Sandra's POV
Sandra's POV
Kakatapos ko lang pumunta sa school, nakakainis. Ang daming nagda-drama kanina lalo na yung mga sipsip at plastic, samantalang isang week lang naman na hindi magkikita-kita.
May yakap-yakap effect pa. Sus, napakaplastic. Sarap sunugin. Anyway, pina-half day lang naman kami.
As soon as I reached home, nagbihis na ako ng pambahay at humiga na sa kama. Maglalaro nanaman ako ng CoC, as usual.
Nag-donate lang ako ng anim na Archer at Barbarian sa mga humingi ng 'any troops'.
Wala namang nangyari sa clan chatbox, and parang gusto kong makipag-chat naman sa mga taga-global.
Nag-type ako ng "hi :)".
May nag-chat kaagad si LanZ ng "Mahal na kita Sandra."
What!? Grabe talaga, hindi pa nga nila nakikita mahal na agad? Sus.
"Hahaha." Reply ko.
"Oo nga Sandra, mahal na mahal na kita. Pwede bang manligaw?"
Wtf!? No. As in no way!
"Tss. Baliw ka na ata."
"Oo, baliw ako. Baliw na baliw sayo Sandra."
"Che. May iba na akong mahal."
"Wala akong pake basta ikaw mahal kita Sandra."
"Asl niyo pong dalawa?" May biglang sumingit sa chat naming dalawa ni LanZ.
"28/Les/Cabanatuan" Reply naman ni Lanz.
Grabe les siya, hindi naman sa nandiri ako pero pure akong babae, pure na pure. Hindi ako papatol, at isa pa she's twice my age!
"Boom panesss" Reply ko sa global chat.
"Bakit?" -LanZ
"Wala. Bye." Sabi ko naman.
"Teka, aalis kana? Iiwan mo ako?" -LanZ
"Oo, obvious ba?"
"Grabe. Porket nalaman mong les ako, aalis kana? Ang sakit ah?"
Hindi na ako nag-reply, at nag-exit na ako sa CoC. Grabe, nakakaloka.
Oo alam kong masakit mang-iwan, pero minsan talaga yun nalang ang solusyon para matapos na ang lahat.
***
Natagalan nanaman, sorry po talaga :(
BINABASA MO ANG
Clash of Clans Love Story [Complete]
Teen FictionAno nga ba ang Clash of Clans? Eto yung laro kung saan may base ka na kailangan mong protektahan. Nag-uupgrade ka, sumusugod ka sa multiplayer battle at mag-iipon ng trophies para sa league mo. Maraming clan na pwedeng salihan. Paano kung nakahanap...