[A/n: Sorry po kung pabago-bago ang isip ko. Hindi na siya one-shot. Ito kasing utak ko eah, nababaliw. Hahaha. Yun lang po. Salamat :D]
Sandra's POV
Currently thinking kung anong gagawin sa visual aid namin. Marami akong idea kaso ang hirap ipahiwatig. Hayys.
Yung idea ko kanina, parang tree kasi ang report namin ay Codominance.
Kaso hindi nagma-match ang tree sa report namin.
Tapos naisip ko nanaman kanina na puro connecting tubes, dahil nga codominance.
Letcheng codominance na yan, nawawalan na ako ng idea.
Pumunta ako sa FB Messenger para tanungin ang president namin tungkol sa Visual Aid.
"President? Pano mo i-illustrate sa visual yung codominance?"
Sent.
Delivered.
Seen.Is typing...
"Ano Sandra, sabi ni Sir gumamit nlng ng squares. Ung 4."
"Hayys. Sige sige. Salamat."
After ko siyang i-chat, BRIGHT IDEA NANAMAN.
Apat na square na magkakatabi, may kulay ang border, at may ribbon sa right side. Oh diba? Ako naman gagawa, kaya wala silang pake.
Dahil maganda ang aking idea, agad kong kinuha lahat ng materyales na gagamitin ko. Nilagay ko sa sahig at sinimulan ko nang gawin.
Sinulat ko ang Group 1 at sa center naman ang "Codominance".
Tapos sinulat ko na ang meaning ng codominance, structures and positions nito. Pati na rin kung saan ito ginagamit.
Nang natapos ko na lahat, parang may kulang. Kinuha ko ang cellphone ko at in-unlock ko yun, pagkatapos ay dumeretso ako sa Google Search para makapagsearch ng ano pa ang kulang sa visual namin.
Maya-maya, biglang tumunog cellphone ko na hawak ko.
Clash of Clans
Archer Tower upgraded to level 5Nung nakita ko 'yun, agad kong pinindot para tingnan ang Archer Tower ko.
Nagload na ang
SUP
ERC
ELLAww. Natanaw ko na ang aking village. At hinahanap ko ang Archer Tower. Ang cute ng level 5.
Kuha kuha ng elixir at gold sa mga collectors
"Anak, tapos kana ba sa Visual niyo?" -Mama
"Hindi pa po ma!"
"Ano kaba? Tapusin mo na nga yung Visual niyo, bukas na yan diba?" -Mama
Mukhang galit na si Mama.
"Ibaba mo na yang cellphone mo kung hindi kukunin ko yan." -Mama
"Opo ma! Eto na, e-exit na."
Goodbye CoC...
In-exit ko na siya, tapusin ko na nga yung visual namin.
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...