Belong Itim 1: solong anak

12.2K 321 18
                                    

Masamang isukat damit pangkasal pagkat di matutuloy pagharap sa altar

Ito kaya'y..., totoo?

Unang kabanata........

Nagkakagulo ang mga katulong ni Senyor Rubio at Senyora Agatha sa ginagawang paglilinis ng buong paligid sa malaking bahay ng mag asawa.

Ilang araw na lamang at kapistahan na ng kanilang patron. Maraming malalaking tao ang inaasahang magiging panauhin ng mag asawang napiling maging hermana at hermano mayor.

At higit sa lahat darating ang kanilang nag iisang anak na si Anthony na kamakailan ay nagtapos ng kursong Medisina. Dalawang mahahalagang okasyong nais ng mag asawang ipagdiwang.

Hindi magkamayaw sa pagsigaw at pagmamando ang mayamang ginang sa mga natatarantang katulong. Alam nilang makakatikim sila ng mura oras na hindi maibigan ng senyora ang kanilang ginagawa.

"Tonta! Hindi mo ba alam kung magkano ang halaga ng halamang iyan!", galit na galit na sigaw ng ginang sa dalagitang nakabunggo sa malaking paso na natatamnan ng imported nitong mga rosas.

"Patawad po, Senyora.'', paulit ulit na paghingi ng tawad ng dalagita.

"Magpasalamat ka at hindi naano ang aking mga bulaklak kundi ay isang taon kang maninilbihan na walang kakamting bayad! Umalis ka sa harapan ko ngayon din! Estupida!", singhal pa rin ng senyora.

Dali daling nilapitan ng ina at inakay palayo sa senyorang pinagsisilbihan ang lumuluhang anak. Ito man ay abot abot ang paghingi ng paumanhin at pagpapasalamat sa hindi pagtatanggal sa kanila sa trabaho.

Sa di kalayuan ay nakatingin ang awang awang si Insiang sa mag ina.

Nagulat pa ang dalaga ng kalabitin ng inang kasama sa paglilinis ng malawak na bakuran.

"Huwag kang tumayo lang at tumunganga diyan. Baka mahagip ka ng paningin ni Senyora at ikaw naman ang makatikim ng panlalait mula sa kanya. Hala, kilos na!", mahinang sermon ni Aling Juling sa anak.

Napabuntung hininga ang dalaga at pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang ginagawa.

Padilim na nang matapos sa paglilinis ang sampung katao na inupahan ng mag asawang pinaka mayaman sa kanilang lugar. Pinalapit na silang lahat ng kapatas upang tumanggap ng kabayaran para sa araw na iyon. Matapos maibigay ang sweldo ng mga naglinis ay nagsalita ang lalaki.

"Ang tatawagin ko ay magbabalik bukas upang makatulong sa paghahanda ng mga lulutuin para sa kapistahan at ang hindi matatawag ay tagalinis naman. May karagdagang kita ang matotoka sa pagluluto. Ngunit mahigpit na ipinagbibilin ni Senyora na kailangang malinis at mahusay ninyong magagampanan ang maiaatang sa inyong gawain. Ang hindi makakasunod ay agad na aalisin sa trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo?", sabi ng lalaki sa malakas na tinig.

Laking tuwa ni Aling Juling at Insiang nang tawagin ang kanilang pangalan. Malaking bagay sa kanila ang kikitain sa dalawang araw pa na ipagtatrabaho nila sa mayamang mag asawa.

"Bukas ng alas singko dapat ay naririto na kayo, kundi ay kukuha agad ako ng makakahalili ninyo!", pahabol pang bilin ng kapatas.

Magalang namang nagsi sagot ang mga tauhan.

Habang naglalakad pauwi ay masayang masaya si Insiang at nangangarap na nang mabibili sa sweldong tatanggapin.

"Naku, inay! Makakabili na ako ng bagong damit sa may tyangge.", excited na sabi ng dalaga.

"Oo, anak! Bilhin mo ang lahat ng magugustuhan mo.", nakangiting sagot ni Aling Juling.

"Salamat po, inay!", sabi ng tuwang tuwang dalaga sabay yakap sa inang nakakapit sa kanyang braso.

Pag uwi ng mag ina ay nadatnan nilang nakaupo sa baitang ng kanilang hagdanan si Mang Amado. Bahagya itong nakayukod habang isinisuot ang lumang sapatos kaya hindi sila napansing paparating.

"Saan ang punta mo, Amado?", nangingiting tanong ni Aling Juling sa asawang bahagya pang nagulat nang may magsalita.

"Aba! Susunduin ko na sana kayong mag ina eh. Nagsisiawit na ng pagsamba ang mga palaka sa bukid ay hindi pa kayo dumarating.", sagot ng lalaki.

"Ay sus ang itay!", natatawang sabi ni Insiang. Pagkatapos ay inabot ang kamay ng ama at pinagmanuhan.

"Kung bakit naman kasi naisipan nyo pang mag ina ang magtrabaho kay Senyora Agatha. Alam naman nyong masyadong mataas ang ihi ng mag asawang iyon at ang tingin sa mga kagaya natin ay patay gutom.", reklamo ng padre de familia.

"Ang itay talaga.., mataas ang ihi? Bakit po, nakita nyo po ba nang umihi sila Senyora at Senyor?", nagbibirong sabi ni Insiang sa ama.

"Damuhong bata ire at pinipilosopo pa ako! Ang ibig kong sabihin....", pagpapaliwanag sana ni Mang Amado ngunit napatigil ito nang mag aya na ang maybahay na pumanik sa loob ng kanilang kubo.

"Halina nga kayong mag ama at dito nyo na ituloy ang pagdidiskusyunan habang nagluluto ako ng mahahapunan natin.'', natatawang sabi ni Aling Juling.

"Maghain ka na lang, Juling at nagluto na ako pagkaraan kong umahon sa gulayan.", nakangiting sabi ni Amado sa asawang lalong nangiti. Tumuloy na ito sa maliit nilang kusina at matapos maghugas ng kamay at paa ay naghain na.

"Naks! Napakaswerte talaga ng inay sa pagkakaroon ng naaaaapaka bait, mapagmahal, maalalahanin, masipag at naaaapaka guwapong asawang tulad mo, itay. Kaya kapag nag asawa ako ay ang isang kagaya mo ang pipiliin ko!", nakaangat pa ang babang sabi ni Insiang.

"Nakuuu! Pag aasawa na ang sinasabi mo gayong wala pa nga ni isang pumapanik ng ligaw sa iyo.", natatawang kantyaw ng ama sa nag iisang anak na dalaga.

"Ang itay naman! Pangarap na lang kinokontra pa! Paano namang may manliligaw sa akin, palagi mong tinatakot. Maghahasa ka lang ng itak..., sa harapan pa ng bisita ko. Kaya naman ang pobre..,, hayun! Kararating pa lang ay nagkukumahog nang umuwi. At ang pinaka masaklap pa.., hindi na bumabalik!", nakalabing reklamo na tila may panunumbat na sabi ni Insiang sa natatawang ama.

"Alam mo anak.., kung talagang tapat ang hangarin ng isang binata sa dalaga ay wala itong katatakutang harapin. Aba! Harangan man ng sibat at matalas na itak ay hindi mapipigil! Ganyan ang ginawa ko noong araw na nanunuyo pa lang ako sa iyong inay. Kahit pa pinagbabantaan akong iitakin ng iyong lolo ay sumige pa rin ako!", pangangatwiran ni Mang Amado sa anak na hangang hangang nakikinig.

"Hoy! Pumarine na kayong mag ama at nang makakain na!", aya ni Aling Juling.

Nakangiti pa ang dalawa nang pumanik at dumulog sa hapag kainan.

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon