Chapter 25.2

91 5 2
                                    

Nandito na ako sa school ng biglang may tumawag ng pangalan ko. At sa pagkakatawag palang niya ay kilala ko na kung sino.

Si Melissa. Napahinto ako sa paglalakad dito sa first floor para harapin siya. Nahagilap naman ng dalawang mata ko na tumatakbo siya papalapit sa akin.

Tumatakbo siya habang naka-ngiti at noong nasa harap ko na siya, hinihingal na siya.

"Hahaha. Takbo pa more Melissa." Sumenyas siya ng 'sandali lang!' sa pamamagitan ng kamay niya. Kaya mas lalo naging katawa-tawa ang itsura niya.

"Inhale! But don't exhale! Hahaha!" Agad namang sumama ang tingin niya sa akin. "Bwisit ka Sandra. Is that a way you treat your bestfriend? Huh?".

"Potassium." Pagkatapos kong sabihin yun sa kanya, nag-iba ang facial expression niya at napalitan ito ng pagtataka.

"Hayy nako. Potassium. Letter K sa Periodic Table." Napakamot naman siya ng ulo niya at para bang sinasabi niyang 'hindi ko gets?'.

"Anyare sayo? May hangover ka pa sa bakasyon. Ang SLOW mo. Mas mabagal pa sa data connection." Sumama nanaman ang tingin niya sa akin at saka tinamaan ang ulo ko.

"Aray ha! Ang sakit naman!"

"Hahaha. Bagay yan sayo Sandra! Bleh!" Pagkasabi niya ay bigla siyang bumuo ng letter L sa kamay niya at nilagay niya sa noo niya.

"Loser Sandra!" Napatawa nalang kami sa isa't-isa dahil ganun ang pagbati namin. Napaka-brutal.

Clash of Clans Love Story [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon