Sandra's POV
It's already 1 am and still hindi talaga ako makatulog. I decided again to play CoC.
Nakita ko sa clan chat box na nag-uusap si Nur, si kuya JJ saka yung isang, teka. Bagong member ata 'to. Oo bago siya. Lheanne31 ang CoC name niya.
"Hello po :D" chat ko sa kanilang tatlo.
"Hi Sandra :)" reply naman agad ni Nur.
"Hello first member, hahaha." Sabi naman ni kuya JJ.
"JJ, I love you. Hihihi. Kiliggg, hahaha." Sabi nung Lheanne31 na yun.
Nanlaki naman mata ko dun, nag-type ako ng "ayiiiiiieeeeeee!".
"I love you too :*" reply naman ni kuya JJ.
Shems, kinikilig ako sa kanila.
"Kenekeleg po ako sa inyo. Hihihi. Kayo na po ba?" Sabi ko naman sa kanila.
"Soon to be Sandra. Hahaha. Diba JJ my loves?" Sabi naman ni ate Lheanne.
"Oo naman." reply naman ni kuya JJ. Shemaii, nakakakilig talaga.
"Nawala ata si Nur?" tanong ni kuya JJ.
"Opo ata." chat ko.
"Hahaha. Hindi boss, nandito pa ako. Nag-looting lang." -Nur
"Grabe ka naman Sandra, gusto mo atang mawala ako." dagdag pa ni Nur.
"Oy! Hindi ah!" chat ko. Shems, ang init ng pisngi ko.
"Hahaha. Joke lang Sandra, matulog kana. Madaling araw na." OMG. Hangin please!
"Aww. Hindi makatulog, baka may nag-iisip sayo baby Sandra." Chat naman ni ate Lheanne.
"Hindi ko po alam ate, hindi talaga ako makatulog po."
"Aysus. Iniisip ka ng nagkaka-crush sayo." -ate Lheanne
"Sandra, inom ka ng gatas para makatulog kana." Singit naman ni Nur.
"Aysus naman, concern si Nur para sayo Sandra. Ayiee naman." -ate Lheanne.
Nag-init nanaman ang mga pisngi ko, kasi naman eh!
"Hahaha. Grabe ate, osya iinom na po ako ng gatas. Babusssh!" Chat ko sa kanila.
"Ok. Concern talaga oh." Singit naman ni kuya JJ.
"Hahaha. Oo boss JJ eh." -Nur
"Babye baby Sandra, good nighty! :*" -ate Lheanne
"Ingat Sandra." -kuya JJ
"Ingat ka palagi Sandra, good night. Sleepwell :)" -Nur
Nag-exit na ako sa Coc, hindi na rin ako nag-reply. Ang sweet talaga niya, I mean nila.
Lumabas ako ng kwarto para magtimpla ng gatas. Susubukan ko lang, baka sakaling dapuan ako ng antok.
Kumuha na ako ng baso sa glass holder namin sa lamesa at gatas na Bearbrand sa pantry namin.
Nag-init ako ng konting tubig sa electric kettle namin. Mabilis lang naman uminit kaya nilagay ko na sa baso at nilagyan na ng Bearbrand, Tapos inalis ko na sa saksakan.
Habang nagshahalo ako ng iinumin ko, biglang nakarinig ako ng kumalabog. Natakot ako at dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at ni-lock ang pinto.
Umupo na ako sa kama ko at nagsimulang uminom ng gatas, agad kong nakalahati iyon. At nakaramdam na ako ng antok, grabe galing ni Nur.
Pinilit ko nalang ubusin yung natitirang gatas sa baso ko at humiga na ako. Nakatingin lang ako sa kisame and everything went black.
~*~
Again, natagalan nanaman. Sorry po :(
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...