Chapter 2: Boastful Boys

417 18 19
                                    

"Sandra? Gising na, 5:30 na." -Mama

Agad akong bumangon, at umupo ng 3 minuto para unti-unting bumalik ang kaluluwa ko sa mundo. 2 minuto naman para sa stretching ko.

At tumayo na ako para makapag-toothbrush ako sa banyo, para akong zombie tuwing umaga.

Tumingin sa salamin, para tanggalin ang morning glory ko. Naghilamos at nagpunas ng mukha. Binasa ang toothbrush, pinuno ng tubig ang baso, naglagay ng toothpaste at nagsimulang mag-sepilyo. Pagkatapos noon ay naghilamos ulit ako para magising ang diwa ko at nagpunas.

Kinuha ko ang hair brush ko at tinaggal ang ponytail ko. Nagsimula akong magsuklay sa buhok ko, at nag-ponytail ulit ako.

Lumabas na ako ng kwarto ko para kumain. Kumuha ng upuan, nag-dasal at nagsimulang kainin ang nasa harap ko.

Saka ko lang naalala na may roleplay pala kami ngayon! Kailangan maaga ako para maalala pa ang lines ko! Grabe naman! Magmamadali nanaman ako!

"Ma? Tapos na ako kumain! Ligo lang ako!" -Ako

Pumasok na ako sa kwarto, dali daling pumunta sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagpatuyo ng balat ko, nag-lotion, nagbihis ng uniform, nag-suklay ng buhok, nag-pabango at kinuha ang students handbook ko.

Lumabas na ako sa kwarto ko para mag-sapatos, nag-ayos ulit at nagkabit ng headset sa tenga.

"Ma! Alis na ako!" -Ako

"Ingat Sandra!" -Mama

Lumabas na ako ng pinto, pinindot ko na ang play button para may music habang naglalakad, nagmamadali akong maglakad.

Hindi man ako nagco-commute, malapit lang ang bahay namin sa school.

Mga 10-15 minutes lang ako naglalakad.

Sa wakas, nandito na ako sa school. Agad naman akong umakyat sa classroom, sakto narinig ko na pinag-uusapan nila ang CoC sa upuan ni Joseph.

At dahil katabi ko si Joseph, pumunta ako doon dahil nandoon ang pwesto ko.

"Kainis! Umalis na ako sa Air force clan." -Terrence

"Aalis na din ako doon, masyado silang madamot." -Richard

"Hahahaha! Lipat kayo sa bagong clan ko." -Joseph

"Oh! Sandra! Kamusta ang newbie sa Clash of Clans?" -Richard

At sabay sabay silang nagtawanan.

"Ang yayabang niyo talaga! Kapag ako umabot sa Gold III, makita niyo!"

"Aww... Kawawang bata. Master League na kami niyan 'pag narating mo ang Gold I!" -Joseph

Tawa nanaman silang tatlo. Umalis nalang ako.

Clash of Clans Love Story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon