Part 1: Epilogue

95 3 3
                                    

Hi Clashers. Happy One Year! Yay! Actually nung March 24 pa. At dahil one year na itong story ko, maybe its time na din para tapusin ko na ito. So this is Epilogue, part 1 of 2. Happy Reading. :D

***

Sandra's POV

"Walang lihim ang hindi nabubunyag Sandra." -Angel

"Oy hindi ah! Pwera nalang kung sinabi mo." -Catherine

"Guys, pwede ba. Go na Sandra, nakaka-distract kayo ng tao." Sabi ni Melissa sa seryosong tono.

Ganun ba talaga sila ka-desperada sa ikukuwento ko?

"Wala na niyang oras." Palusot ko.

"Abutin pa yan ng gabi, ok lang." Sabi ni Angel.

Wala na akong magagawa, bestfriends ko talaga ang mga ito.

"Hayy. Sa CoC kasi nangyari yun."

"CoC ita-topic mo, eh alam mo namang hindi kami naglalaro nun." Pagkasabing yun ni Melissa ay nag-roll eyes siya.

"Hindi naman totally doon eh, I mean doon nagsimula lahat."

"Interesting." -Catherine

"Saka, may chat kasi sa CoC kaya online ako doon pero sa chat lang at hindi ako nakakapag-attack dahil sa chat. Ok? Gets?"

Ang hirap magpaliwanag sa mga hindi naglalaro.

"Yeah. Dali na! Tapos?" Sabi ni Angel habang nae-excite.

"Tapos may isang sumali sa clan, bago palang ako nun almost kasabay ko lang siya."

"OMG." -Catherine

"Kyaaaah!" - Angel

Si Melissa naman, nakikinig pa din at mukhang sineseryoso niya yung pakikinig niya. Infairness, minsan lang siya magseryoso.

"Ayun, naging friends. Chat araw-araw hanggang madaling araw."

"Hahaha. Galing, rhyme pa more." Sabi ni Catherine at saka pumalakpak.

"Oo na, tapos hanggang sa may na-fall."

"What!? OMG!"

"Waaaaah!"

Kanya-kanyang reaksiyon nila, nakakatawa silang tingnan.

"May sumalo ba?" Cold na sabi ni Melissa.

Saglit akong napahinto sa sinabi niya. Wala naman talaga, nag-assume lang ako. Umaasa lang ako.

"Ano ka ba naman Melissa! Panira ka talaga! Ayan, nawalan ng gana si Sandra." Pagsisita naman ni Catherine.

Ay, grabe talaga.

"H-ha? Hindi ok lang, alam niyo namang ganyan si Melissa sa pag-ibig, ang ampalaya."

"Hahaha. Sige, continue mo lang Sandra." -Catherine

Nagpatuloy lang ako sa kwento hanggang sa nag-react nanaman sila.

"OMG, sinong na-fall?" -Angel

"Edi yung taong nagke-kwento sa inyo."

Tumingin silang tatlo sa akin nang may pagtataka sa mukha nila.

"Slow niyo guys."

"Gets namin! Pero ang galing nun?" -Catherine

"Baliw! Anong magaling doon, magaling kasi nasaktan ako?"

"Hahaha. Sorry na, I mean magaling yung story. Pang-wattpad." -Catherine

Clash of Clans Love Story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon