Sandra's POV
Nagising ako dahil sa sunod-sunod pagtunog ng cellphone ko.
Bumagon muna ako at nagdasal.
"Lord, salamat po sa panibagong araw dahil nagising nanaman ako." Sabi ko at nag-sign of the cross ulit.
Pagkatapos nun ay pumunta ako sa banyo para sa ulit-ulit na morning rituals ko araw-araw.
Tunog ng tunog pa din ang cellphone ko, pero hindi ko nalang pinapansin dahil iniisip ko na puro group messages lang iyon.
Pagkaharap na pagkaharap ko sa salamin ay nakita kong namamaga ang mga mata ko.
Namamaga dahil sa sinabi ni Nur.
Naalala ko nanaman ang bagay na iyon, hindi ko talaga siya papatawarin. Hinding-hindi talaga!
Naghilamos muna ako at nag-toothbrush na. Pagkatapos ay kinuha ko ang hairbrush ko at sinuklay naman ang buhok kong ubod ng gulo.
Tuloy-tuloy pa din ang pagtunog ng phone ko. Nakakairita na rin!
Kaya pagkatapos kong magsuklay ay kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang notifications.
Kik, a new message from Nur.
Shit.
Paano niya nalaman na may kik messenger ako? Umagang-umaga palang ay parang masisira na ang buong araw ko dahil sa isang lalaking niloko lang ako.
Binuksan ko ang messages niya sa akin, at ang daming lumabas. Sunod-sunod ang mga iyon.
Sandra? Please sorry na talaga. Hindi ko naman sinasadyang magsinungaling.
Sandra please magreply ka naman.
Wag kanang umiyak please sorry na talaga.
Kaya kong magexplain sige na sorry na.
Sorry na please sana naman tanggapin mo na.
Pagkatapos kong magbasa ng messages ni Nur ay nakaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano yung dahilan, para kasing kinakabahan ako na naiinis.
Should I reply? Magre-reply ba ako sa taong niloko ako?
No. No. No. Hindi ako nag-reply, bahala siya sa buhay niya.
I tried making myself busy sa pag-aayos ng gamit ko. Pero nakakainis! Hindi ko mapigilan na hindi maglaro ng CoC! Kaya naman nag-online nalang ako doon, pero hindi ako magcha-chat. Ninja mode.
As expected, 100+ nanaman ang messages doon, at pagkabukas ko nakita ko ang pangalan nung manloloko at kausap niya si kuya JJ.
Hindi ko na binasa, agad nalang ako nag-proceed sa pagdo-donate sa mga humihingi ng troops. Pinindot ko yung green arrow na nagpo-point sa baba na may exclamation point para makita ko ang requests.
Archer, Wizard, Giants, Dragon. Iyan lagi ang most requested, nakalimutan ko palang sabihin. Town hall 7 na pala ako, kaya naman puspusan na ako para magka-Dragon na for donation purposes.
Nag-donate na ako ng anim na Archers sa tatlong nagre-request ng 'Any'. Tapos nag-prepare ako ng 8 na Giants para sa dalawang nagre-request. Buhay Co-leader nga naman.
Sinara ko muna ang clan chat habang hinihintay ko ang mga troops sa Barracks. Ayokong gumastos ng gems, kaya kailangan kong maghintay.
Nakakainip. Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi mag-chat, pero something encourages me. Gulong-gulo ako sa sarili ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Para na akong nababaliw.
Nababaliw dahil sa isang lalaki?
Hell no! Hindi ko talaga malaman ang gagawin, hindi ako mapakali.
Come on Sandra!
Binuksan ko ang clan chat at nag-scroll pataas para makita ang new messages. And I saw his message.
Sana mag-online na si Sandra, kanina ko pa siya hinihintay. Na-seenzone lang ako sa Kik kanina.
Gustong-gusto ko magreply pero pinigilan ko, nag-exit nalang ako. Nag-open ako ng Twitter ko at nag-scan nalang sa News Feed ko.
Nakakita ako ng maraming Hugot at Quotes. And one tweet just caught my eye.
Kung mahal mo na talaga siya, patawarin mo.
Shoot. Sapul. Kailangan ko na bang patawarin si Nur? Pero hindi ko naman siya mahal.
Hindi ko siya mahal, mahal na mahal ko na ata siya.
***
Hi clashers!
Another update na umabot nanaman ng ilang taon. Hahaha. Joke. Oo nga pala, happy 2.38k reads! Thanks po sa support at effort sa pagbabasa! And one more thing, tapos na Chinese Test ko! Yay! Hahaha. Makakapag-update na ako I guess every other day or every 2 days. Again, thanks po sa lahat lahat! I love you all clashers!
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...