( warning! this chapter may precede potentially disturbing content of self-harm and other sensitive themes. please be careful. )
Nagising akong napakasakit ng ulo ko.
Luminga-linga agad ako sa paligid. Puro puti. Nasa heaven na ba ako? Huh, pero mukhang imposible. Asan si Mang Tomas? I mean, Santo Pedro?
"Ano ba nangyari kanina?" Pagkasabi ko no'n, bigla namang pumasok sa isip ko lahat ng nangyari, para bang sinampal ako at dumagsa lahat ng memorya ko.
Si Thea, 'yung na-lock ako sa klasrum, 'yung itim na nilalang, manghahabol kong halimaw na kasing-bagsik din ng nauna, ang mga alaala ko noon at... Rikko?
Ano ulit sinabi niya?
"Haha, gustong gusto kasi kita."
Oh, okay.
Teka, ano?!
Agad naman akong nakaramdam ng init sa pisngi ko. Napasapak ako sa mukha ko. Haha... uhm, mukhang imposible. Nanaginip lang 'ata ako! Nantitrip na naman 'yun panigurado!
Napalinga-linga ako sa paligid. 'Di bale, 'di na 'yun importante! Ang kailangan ko ngayon ay makaalis ako rito. Kami, pala. Pero paano ko 'yun magagawa kung 'di ko nga alam kung nasaan ako?
"When I grow up, I wanna be a flight attendant!"
Tumayo ako agad. Kung hindi ako nagkakamali, boses ko iyon no'ng bata pa ako. "Very good, Porphyria!" rinig kong sagot, "tara na, punta tayo sa peryahan!"
"Yay! Pwede ice cream?"
Mula sa harapan ko, katulad nang noon, may lumitaw na batang ako na magkahawak-kamay kina Mama at Papa. "Syempre, my treat," sabi ni Papa at lalong lumawak naman ang ngiti ng bata.
"Gusto ko rin ng My Large Pony stuff toy!"
Napangiti na rin ako. Madami akong napanalunan sa mga stalls doon, sa pagkakatanda ko. Marahil nakatyempo lang ako, pero isa pa rin 'to sa mga masasaya kong alaala. Nang dumaan sila sa'kin, bigla na naman silang naglaho. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa puting lugar.
Saka-saka nagsisilitawan ang mga magaganda kong memorya kung saan saan. Pagkawala ng iba, may lumilitaw na naman. Minsan meron nasa gilid, gitna, meron din sa ibaba ko no'ng lumulutang ako sa swimming pool, nagkukunwaring patay para tignan kung may tao bang may pakialama sa'kin. Kahit tumapak ako sa memoryang 'yon, 'di naman ako nahulog tulad ng kanina.
Ang lakad ko ay naging takbo. Nagmamadali. Kahit na gaano kaganda ang memorya, may kailangan akong gawin dito.
"Rikko?" pagtatawag ko. Sigurado akong 'di makakasunod sa'kin ang itim na nilalang kaya't okay lang na mag-ingay dito. Tutal, maingay din naman 'yung paligid ko.
"'Yung pusa tumae sa kama!"
Minsan 'di kaaya-aya.
~
Napagod na ang paa ko kakalakad. Nakakailang minuto na rin 'ata, lalo lang nadadagdagan ang pagaalala ko para kay Rikko? Sana naman nakatakas siya.
Sana.
"Kuya, ang tagal mo riyan!" sigaw ng babae na biglang lumitaw sa harap ko. Kinakatok niya 'yung pinto, pero mukhang ayaw sumagot nang sinumang tinatawag niya.
'Di pamilyar sa'kin ang memoryang ito. Sigurado namang hindi ako 'yung babae rito. Mukhang 'di na siya bata, abot balikat ko ang tangkad. Nakalagay ang buhok niya sa magkabilang-gilid, nakatirintas. Nakasuot naman siya ng long sleeves na kulay dilaw, pinapatungan ng black jumper na palda.
BINABASA MO ANG
Wishing For A Happy Life
Novela Juvenil━━ Ano ba talaga mangyayari kung namatay ka mula sa sarili mong mga kamay? Ikaw ba'y mapapaangat patungo sa mapayapaang kalangitan o maitutulak pababa sa mga apoy ng mga makakasalanan? Ah, basta. Patay ka na. Ano ba nangayayari pagkatapos no'n? H...