Sandra's POV
Uuwi nalang ako kaagad, nakakainis yung principal na yun. Bad mood ako. Sobra.
"Ma? Dito na ako!"
Huh? Weird. Walang sumasagot.
"Ma?"
Last nalang.
"Ma? Nandito ka?"
Ok. Wala talagang sumasagot, kinikilabutan na ako.
Agad akong pumasok sa kwarto ko, nagbihis ng pambahay at saka humiga nagtago sa ilalim ng kumot ko.
Shemaii!!! Cellphone mo pala Sandra!
Sabi ng utak ko, kukunin ko pa sa bag ko! Oh no!
Lord sana po walang masamang elemento dito.
Agad akong bumangon at tumakbo papunta sa bag ko.
"Cellphone? Magkita kana! Nasaan ka na ba?!"
Kinakalkal ko ang buong bag ko, bakit hindi ko makita?
May narinig ako yapak ng tao sa likod ko...
Kinakabahan ako at natatakot.
Blag!
Blag!
Blag!
Unti-unting kong naririnig ang mga yapak, mabigat ang paa niya.
Saan ba ako pwede magtago?
Natatakot na talaga ako!
Napapikit nalang ako.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"
Napasigaw ako ng biglang may humawak sa likod ko.
"Ano ba yan Sandra! Bibigyan mo ako ng heart attack eah! Ano ba ang hinahanap mo diyan?" -Mama
Masyado kang O.A Sandra! Sabi ng utak ko. Buti nalang at si mama yun.
"Hinahanap ko po ang cellphone ko."
"Wala ba diyan?"
"Hindi ko pa po nahanap."
Sandra? Diba nasa bulsa ng palda mo?
Saka ko lang na-realize.
"Ma? Naalala ko na kung saan ko nalagay, nasa palda ko."
"Sa kwarto ka muna at may kausap pa ako Sandra."
Sumunod nalang ako.
Grabe! Sobrang kape ata nainom ko para maging Ms. Nervous na ako.
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...