Chapter 17: 2 Broke Girls

126 6 5
                                    

Dedicated nga pala kay jhay_rance Thanks po sa paghintay at support niyo :D

***

Sandra's POV

Second day ng sembreak ngayon, and nakakaboring. Hindi makapag-libot, walang baon, walang nakikitang nga epal.

It's 11 am in the morning, hindi ko pa din makalimutan yung nangyari 10 hours ago. Nag-init nanaman ang pisngi ko.

Bigla namang bumukas ang pintuan, himala hindi ako nagulat.

"Anak, lunch is ready." Sabi ni mama.

Napansin kong nakapang-alis na damit siya.

"Ma? Aalis ka?"

"Ah. Oo Sandra, pupuntahan ko kasi yung kaibigan ko doon malapit sa school mo."

Yes, maso-solo ko yung bahay.

"Sige po, ingat kayo."

"Bangon ka na diyan, para i-lock mo yung pintuan Sandra." Sabi ni mama at lumabas na siya sa kwarto ko.

Bumagon na ako, magsesepilyo na ako.

Brush brush brush, three times a day.

Pagkatapos nun ay kinuha ko ang suklay ko at lumabas na ako ng kwarto. Si mama naman, nasa pintuan at parang hinihintay ako.

Pumunta na ako sa kanya, lumabas na siya at nag-goodbye na. Maso-solo ko ang bahay.

Nagsuklay ako sa pintuan ng buhok kong napakagulo. Suklay, sabit, hila, hairball. Sanayan nalang, mahaba kasi buhok ko.

Pagkatapos nun ay ni-lock ko na ang pintuan at tiningnan ko ang ulam sa kusina, and yes. Tocino, my favorite.

Kumuha ako ng mangkok, kutsara at kanin, kumuha ng ulam at nilagay sa mangkok ko. Kinuha ko din ang water bottle ko sa ref at pumunta sa kwarto.

Nagdasal ako at naisipan ko nanaman mag-CoC habang kumakain kaya kinuha ko muna cellphone ko at tinanggal ang charger.

Hundred percent. Yes naman.

Agad ko namang pinindot ang CoC, at ang tagal mag-load. Kaya sumubo ako ulit ng kinakain ko.

Downloading content...

Ang tagal pa din kaya inubos ko na muna ang natitirang pagkain at uninom ako ng tubig.

Wala pa sa kalahati ang loading bar kaya naman naisipan kong ilabas na pinagkainan ko at ilagay sa lababo.

Pagkapasok ko nanaman sa kwarto ay nakita ko na agad ang village ko. Agaw pansin talaga ang clan chat box na one hundred plus nanaman ang messages.

Nakita kong nagcha-chat si ate Lheanne saka si teka, amoebavirus? Oo amoebavirus ang username niya. Hahaha.

Nag-scroll down ako, natatawa ako sa mga messages nila. Pag-ibig ang pinag-uusapan nila at puro hugot.

Nag-scroll up na ako at saka nag-chat.

"amoebavirus? Ano po ASL niyo?"

"23 f batangas!"

"Ah, ok po. Galit po ata kayo eh?"

"Hindi yan galit baby sandra, sadyang pangit lang yan kaya iniwan siya ng bf niya. Hahaha." -ate Lheanne

"Ay, ganun po ba? Hahaha. #heartbroken"

"WALANG HIYA KA LHEANNE! MAGANDA AKO, HINDI AKO INIWAN, PINAGPALIT LANG. HUHUHUHU." - ate amoebavirus

"Iniwan pa din po kayo nun. Hahaha." Sabi ko.

"ISA KAPA SANDRA. HUHUHU. OO NA AKO NA MAG-ISA!"

"Oy! Sakit sa mata yang CAPSLOCK mo noh! Kaloka!" -ate Lheanne

"SORRY NOH! HEARTBROKEN LANG!" -ate amoebavirus

"Hahaha. Grabe naman." Sabi ko.

"Oo na. Hindi naman ikaw nag-iisa amoebavirus, ako din noh! Huhuhu." -ate Lheanne

"K" -ate amoebavirus

Nakakatawa talaga, hahaha. #amoebavirus

"Pwede ba, call me Kylie. Letcheng amoebavirus yan!"

"Yan ata pangalan mo eh, amoeba virus hindi Kylie! Hahaha!" -ate Lheanne.

"Walang hiya ka Lheanne! Letse!" -ate kylie.

Nagpatuloy lang ang conversation nilang dalawa, nakakatawa lang talaga. Para silang mga adik.

Pareho ata silang sawi sa pag-ibig.

Pati ako.

Ang sakit maiwanan, ang sakit umasa.

"Sandra nandiyan kana pala." -Nur

DUG. DUG.

"Ay wala wala siya Nur! Bwahahaha!" -ate Kylie.

"Sandra may sasabihin pala ako sayo." -Nur

OMG. Hangin! Air! Where are you!

"Sige, ano yun?" Sinend ko na kaagad-agad.

Tapos lumabas ang bwisit na wifi signal na iyon sa screen ko. Hindi pa nase-send yung message ko!

Tatayo na sana ako ng biglang...

Connection Lost

ARGH! Lumabas ako kaagad ng kwarto para tingnan yung wifi.

Pagkatingin ko sa labas, shems. Wala siyang ilaw! Walang kuryente!

WAAH! Paano na yung sasabihin sa akin ni Nur!


Clash of Clans Love Story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon