Chapter 24: "Ayoko na."

127 7 7
                                    

Sandra's POV

Ayoko. Ayoko na talaga. Bestfriend zone. Na-bestfriend zone ako kagabi lang.

Bakit pa kasi na-fall ako sa isang lalaking nakilala ko lang sa isang laro and worst taken na!

Is this a game of love? I'm so frustrated right now! This is not a game of love, it is a game where you protect your own base!

Hindi ko alam, ang sakit-sakit na iniisip at iniisip ko parin ang mga salitang sinabi niya sa akin.

Paulit-ulit na nagfa-flashback sa isip ko iyon. Replay nalang ng replay! Damang-dama ko ang boses niya kahit nasa Mindanao pa siya!

Sana may gamot para makalimot o kaya naman gamot para sa slight amnesia.

Napatulala lang ako sa salamin na nasa harap ko at nakatayo ako dito ngayon.

"Ito! Itong mukha ang pinili niyang i-bestfriend zone!? Walang hiya!"

Biglang tumunog ang cellphone ko, ringtone na naka-set para sa Kik.

Sino kaya yung nag-message?

Napapakit na muna ako, huminga ng malalim at saka nag-dive sa kama papunta sa cellphone ko.

Pagkapindot ko sa power button ay bumungad sa akin ang isang message. Message ni ate Lheanne, tuluyan ko ng binuksan ang phone ko para ma-view ang message.

(Sandra? Napano kayo ni Nur?)

"Alam mo na ate?"

(Oo. Nag-kwento na si Nur kagabi.)

"Nakwento na pala ate, para sa kanya ok lang. Pero ang bigat sa akin nung sinabi niya, dala dala ko pa din yung bigat na yun."

Lheanne is typing...

Nalaman na ata ng buong clan yung balita. Hindi lang pala siya manloloko, reporter pa.

(Huminhingi ng tulong sa akin si Nur.)

"Bakit ate?"

(Para daw maging close pa din kayo kahit na pagkatapos lahat ng nangyari.)

Close!? Nang-iinis ba talaga siya?

"Ayoko na ate, kung kailangan man na mag-leave ako sa clan. GAGAWIN KO."

(Kaw bahala Sandra. Chat mo nalang ako ok? Work nko.)

Sa totoo lang, nakaka-offend. Aalis talaga ako ng Liberated kung kinakailangan.

Aalis para makapag-move on.

Mage-exit na sana ako sa Kik ng biglang tumunog ulit cellphone ko. Binaba ko yung notification bar para makita ko kung sino.

Nur.

Hindi na talaga ako magre-reply sa kanya. Nag-exit ako at ni-load ang CoC ko, kailangan kong gawin ang bright idea ko.

Aalis ako ng clan.

Nag-load na ang game pero ang bumungad sa akin ay isang walang kamatayang update. Bagong update pagkatapos ng Halloween Special nila.

Alam ata ng CoC ang nararamdaman ko kaya naman ayaw niya akong maglaro. Pinigilan niya akong huwag umalis sa clan.

Wala akong magawa kung hindi pindutin ang update button. Nag-direct kaagad siya sa Playstore. Pinindot ko naman ang update button na kulay green.

Lumabas nanaman ang isang pop-up window. At kailangan pang pindutin nanaman ang Accept button na kulay green.

Habang naga-update siya, 3 am na din. At eksaktong ang bagal-bagal pa ang pagusad ng percentage kaya pinindot ko ang power button at nilagay ang cellphone ko sa tabi ko, at pumikit.

Sana maka-move on na ako.

Clash of Clans Love Story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon