Chapter 13: Max Upgrades

121 6 8
                                    

Sandra's POV

Sandra, Sandra?

Napamulat ang mga mata ko dahil may tumatawag sa akin. Agad kong nakita si Mama, hawak-hawak ang cellphone ko.

"Anak? May tumatawag sa cellphone mo."

"What!?" Napabangon ako kaagad, nakakaasar naman. Inaantok pa ako!

Kinuha ko kaagad yung cellphone ko kay Mama at tiningnan kung sino yung tumatawag.

Si Melissa.

Sumenyas si Mama na lalabas muna siya sa kwarto kaya tumango ako at lumabas na siya sa pintuan.

"Hello?"

[Oy! Anong oras na! Kanina pa ako tumatawag sayo ah!]

Napatingin ako sa orasan, 2 pm na pala.

"Adik! Dahil sayo, nagising ako."

[Ok. Hahaha. Good news!]

"Ano?"

[Sabi ni Adviser, punta daw sa school sa monday. Pero sa tuesday, wala nang pasok! Wooh!]

"Bakit daw?"

[Duh! Sembreak na.]

"Ok sige. Salamat."

[Your not welcome. Hahaha. Welcome sige, bye.]

"Bye."

Call ended.

Yes. Buti nalang saturday palang, makakapagpahinga pa. The most awaited day of my life, sembreak.

I decided to open my Clash of Clans and check my base. Nag-collect ako ng gold and elixir, oh yes. Tapos na ma-upgrade ang lahat ng dapat i-upgrade.

Ready na akong mag-town hall 6. Nakaka-excite, lumalakas na ako.

Binuksan ko yung clan chat, huling message ay may nag-request. Kaso dragon ang hinihingi, wala pa ako nun.

Pinapangako ko sa sarili ko, magluluto ako ng maraming maraming dragon kapag nagkaroon na ako nun.

Hindi muna ako magcha-chat, panigurado ako nanaman uutusan ng leader namin na kausapin ang mga bagong members.

Nag-request muna ako ng troops, wala pa atang one minute, napuno na ang Clan Castle ko. At may biglang nag-appear na

You recieved a level 5 Archer from JJ!

Limang beses ito lumabas sa screen ko, grabe.

Nag-chat ako, "Thanks po."

Nagreply si JJ, "Welcome"

Biglang nag-message si Nur, "Sandra?"

Magrereply na sana ako ng biglang-

CONNECTION LOST

What the hell! Ni-reload ko ng paulit-ulit pero ayaw na.

"Oh my Gosh, what happened!" Sigaw kong sabi, nakakainis!

Nawalan na ako ng gana, In-exit ko na ang CoC.

Pero ano kaya yung kailangan ni Nur?

***
Ok, ang sabaw. Grabe. :( Sorry po natagalan.

Clash of Clans Love Story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon