"Uy Lissa!" Napalingon kami sa tumawag kay Melissa na nanggaling pa sa likod.
"Kuya Carlo!" Sigaw ni Melissa at saka siya yumakap dito. Si kuya Carlo ang naging kaibigan namin sa 4th year.
"Kamusta ang vacation?" Tanong ni kuya Carlo sa amin.
"Sige kuya. Nakalimutan mo name ko. Hmpp." Agad naman siyang nagulat at nag-isip.
"Ay. Wait lang." Sabi ni kuya habang tinuturo ako. "Ah! Ikaw si Sandra! Tama ba?" Napangiti naman ako dahil naalala niya ako. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay-sabay na nagsabi ng "Hahaha."
"Eto kuya. Ok naman, laging puyat." Sagot ni Melissa. "Grabe kuya, hindi lang siya puyat. Naging slow din siya." Sabi ko naman. "Talaga Sandra? Diba matagal na siyang slow? Hahaha."
Agad namang hinampas ni Melissa si kuya Carlo sa braso at tumingin ng masama sa akin.
"Hahaha. Pikon ka talaga Lissa. Ok, mauna na ako sa inyo girls. Alam niyo na, CAT priorities. Bye." Sabi ni kuya Carlo at kumaway siya papalayo sa amin.
"Tara na nga DraDra. Aakyat pa tayo sa classroom, lalabanan pa natin si gravity." Nagtaka naman ako sa pagtawag niya sa akin.
"DraDra? Talaga lang ha?"
"Oo kaya ang cute. Parang aso."
"Hindi ako aso. At higit sa lahat hindi ako hayop." Seryoso kong sabi.
"Talaga hindi ka hayop? So ano ka? Alien? Hahaha."
"Baliw. Oo alam kong hayop pa din ang tao, pero upper class pa din tayo."
"So mayaman tayo?" Pagkasabi niya ay nainis na ako sa pagbabara niya kaya naman iniwan ko nalang siya sa lobby.
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...