Sandra's POV
Eto ang araw na pinakahinihintay ko, ok na lahat ng dapat i-upgrade. Sa troops man, or sa defenses. Yay!
Eto kasi ang araw na, magle-level 6 na ang town hall ko. Ang saya, lumalakas na kasi ako.
I forgot to mention, level 4 na din pala ang clan namin. Thanks to the new members for participating.
Pero lagi ko nalang iniisip si Nur, hayss. Bumabagabag pa rin siya sa akin.
Kuya JJ assigned me to take charge in our clan because he will visit another clan. Nakakapagod nga lang maging leader kasi kailangan lagi akong naka-online to monitor the members.
Baka daw kasi may gawin sila, baka daw magmura or gumawa ng masama. And Kuya JJ hates it.
Ako lang ang pinakabata sa clan, pero at the same time ako pa din ang magha-handle. Talk about no choice.
This is my second day to handle the clan. Ang tagal bumalik, nag-enjoy pa siguro sa ibang clan.
Kahapon, tatlo ang bagong member namin dito. At lagi ko din tinitingnan ang clan stats, kung sino ang co-lead, elders, and also the newest members.
Dalawa lang pala kaming co-lead, ako at si Nur. Pero Leader muna ako, pansamantala lang naman. At dahil sa hindi ko malaman kung naka-online ba si Nur o hindi. I prefer staying online when I'm bored.
Somebody joined the clan again, and yes. Inaccept ko siya. Para kasing Facebook din ang CoC, kailangan maaccept ng isang elder, Co-lead or mismong Leader ang isang gustong sumali sa clan.
Tinanong ko kaagad ang ASL niya, Age, Sex, Location. Gladly nagreply siya kaagad. 14, male, Bulacan.
Nagchat ako baka sakaling online si Nur.
"Nur?"
"Yes?" Sagot niya, grabe. Ang bilis mag-reply.
DUG. DUG.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, at hindi ko alam kung bakit.
"Kanina ka pababa online?"
"Hindi naman, ngayon ngayon lang. Bakit?" Nagtanong naman siya.
DUG. DUG. Iba ang kabog talaga ng dibdib ko.
"Pakibantayan naman itong clan oh, inaantok na kasi ako." Sabi ko naman sa chat.
"Sige, para sayo :)" Shet. Kinilig ako, nag-init ang dalawang pisngi ko.
"Sige salamat, good night."
"Good night! Sweet dreams :)" Mas lalo pang dumagdag init ng pisngi ko. Hayss.
Nag-iwan naman ito ng ngiti sa aking labi.
"Anak? Ang ganda ng ngiti mo diyan ha?" Nagulat ako sa boses ni Mama.
"Grabe ma! Sabihin mo lang po kung gusto mo akong bigyan ng Heart Attack!" Napasigaw ako ng wala sa oras. Hayss.
"Hahaha. Sorry anak. Ang lapad ng ngiti mo kanina, hindi mo ako namalayan na nandito ako sa kwarto mo."
"Sino ba yan ha?" Dugtong pa ni Mama.
"W-wala ma."
"Sus. Ayaw mo lang sabihin, ok lang naman. Matulog kana oh, 12 am na."
"WHAT!? 12 am na ma!?"
"Oo nga! Tama na nga pagsisisigaw mo diyan, may kapit bahay tayo." Iritadong sabi ni Mama.
"Opo, sorry. Good night po."
"Good night." Sabi ni Mama at lumabas na siya ng pinto ng kwarto ko.
Humiga na ako sa kama.
Nur
And everything went black.
***
Kilig. Hahaha. ♡♡♡
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...