko nang kalimutan? Bakit...
Nakaramdam ako ng sensyasyon sa likod ko na biglang nagdala ng kagyat ng realisasyon sa'kin. Tila ba sinampal ako ng pagkatantong kanina pa pala ako nakatayo at nakayuko, tinitigtigan ng mga kaklaseng humahagikhik. Nasa harap ko na si Ma'am Cho na may nag-aalalang ekspresyon, pero 'di siya nakahawak sa'kin. Sino nakahawak sa'kin?
"Villaflores? Okay ka lang? Ang putla mo bigla... gusto mo ba pumunta sa infirmary?" tanong ng teacher.
Umiling ako agad. "Ah, wala! Sorry po, kakilala po kasi ni mama si... sir Chickspeer. Pasensya na po sa abala..."
"Ah, okay okay," tango ni Ma'am, "pero kung kailangan mo magpahinga, tawagan mo lang ako. 'Di ka abala."
Nag-resume ang discussion mula ro'n. Bumalik ako sa pinakalikuran na pwesto namin, kaso 'di ko na masyado maintindihan kung ano nangyayari o pinag-uusapan. Randam kong may tumitingin sa'kin, pero ayaw ko na alamin kung sino. Parang umiikot ulo ko, may humahawak sa'kin at nagtatanong. Si Althea, si Jhian, mga iba ko pang kaklase na 'di ko mawari kung may pake ba talaga sa'kin o gusto lang malaman kung kaano-ano ko si Jamin.
"Althea, okay lang talaga ako pramis," sabi ko pagkatapos ng panglimang hawak sa kamay ko, "okay lang. Okay lang."
"Gano'n ba ako ka-mukhang babae para pagkamalang si Althea?" Napatingin ako kaagad sa mukha ng nagsalita. Kahit naman sa ganitong sitwasyon, kinakaya pa rin ni Rikko magbiro at magkunywaring galit.
Hindi naman sa ayaw ko.
"Oh," tanging sagot ko lang. Pero 'di ko naman kailangang sumagot pa nang kunin niya kamay ko at nagsimulang magmasahe. Bakit parang uso na 'yung massage sa kaniya ngayon?
"Reflexology," pagpapaliwanag niya, "may tinatawag silang pressure point dito eh, la union valley 'ata? Dito sa pagitan ng thumb at index... gets mo? Kasi kapag masakit din ulo ko, gawin mo rin sa'kin hehe."
Habang minamasahe niya ako, huminga ako ng malalim. Dahan dahan. Lumipas ang isang buong minuto at parang umaayos na pakiramdam ko ng kaunti, 'di na masyado nakakahilo.
"Porphyria." Tumingin ako sa likod ko. Si Althea may bitbit na bote ng tubig, inaabot sa'kin. "Sensya na kung natagalan ako, 'di ko alam kung saan merong tubig eh."
Tinanguan ko siya at binigyan ng maliit na ngiti. "Thank you," tugon ko kay Althea, pero nakadirekta dapat 'yun sa taga-masahe ko. Binitawan ni Rikko ang kamay ko nang tanggapin ko 'yung inalok na tubig.
Habang umiinom, pansin ko sa gilid ng mata si Althea na tumitingin sa likod. Ah, oo nga pala. Nakwento nga ni Rikko na nakikita niya siya. Sinubukan kong tanungin din siya kung ano nakikita niya, pero palagi na lang niya iniiba 'yung usapan.
BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Novela Juvenil━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...
