Panimula

15.4K 371 55
                                    

Sinasabing tayong mga pilipino ay mapaniwalain sa mga pamahiin o superstition (supertitous belief). Mga walang direktang batayan o basehan kung ang Science ang tatanungin.

Ngunit marami pa rin sa atin ang hindi man naniniwala ay hindi rin kumokontra lalo na at hindi naman makaka apekto sa ating pakikisalamuha at pakikibagay sa ating kapwa. Kumbaga ay..., playing safe.. After all..., wala namang mawawala kung susundin natin.

Hindi man tayo eksaktong naniniwala ay napapaisip pa rin tayo. What if.., di ba? Paano kung totoo nga? Paano kung magkatotoo nga? Gugustuhin pa ba nating malaman kung tayo na ang makakaranas? Gugustuhin pa ba nating hamunin ang katotohanang nasa likod ng pamahiing pinaniniwalaan ng mga matatanda?

Kaya hightech man ang mundong ating ginagalawan sa ngayon.., especially ang ilan (hindi naman lahat) sa mga kabataang mas nauna pa kabisaduhin ang pag operate ng computer kesa sa multiplication table.., haha.. peace guys!... ay naging bahagi na ng ating pang araw araw na buhay ang ilan sa pamahiin na hindi naman nakakasakit sa atin at sa ibang taong nakapaligid.

Halimbawa....

Kapag galing sa lamayan.., dapat daw huwag muna dumiretso agad sa loob ng bahay.. Pagpag daw muna.

Kapag daw nangamoy sampagita o bulaklak ang paligid may kaluluwa raw na umaali aligid.

Ang malaking paru parong lumilipad sa iyong tabi, mahal mo sa buhay ang hiningay napatid.

Ngunit hindi ko diyan uumpisahan ang ating kwento..., kundi sa mga nakalista sa ibaba... ^O^

Belong itim- matuloy kaya ang kasalan kung ang damit pangkasal ay isinukat?

Gunting sa sahig- nagtataksil ang asawa dahil sa hindi sinasadyang paglaglag ng gunting?

Basag na salamin- tatlong taong mamalasin ang nakagawa nito?

Treseng baitang- papanik ang malas sa numero ni Hudas?

Pusang malas- naghihintay ay kapahamakan, baka paglisan ay matuluyan?

Nagkakataon? O talagang nagaganap?

Ito kaya'y..., TOTOO?

Ikaw.., ano sa palagay mo?

Paunawa....

Hangga't may pamahiin..., may istorya tayong tatalakayin.

Halika! Sama ka.....

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon