Sandra's POV
Nakahiga ako sa kama ko ngayon at naglalaro ng CoC. 12:25 am na rin ang oras ngayon.
Wala pa ding pasok ngayon, araw-araw akong nagpupuyat nang dahil sa CoC. Binabantayan ko ang Liberated, tinitingnan ko ang status sa war, mga members na pumapasok sa clan, mga nanghihingi ng troops.
Wala pang online sa mga lagi kong ka-chat. Nakakamiss din pala silang kausap, busy kasi sila sa kani-kanilang trabaho.
Nakaisip ako ng bright idea.
"Lalalalalalala. ♬♩♬" Chat ko sa clan chat.
Wala akong kausap dito sa clan na ito. Nakakabagot.
"Hahaha" Sabi naman ni wait what!? Si Nur! OMG.
DUG. DUG. DUG. DUG.
Agad-agad naman akong nag-type.
"Oy Nur! Bat now ka lang nag online ha?!" Tanong ko.
"Hahaha busy lang sa entrance exam Sandra :)"
"Huh? Entrance exam? Nag-aaral ka pa pala?"
"Oo nman magkacollege na :)" Sabi niya.
Shems. Pero sabi niya sa akin noon, fifteen years old palang siya.
"WHAT!? Sbi mo sa akin noon fifteen years old ka palang? Bat college?" Tanong ko.
Shit. Masama kutob ko.
"Yun sana ang gusto kong pag-usapan natin Sandra."
"Ang alin? Hnd ko gets."
Kunwari pa-inosente effect.
"Sandra hnd nman tlga ako 15 years old"
Shit.
"So ano ung sinabi mo skin noon? So nagsinungaling ka sa akin?"
Nararamdaman ko ang mga luha na nasa gilid nang mata ko.
"Oo sandra, nagsinungaling ako syo. Sorry sorry tlga"
Napahinga ako ng malalim, tumingin sa kisame at naramdaman ko nang bumagsak na ang luha ko.
Ang sakit. Bakit kailangan pa niya mag-sinungaling sa akin? Hindi ko akalain na gagawin niya sa akin yun.
Nagpakatanga ako. Ang tanga-tanga ko.
Sobra.
Hindi ko nakayanan. Hindi ko makayanan na tanggapin ang sinabi niya. Umaagos pa din ang luha sa mga mata ko.
Ang sakit-sakit talaga. Kumikirot ang puso ko at naninikip ang dibdib ko. Nang dahil sa isang sinungaling lamang.
Tumingin ako ulit sa cellphone na hawak ko habang umaagos pa din ang luha sa mga mata ko.
"Sandra please sorry na"
"ALAM MO ANG SAKIT-SAKIT. ANG SAKIT HINDI KO ALAM KUNG BAKIT MAY MGA LUHA NA SA MATA KO NGAYON."
"Oh? Napano si Sandra?" Sabi ni Kuya JJ.
"Baby Sandra? Napano ka?" Tanong naman ni ate Lheanne.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga tanong nila.
"Sandra please sorry na alam ko nman na magagalit ka sa akin" Sabi naman ni Nur.
"KUNG ALAM MO PALANG MAGAGALIT AKO SAYO, SANA HINDI MO NALANG SINABI!"
"Kailangan kong sbihin syo ito dahil alam kong kaibigan kita at kailangan mong mlaman ang bagay na iyon"
Mas lalong bumagsak ang mga luha sa mata ko.
"BAHALA KA DIYAN. WAG MO NA AKONG KAUSAPIN."
Hindi ko na matiis, mag-exit na ako sa CoC.
"OUT NA AKO BYE."
"Ingat ka palagi sandra sana matanggap mo na ang sorry ko"
Asa siyang tatanggapin ko pa ang sorry niya? Tatanggapin ko nalang kapag wala na siya sa clan. Ang sakit-sakit ng pagsisinungaling niya sa akin, at isa pa mahirap akong magpatawad.
Nag-exit na ako sa CoC, binaba ko ang phone ko sa tabi ng mesa ng kama ko at pumikit ako.
Sana isang masamang panaginip lang ito.
Sana hindi ko nalang nalaman.
Pinikit ko ang mga mata ko para mapiga ang mga natitirang luha sa mata ko.
Sana nga isang panaginip nalang ito.
***
Hi clashers!
Sorry nanaman po at natagalan nanaman ang update ko. Sobrang busy ko po talaga. Sorry po. :(
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...