1 application updated- Clash of Clans
Ito ang unang sumalubong sa akin pagkatapos kong ibaba ang notification bar ko. Panibagong update, panibagong space sa phone memory.
Gusto ko lang na lumipat ng clan, pero hindi ko gusto iwan ang mga taong naging malapit sa akin.
Lalo na siya.
Pero ang hirap, sobrang hirap. Isa-sakripisyo mo ang isang bagay na binigyan mo ng halaga sa buhay mo.
Ngayon na pala ang resume of classes namin, at puro group messages ang natatanggap ko na nagsasabing tinatamad sila, ayaw pumasok at kung anu-ano pang dahilan.
Nagbihis na ako ng aking uniporme at ilang minuto nalang ay aalis na ako. Maaga pa naman kaya kahit hindi ako magmadali ay hindi ako nag-aalala.
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...