Chapter 7: I hate MONDAYS

162 13 5
                                    

Kasama ko sila Catherine, Melissa at Angel dito sa classroom. Kakatapos lang mag-lunch. Magkakatabi kami dito sa mga upuan sa gitna ng classroom. Ang tahimik ng mga katabi ko, nakakabingi.

KKB ang mga ibang kaklase namin, Kanya-Kanyang Buhay.

"Waah! Inaantok pa ako!" -Melissa

"Kaasar. Puyat pa naman ako kagabi." -Catherine

"Napano kayo? Busy much ata kayo." -Ako

Nakakapagtaka lang. Lagi silang ganyan, One week na.

"Sandra, alam mo naman kami, laging puyat." -Angel

"Well, that explains a lot."

Kanya-kanyang buhay sila. Puyat dito, puyat doon. Ayan tuloy, sagana sila sa eyebags.

"Good night guys." -Sabi ni Melissa at yumuko na siya sa desk niya.

"Ang tagal ni Ma'am Mhay. Tulog muna ako." -Catherine

"Hahaha. Push niyo yan. Balik na ako sa pwesto ko."

"Sige Sandra." -Angel

Tumayo na ako, nagsisipag-tulugan na sila. Wala na akong kausap.

Bored ako dito sa upuan ko. Hayss. Bawal mag-earphones, baka ma-confiscate.

What to do, what to do?

Hmm. Bahala na. Magmumuni-muni nalang ako.

"Ahaha! Tulala sa hangin!" -Joseph

Yabang talaga nito.

"Ano nanaman kailangan mo?" -Ako

"Oh. Diary ko." Sabi niya tapos nilapag na niya yung Diary niya.

"Half day ngayon, pa-sign mo na yan." -Joseph

"Tss. Salamat ha?" Letche. Letche talaga.

"Your welcome. Dalian mo para maka-CoC na ako sa bahay."

Kinuha ko na rin Diary ko, kainis talaga. Ginawa pa akong secretary. Katapos ko lagyan ng "Half Day", pinapass ko na para ma-sign na. Nandun na si Ma'am Mhay, wala si Adviser.

"Tapos na yung batch na ito. Pamigay niyo na." Sabi ni Ma'am.

"Sandra, pamigay mo yung batch na ito." Sabi ni Ma'am tapos tinuro niya yung batch ng diary na kakatapos niya lang i-sign.

"Yes Ma'am."

6 lang ang diary na binigay sa akin, pinakatingnan ko.

Diary pala nila Catherine, Melissa, Angel, Richard. Tapos yung last yung diary naming dalawa ni Joseph.

Papamigay ko na, para makauwi na. Matutulog ako.

"Sandra? Nandiyan ba diary ko?" Tanong sa akin ni Angel.

"Yup. Eto oh, kunin mo na."

Kinuha na niya sa kamay ko yung diary niya.

"Thanks Sandra." -Angel

"Sige. Welcome."

Lumapit ako sa pwesto nung dalawang inaantok.

"Oy, dalawang puyaters. Diary niyo." Sabi ko tapos inabot ko diary nila.

"Huh? Ano? Salamat." -Catherine

"Tulog pababa si Melissa?" Tanong ko dahil hindi pa ata ako narinig ni Melissa.

"Oo Sandra, tulog pa yan. Humihilik pa nga eh. Hahaha." -Angel

"Ang sama mo talaga Angel. Bigay niyo nalang sa kanya yung diary niya. Salamat." Sabi ko sabay abot ng diary ni Melissa kay Angel.

"Ok sige."

Diary papala ni Richard. Last na hawak ko. Dahil yung isa sa akin, at yung isa isasampal ko kay Joseph.

Pumunta na ako sa upuan ni Richard, nakaupo siya doon kasama si Terrence.

"Richard, diary mo." Sabi ko sa kanya tapos inabot ko na diary niya.

"Lagay mo nalang sa bag ko Sandra, may pinapanuod pa kami." -Richard

No choice. Letche.

"Opo sir. NAKAKAHIYA NAMAN SAYO." -Ako

"Shhh. 'Wag kang maingay." -Terrence

Binaba ko muna sa desk ni Richard yung diary namin ni Joseph. Tapos binuksan ko na bag ni Richard.

Pagkabukas ko, sabog ang bag niya. Hayy. Naiinis ako kapag hindi organized, kalalaking tao pa naman.

At dahil sabog ang bag niya, hmpp. Sinaksak ko nalang sa kung saan ang diary niya. Tapos sinara ko na bag niya.

"Salamat baby Sandra." Sabi ni Richard habang nanunuod pa din sila ni Terrence.

"Tss. Baby mo yung bag mong sabog." -Ako

"Oh. Ay! Masarap siguro yan noh Terrence?" -Richard

"Oo nga. Kaso hindi pwedeng i-try eh, bata pa tayo." -Terrence

Teka, gets ko na pinapanuod nila.

"Yuck. Kadiri kayo. Alam ko na pinapanuod ninyo." -Ako

"Tss. 'Wag kana mag-ingay diyan." -Terrence

"Whatever." Sabi ko tapos umalis na ako.

Dumeretso na ako sa pwesto ko.

"Oy! Joseph! Diary mo!" Sabi ko habang sumisigaw.

"Lagay mo diyan, busy akong nage-edit ng picture." -Joseph

"Edi wow. Tss. Bahala ka diyan, hindi ko na papasign yan." -Ako

"Edi 'wag." -Joseph

Hindi ko na siya pinansin, kainis. Nilagay ko na sa bag ko yung diary at sinuot ko na bag ko. Ready na akong umuwi at matulog.

Ay. Tanghaling tapat pala. 1:15 na, ang init niyan pag-uwi.

May payong ka diba?

Oo na, naalala ko na brain. Salamat.

Nilabas ko na payong ko, tapos lumabas na ako ng classroom. Bababa simula second floor hanggang first floor. Uuwi na talaga ako.

Clash of Clans Love Story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon