Kabanata 9: ito ba, Tirso?

5.1K 215 38
                                    

Kinabukasan ay isang masiglang Itang ang nagisnan ng lahat. Lihim na napangiti si Tirso at Baby.

"Napanatag na ang loob niya. Makakabuti sa aming lahat kung ganito siya palagi. Hindi niya dapat matuklasan ang ginagawa namin ni Baby. Kung wala siyang alam ay hindi na siya mag iisip pa. Kailangan lang ay maging maingat kami.", bulong ni Tirso sa sarili. Pasimple pa nitong tinignan ang hipag at tinanguan.

Pasimpleng tumango rin si Baby sa bayaw. At saka tumalikod at nag umpisang maglinis sa sala.

Matapos makapagluto ng almusal ay inasikaso na ni Itang ang tatlong anak. Nakangiting pinagmamasdan lang ni Tirso ang asawa. Nakaupo ito sa harapan ng mesa at umiinom ng kape.

"Magsikain na kayo at maya maya lang ay darating na ang sidecar na sumusundo sa inyo. Ilagay nyo muna ang pansapin sa dibdib nyo para hindi madumihan ang suot ninyong uniform.", nakangiting sabi ni Itang na sinunod naman ng mga anak.

Nang makatapos kumain ang mga bata ay nagsibaba na ang mga ito. Kasunod ang tiyahing si Baby na siyang may bitbit ng bag ni Pawpaw at Jengjeng.

Maagap na iniikot ni Itang ang mga pinggan sa ibabaw ng mesa nang magbabaan na ang tatlong anak.

Ipinagkibit balikat lang ni Tirso ang ginawa ng asawa. Alam niyang gagawin iyon ni Itang. Naniniwala ito sa pamahiing makakarating nang ligtas sa pupuntahan ang nakasabay dumulog sa hapagkainan na unang nakatapos kumain at pumanaog ng bahay.

Nang pumanik na si Baby ay inaya na rin ito ni Itang na mag almusal muna bago ituloy ang paglilinis. Sumunod naman ang kapatid. Naupo na rin ito at sumabay na sa pagkain.

"Mukhang maganda na nga ang pakiramdam mo. Pwedeng pwede na akong umalis bukas.", sabi ni Tirso sa asawa.

"Oo naman! Sabi ko naman sa iyo wala kang dapat alalahanin eh.", nakangiting sagot ni Itang.

"Anong oras ang alis mo, kuya?", tanong naman ni Baby.

"Madaling araw, dadaanan ako dito ng boss ko. Sasabay na ako para makatipid sa pamasahe at saka hindi masyadong mapagod. Pagdating ko dun ay trabaho na agad ang sasalubong sa akin.", sagot ni Tirso sa dalagang saglit lang tinapunan ng tingin.

Para namang walang nakikita si Itang. Nakangiti pa rin ito at panay lang ang tango sa pag uusap ng asawa at kapatid.

"Ihahanda ko na mamaya ang mga gamit na dadalhin mo. Dadagdagan ko na tutal naman ay isasabay ka ng boss mo sa kotse niya.", sabi ni Itang.

"Huwag na, yung kagaya na lang ng dati kong dinadala. Makakapaglaba naman ako dun kapag linggo. Yung mga importante na lang. Huwag na huwag mong kalilimutan ang pinaka importante sa lahat ha.", nanunuksong sabi ni Tirso na ang tinutukoy ay ang paborito nitong bikining itim ng maybahay.

Muntik na masamid si Itang sa biro ng asawa.

"Ikaw talaga! Hindi ka na nahiya, may iba tayong kasama kung magbiro ka ay parang tayong dalawa lang ang nandito.", tila kinikilig na sabi ni Itang.

Napakunot noo naman si Baby nang tumingin sa kapatid.

"Ano ba yong pinaka importanteng sinasabi ng kuya?", tanong nito kay Itang.

"Ay sus! Huwag mong intindihin yang kuya mo. Puro kalokohan ang nalalaman niyan. Dalian mo na nga diyan at maliligo ka pa!", natatawang baling nito sa asawang nagtatawa din.

Mabilis na tinapos na nga ni Tirso ang pagkain at pagkatapos ay nagtuloy na sa loob ng banyo kung saan nakahanda na ang twalya at underwear nito.

Umalis na si Tirso. Naging abala na si Itang sa paghahanda ng mga gamit nito habang si Baby naman ay nag umpisa na maglaba.

Mabilis na lumipas ang maghapon. Maagang pinauwi mula sa trabaho si Tirso upang makapaghanda ng mga dadalhin at makapagpahinga. Masayang nag bonding ang mag anak. Dahil isang buwang hindi magkikita ay sinulit na ng mga ito ang oras na magkakasama.

"Mag text ka kaagad pagdating mo dun para alam kong safe ka ha. Pag may libre kang oras ay palagi mo kong ite text o tatawagan.", mangiyak ngiyak na sabi ni Itang.

"Anong text text.., tatawagan kita palagi!", pangako ni Tirso sa asawang matamis na ngumiti.

Masayang nagsalu-salo ang mag anak sa espesyal na hapunang inihanda ni Itang.
Hanggang sa mas lumalim pa ang gabi. Tulog na ang tatlong bata. Tulog na rin si Itang matapos ang pakikipagtalik nito sa asawang dilat na dilat pa rin ang mga mata.

Gising pa rin si Tirso. Iniisip kung paano sila magkakausap ng hipag na hindi makikita ng asawa.

"Kailangang magkausap kami ni Baby bago ako umalis.", bulong niya.

Samantala sa kabilang silid naman ay gising pa rin si Baby. Iniisip ang text message ng bayaw. Hindi naman niya magawang replayan ito dahil baka ang kapatid ang makabasa.

"Hindi dapat malaman ng ate ang lahat. Tiyak na hindi niya matatanggap at lalo lamang lala ang kundisyon. Kailangang mailihim namin sa kanya ang totoo!", sabi niya sa sarili.

Kinabukasan...., madilim dilim pa ay bumangon na si Baby. Naririnig na niya ang boses ng bayaw at kapatid. Lumabas na siya ng silid.

Si Tirso naman ay hindi na rin mapakali. Nang makita ang hipag ay agad itong humanap ng tiyempo. Patago nitong iniabot ang isang plastik at isang pirasong papel na maraming ulit na tiniklop.

Napaigtad pareho ang dalawa nang magsalita mula sa likuran nila si Itang.

"May kailangan ka pa ba, Tirso? Baka hindi alam ni Baby kaya sa akin mo na lang itanong.", matigas na tonong sabi ni Itang.

Nataranta si Tirso kung ano ang isasagot. Hindi niya namalayan ang paglapit ng asawa.

"Ah.., eh.., pinahahanap sa akin ng kuya ang maliit na kutsilyo dito sa ilalim ng tauban ate. Hindi ko naman makita kita.", salo ni Baby sa pagtatanong ng kapatid.

Dumaan sa pagitan ng dalawa si Itang at saka kinuha ang kutsilyong pinahahanap daw ng asawa.

"Ito ba, Tirso?", tanong nito habang hawak ang patalim na bahagyang inilapit sa mukha ng asawa.

"O-oo, iyan nga. Dadalhin ko na yan para kahit paano ay may armas naman ako.", dugtong na kasinungaling sagot ni Tirso.

Bip...! Bip....!

"Ayan na pala si boss. Aalis na ako, kayo na ang bahala dito.", pagkasabi ay humalik ito sa pisngi ng asawa at nagmamadaling bumaba na ng hagdanan.

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon