Chapter 8: Class Suspended

169 10 9
                                    

Sandra's POV

Nandito ako sa bintana, nakatingin sa malayo. Kakagising lang. Grabe, lakas ng ulan. Signal number 2 ata eh.

"Ma? Kelan nagsimulang umulan?" Tanong ko kay mama.

"Kagabi pa Sandra, diba natulog ka nung pagkauwi mo hanggang kanina." -Mama

"Ay weh!? Bakit hindi ko naramdaman kagabi ma? Saka hindi ako nag-dinner." -Ako

"Ginigising kita kagabi, kaso wala. Sarap ng tulog mo, tapos ang lakas pa ng hilik mo." -Mama

"Ma naman, alam ko na yan. Matagal na."

"Totoo naman ha. Teka papasok kaba?" -Mama

Tumigin ako sa cellphone ko, walang text. Kainis.

"Opo ma, walang text eh."

"Ok sige. Dalian mo na maligo kana." -Mama

"Opo. Eto na."

Nanghihinayang ako kung papasok ako o hindi. Wala naman kasing text na class suspended.

Dumeretso na ako sa kwarto para makaligo na.

***
Tapos na lahat-lahat ng gagawin ko, magme-medyas na ako at sapatos para makaalis na.

"Sandra, nagtext teacher mo. Class suspended daw." -Mama

"ANO!? NAKABIHIS NA AKO AH! KAINIS NAMAN!" Napasigaw ako, nakakapikon.

Ikaw na nakabihis na lahat-lahat, saka lang malalaman na class suspended pala. Hayy nako. Bigti na this.

"Chill lang. Itulog mo nalang yan." -Mama

"Ok ma. Bihis na ako."

***
Tapos na ako magbihis, Maka-check na nga lang ng CoC ko, para mawala yung pagkabadtrip ko.

Humiga na ako sa kama ko, pinindot ko na yung Barbarian na nakanganga sa Home Screen ko.

Loading...

Need a bit more gold for an upgrade? Take it from the Goblins in a single player mission!

Nag-load na base ko. Teka, tapos na pala yung upgrade sa laboratory. Level 3 na archer ko, makakapag-donate na ako.

Napansin ko din na 99 messages na ang nasa clan chat box na nasa left side.

Ayoko mag-backread, nakakatamad.

Pero kapag nagwa-wattpad, hindi ka tinatamad.

Oo na utak, alam ko. 'Wag kana maingay diyan, naglalaro ako.

Binuksan ko nalang yung inbox, babasahin ko lang sinong may request.

Wazzup

Archer po pls. Salamat.

0/15
_________
|Donate|

Makapagdonate na nga lang, mabait naman ako.

5/15

Thank you for the troops!
You have received 5 XP

Akalain mo, may XP pa yun.

Nagtrain ako ulit sa barracks ng limang archer para mapuno ulit ang army camp ko.

May message nanaman. Hayy. Open ko nalang ulit.

Wazzup

Thanks sa troops Sandra :)
-----------------------------------------
You

Welcome po :D
-----------------------------------------

Tiningnan ko profile niya kung anong level na siya, ang galing. Medyo malakas siya sa akin ng konti. Pero ok lang naman.

Ganun talaga, may nakakahigit sa kakayahan mo. Hahaha. Hugot.

Wala naman akong gagawin, ay. Oo nga pala, a-upgrade ko pala yung Wizard Tower para mag-level 2 na siya. Magkakaroon na siya ng konting violet sa baba.

Hinanap ko na si Wizard Tower, pinindot ko na siya at pinindot ko na ang upgrade button.

Ok na lahat. Anong oras naba? 8:34 am palang, matutulog muna ako ulit. Exit muna ako.

Clash of Clans Love Story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon