Chapter 19: Highblood

118 7 5
                                    

Sandra's POV

Dumadami na ang members namin. Mapupuno na ang clan, nakakasira nang ulo.

Nakakasira ng ulo ang mga members na hindi responsible!

Kanina pa ako nakatitig sa screen ng cellphone ko, ang nakakainit talaga ng ulo. Lalo na yung mga members na sasali, magre-request at aalis! Nakakahighblood!

Nag-effort pa akong magready ng troops at mag-donate sa kanila tapos aalis din? Argh.

Nakaka-stress din, tapos hindi pa marunong mag-thank you. Hindi ko na matiis, nag-chat na ako sa clan chat.

"SIGE LAYAS! WALANG HIYA HUWAG NA KAYONG BUMALIK DITO SA CLAN NA ITO!"

"Hahaha. Chill ka lang Sandra." Sabi ni ate Kylie.

"Oo nga, inhale exhale muna baby Sandra." Sabi naman ni ate Lheanne.

Nag-cool down muna ako na parang isang computer. Napapikit muna ako sandali habang hawak-hawak ko pa ang cellphone ko.

Inhale, exhale Sandra.

Pagmulat ng mata ko ay nakakita nanaman akong nag-join sa clan.

Umakyat nanaman lahat ng dugo sa ulo ko!

"AALIS KABA OR STAY!?" Chat ko dun sa sumali na may username na Cris.

"Stay po, galit po ba kayo?" Tanong sa akin ni Cris.

"Ok good. ASL mo?"

"23/m/pangasinan" -Cris

"Ok mag-enjoy ka nalang po sa clan." Sabi ko.

Buti nalang at hindi request and leave itong si Cris kung hindi magki-kick talaga ako ng members.

Hanggang ngayon gumugulo pa din sa akin si Nur. Lalo na yung sasabihin niya. Hindi pa din siya naka-online hanggang ngayon.

Umaasa ata ako.

Ok na lahat, napuno lang talaga ang clan chat ng mga usernames na nag-join, at nag-leave din pagkatapos kong mag-donate pati na rin ang mga ninja moves na ibang members.

Ang sakit-sakit sa mata! Color green sa mga nag-join tapos red naman sa nag-leave. Baka naman magmukhang rainbow na itong clan chat ng Liberated.

"Sandra? May sasabihin pala ako sayo :)" Chat ni ate Lheanne.

Magta-type palang sana ako ng biglang...

NAMATAY ANG PHONE KO!

Dead battery na pala! Nakaka-highblood talaga itong araw na ito!

Ano po bang ginawa kong masama?

Padabog akong tumayo, kinuha ko ang charger ko at sinaksak sa saksakan. At sinaksak ko ito sa cellphone ko. Nakakainis talaga!

Una, kung ano ang sasabihin ni Nur. Pangalawa, yung sasabihin naman ni ate Lheanne.

Sino nanaman ang susunod niyan? Argh.

***

Hi Clashers!

Yay. Bwahaha, pakulo ko lang po 'yang tawag ko po sa inyong nagbabasa ng story ko, hope you'll like it :)

Sorry, sorry, sorry po talaga kung natagalan at short update lang po. Na-move po ang Chinese Test namin. Anyways, Thanks for supporting! Babawi talaga ako.

Clash of Clans Love Story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon