Kabanata 2: (SPG) langgam na itim

6.4K 212 9
                                    

Warning: ang kabanatang ito ay naglalaman ng ilang maseselang eksena at pananalita na hindi angkop sa mga batang mambabasa..

Maaga pa lang kinabukasan ay naamoy na ni Tirso ang mabangong bawang na ginigisa. Gising na siya pero nakahiga pa rin at nag iinin pa. Nakagawain na niya ang ganun. Minsan ay nakakatulog pa uli siya at ang malakas na tampal ni Itang sa kanyang puwit ang gumigising sa kanya.

Naririnig niya ang paghuni ng asawa ng isang bagong awitin. Napangiti siya, naalala ang mainit na eksenang namagitan sa kanila kagabi. Dahil sa napanood na teleserye ay tinoyo ito kung kaya abut abot ang paglalambing na ginawa niya para lamang matahimik sa kababanta sa kanya. Hanggang sa nauwi sa pagtatalik.

"Um!", isang malakas na palo sa puwit ang nakapag paigtad kay Tirso. Nakaidlip na naman pala siya na di namamalayan.

"Ang lakas naman! Baka naman madisgrasya mo ang pututoy ko. Ikaw din, wala nang magpapasigla sa umaga mo.", nagpapa cute na biro niya sa asawa.

"Magtigil ka nga! Kay aga aga ay napakababuy mo!", galit galitang sabi ni Itang.

"Baboy pala ha.", pagkasabi ay tumihaya mula sa pagkakadapa si Tirso at hinila ang asawa. Pinupog nito ng halik ang leeg ni Itang habang dinudukot ang kaselanan ng asawang panay ang pigil sa mapangahas niyang kamay.

"Ano ka ba..", mahinang bulong ni Itang. Ang pag awat sa ginagawa ng asawa ay pagkukunwari lang pala.

"Hindi lang ang niluluto mo ang mabango at nakakaganang kainin.", malambing na sabi ni Tirso. Pagkatapos ay pumaibaba ito at ang kaninang dinudukot ang sinimulang samyuin. Ibinaba nito ang bikining itim na suot ng asawa.

Nakagat ni Itang ang pang ibabang labi nang sumayad ang mainit na labi at dila ng asawa sa kanyang kaangkinan. Bagong ligo siya at paulit ulit niyang sinabon ang buong katawan dahil kapag maalab ang performance ng asawa kinagabihan ay malamang na humirit pa ito pagka gising, na siya ngang nangyari. Nasa paaralan na ang tatlo nilang anak kaya makakasabay siya sa ginagawa ng asawa.

Nananabunot si Itang, malakas ang pag ungol at daing nito. Lalo namang ginanahan si Tirso. Gigil na pinag igi ang pagsaliksik ng kung ano sa lagusan ng asawang handang handa na sa kanyang paglusong.

Umangat na si Tirso at nagmamadaling hinubad ang puting brief na suot. Handa na ito sa balak gawin ngunit pinigilan siya ni Itang. Hinawakan ng asawa ang magkabila niyang pigi at hinalikhalikan ang nakalawit na iyon sa pagitan ng kanyang mga hita. Lalong nagalit ang pututoy niya. Napa "ah" siya nang maramdaman ang mainit na bibig ng asawang sumasakop sa kanyang pagkalalaki. Naglabas masok iyon at tila isang masarap na putaheng pinatutunog pa ng asawa ang pagkain.

Hindi na siya nakatiis. Hinawakan niya sa balikat ang asawa na agad namang pumwesto para sa pagtatapos ng kanilang tunggalian.

Naging maingay ang labanan ng dalawa. Ang tunog ng papag na may kutson ay tila nais sumuko dahil sa dalawang nakasampa sa kanya at nag aamok.

Maya maya pa ay natahimik na sa loob ng silid. Ang paghabol na lamang ng hininga ng magsing irog ang naririnig.

Malapad ang pagkakangiti ni Itang nang lumabas at magtuloy sa loob ng banyo.
Kasunod naman nito ang asawang pawis na pawis. Sa loob ng banyo ay nagkantyawan pa ang mag asawa. Humahagikgik si Itang nang lumabas.

"Kumain ka na, at baka tanghaliin ka na sa trabaho. Nangangalog na ang tuhod mo ay puro kalokohan pa ang iniisip mo.", malambing na sabi ng ginang sa papalapit na asawa.

Natatawang naupo na si Tirso at inumpisahan na nga ang pagkain. Ganadong ganado ito sa masarap na almusal na nakahain sa mesa.

Matapos maligo at makapagbihis ay humanda na ito sa pag alis.

"May kamatis at sili sa baunan mo. Maghugas ka mabuti ng kamay bago ka kumain.", bilin ni Itang sa asawa.

Matapos humalik sa pisngi ng nakangiting misis ay nagmamadaling pumanaog ng hagdanan si Tirso at gamit ang bisikletang pumasok na sa trabaho.

Mula sa bintana ay hatid ni Itang ng tanaw ang asawa. Nang makaliko na ito ay saka pa lamang siya nag umpisang maglinis ng bahay.

Masigla si Itang. Kahit tatlo na ang kanyang anak ay palagi pa ring mainit ang asawa sa kanya. Katakam takam pa rin siya para dito.

Saglit siyang huminto sa ginagawa at agad na humarap sa hugis oblong na salamin. Mataman niyang tinignan ang sarili. Ang mukha, kung may mga blackheads o whiteheads. Napangiti siya. Hindi niya kailangan ang mga pamahid sa mukha na pinahuhulugan ng kumare niya upang kuminis at maging mamula mula ang pisngi. Makinis at makinang kinang ang kanyang balat sa mukha.

Hinapit niya ang suot na daster sa dibdib. Napangiti uli siya. Maumbok pa rin at kahit hindi push up bra ang gamit niya ay matayog pa rin ang kanyang dalawang boobs. Hindi naman kasi siya nakapagpasuso ng anak dahil wala siyang gatas. Natuyo marahil dahil sa iniinom niyang kung anu anong antibiotics nung magkasakit siya.

Mula sa dibdib ay hinapit na rin niya ang gawing bewang at balakang. Muli siyang napangiti ng maluwang. Maliit ang bewang niya bagama't may bahagyang puson ay hindi naman masagwang tignan. Ganun din ang balakang na hindi malapad na parang pinipi. Bilugan ito at ang puwit niya ay mataas ang tambok. Hindi kikita sa kanya ang mga tulad ni Dra. Vicky Belo.

"Sexy na maganda pa!", puri niya sa sarili.

Matapos ang pag iinspeksyong ginawa sa mukha at katawan ay ngiting ngiting ipinagpatuloy niya ang pagwawalis. Nagbukas siya ng mp3 na may mga bagong masisiglang kanta na sa tulong ng dalawang speaker ay malakas niyang naririnig. Iniwasan niyang matamaan ang mga langgam na itim upang hindi mabulabog.

"Magdala kayo ng pera ha.", nakangiti niyang sabi sa naglalakihang langgam na kulay itim.

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon