Sandra's POV
Kasalukuyang nagtatype si Nur ngayon, nakakakaba sa bawat paghinto niya sa pagtype. Type, hinto, type, hinto.
Ilang minutes din ako naghintay sa explanation niya. 4 minutes. Napapikit nalang ako habang hinihintay siya.
Inlove na ba talaga ako?
Papatawarin ko ba siya?
Aamin na ba ako?
Hawak ko pa din ang phone ko, bigla naman siyang nag-vibrate. Sign na may nag-message sa akin.
Napadilat na ang dalawang mata ko at huminga ako ng malalim. Tiningnan ko na ang message niya.
(Sandra. Please sorry na, kaya ko lang naman nagawa iyon dahil ayokong masaktan kita. Pero mali pala yung plinano ko, yung ginawa ko. Nasaktan ka pa din. Hindi lang ikaw yung nasaktan, ako din. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko, nagsinungaling ako. Gusto ko lang na maging masaya ang tinuturing kong bestfriend ko sa Liberated. Diba sabay tayo dun? Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya dahil nakilala ko ang isang baliw kagaya mo, kagaya niyo nila ate Lheanne at ni Ate Kylie. Masaya kayong kausap, nakakawala nang lungkot. Kailangan kong magsinungaling kasi ayoko masira ang pagkakaibigan natin. Ayoko mawala iyon. Sana mapatawad mo ako. Hinding-hindi na mauulit.)
May tumulong luha sa mata ko, napapikit nanaman ako.
Eto nanaman ako, iniyakan ang isang lalaki.
Kumakawala pa din yung mga luha sa mata ko. Agad ko namang pinunasan gamit ng kanang braso ko, at nag-type na ako.
"Hindi mo lang alam kung gaano kasakit na ang isang taong tinuturing kong kaibigan ay nagsinungaling sa iyo. Umiyak ako, at umiiyak pa din hanggang ngayon Nur. Masakit, sobra. Pinaniwala mo ako sa sinabi mo, eto naman ako na naniwala sa ginawa mo. Ako pang nasaktan at nagmukhang ewan."
Hindi pa din tumigil ang pagtulo ng luha na galing sa magkabila kong mata. Ang sakit, may kirot pa din sa puso ko. Sobrang sakit.
(Oo alam kong nasaktan kita. Wag kanang umiyak. Sorry talaga. Hinding hindi ko na talaga uulitin, ayokong masaktan ang mga taong importante sa akin.)
"Ako? Ako importante? Tandaan mo, kung importante ang isang tao sa iyo o sa kung sino man. Hinding hindi mo magagawa na saktan sila. Hindi mo gagawin sa kanila ang ginawa mo sa akin."
(Sige na sandra please, ayokong may taong galit sa akin. Lalo na kung importante sa akin at lalo na kung kaibigan ko pa.)
"Sana hindi mo na ginawa iyon. Sana inisip mo muna kung sino ang masasaktan kung ginawa mo iyon."
Napahinga muna ako ng malalim. Nararamdaman ko ang mga mata ko na humahapdi na at nanunuyo na din ang lalamunan ko.
"Sinaktan mo ang taong pinangangahalagahan ka at minahal ka."
(Minahal mo ako?)
"Oo Nur. Pinapatawad na kita, sana wag mo nang uulitin at gawin sa iba."
(Minahal mo pala ako, bakit hindi mo sinabi kaagad?)
Oh no.
"NVM. Wag mo nang isipin yun Nur."
(Salamat sa tawad sandra. Dapat sinabi mo kaagad. Hindi mo ako pwedeng mahalin, taken na ako. Hindi ko pwedeng suklian ang pagmamahal mo sandra. Bestfriend lang talaga ang turing ko sayo.)
Bumuhos nanaman ang luha ko. Masakit na nga yung ginawa niya sa akin, na-bestfriend zone pa ako. Nagta-type pa din siya, pero hindi ko na kinayanan. Nag-exit nalang ako sa Kik. Ibinato ko yung cellphone ko sa unan ko at humiga.
Ayoko na, ayoko na talaga.
***
Hi Clashers!
Update ko po bago ako pumasok bukas. Bwahahaha. Enjoy :)
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...