Dere-deretso ako sa pag-akyat sa hagdanan hanggang sa makarating ako sa classroom.
Nadatnan ko sila Angel at Catherine, nag-uusap. Agad kong nilapitan silang dalawa.
"Ano topic?"
"Hi Sandra, vacation." Si Angel
"Kamusta?"
"Ok lang, eto nakatapos na ako ng ilang stories ko. Kaso puro one shot lang." -Catherine
"Ako naman, nakapag-experiment ako ng mga make-up ko. Ang saya kaya, kapag may time turuan ko kayo."
Nanahimik ako. Hindi ko alam, napaisip ako kung ano nga ba talaga ang nangyari nung Sembreak.
Kinalbit ako ni Angel. "Oy, oy. Anyare sayo nung Sembreak?"
"Share mo na kasi Sandra." Ngiting sabi sa akin ni Catherine.
Sasabihin ko ba talaga sa kanila?
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...