Kabanata 5: takbo, Insiang!

5.6K 222 17
                                    

"Nasa kotse na ba ang lahat ng gamit ng Senyorito nyo? Baka may nakalimutan pa kayo?", mataray na tanong ni Senyora Agatha sa mayordoma at sa kapatas ng mga manggagawa.

"Kumpleto na po lahat, Senyora!", magkapanabayang tinig na sagot ng mga alila.

"Mabuti kung ganun! Tawagin mo na si Anthony sa kanyang kwarto upang makaalis na pabalik ng Maynila. Tatanghaliin na siya sa daan!", maotoridad na utos ng mayamang ginang sa mayordomang agad tumalima.

Papasok pa lang ng main door ay nakasalubong na nito ang binatang pinatatawag.

"O, mabuti at bumaba ka na. Nandiyan na sa loob ng kotse ang lahat ng gamit mo. Sige na, sumakay ka na at nang maihatid ka na ng drayber sa apartment mo. Ano pang hinihintay mo?!", pagtataboy ni Senyora Agatha sa anak.

"Sige na hijo, mag iingat ka sana. Tawagan mo agad kami ng iyong Mama pagdating na pagdating mo sa Maynila upang hindi kami mag alala.", sabi ni Senyor Rubio. Nakaakbay ito sa asawang nag uumpisa na umiyak.

"Ang mga bilin ko, huwag mong kakalimutan. Dalasan mo ang pagtawag sa akin ha, anak.", pakiusap ng ginang na sa mga sandaling iyon ay nawala ang bangis sa tindig at pananalita. Hindi pa man nakalayo ang anak ay nakakaramdam na ito ng pananabik na makita itong muli.

Samantala......

"Insiang, kanina pa tayo naghihintay kay Anthony. Tiniyak mo ba sa kanya ang oras ng inyong pagtataling puso?", tanong ng pari sa dalagang kanina pa nakatayo sa harap ng altar.

"Ang sabi po ni Anthony sa akin ay ngayon kami pakakasal. Ngunit hindi po namin napag usapan ang oras. Hindi po ba ang lahat ng ikinakasal ninyo sa kapilyang ito ay kasabay ng pagbukang liwayway?", sabi ni Insiang sa pari na nakakaramdam na ng pagkabalisa.

Nag aalala itong hindi sisipot ang binata sa kasalang napag usapan nila ng dalaga.
Ni minsan ay hindi ito nakipag usap sa kanya. Tanging ang dalaga lamang ang nagpapabalik balik sa kanya at nakikiusap sa kasal na ngayon nakatakda. Ngunit mahapdi na ang sikat ng araw sa balat ay wala pa ring Anthony na dumarating.

"Maupo ka na muna, Insiang. Masyado kang mangangalay sa pagtayo.", nag aalalang sabi ng pari na sinunod naman ng dalaga.

Sandali pa lang nakakaupo si Insiang nang humahangos na dumating ang batang sakristan ng pari.

"Father, si kuya Anthony po nakita kong sumakay sa kotse!", humingal nitong sabi.

Mabilis na napatayo si Insiang. Malapad na malapad ang pagkakangiti.

"Darating na po siya, Father. Sabi ko naman po sa inyo di ba? Pakakasal po kami!", masiglang masiglang sabi nito. Nakangiting tumango naman ang pari. Maging ito man ay nasiyahan sa magandang balitang narinig.

Nagtaka ang sakristan sa sinabi ni Insiang. Napakamot ito sa ulo at naging bantulot kung itutuloy pa ba ang balak sabihin. Napansin naman iyon ng pari.

"May nais ka pa bang sabihin? Bakit ganyan ang itsura mo?", nagtatakang tanong nito.

"Eh kasi po Father..., hindi po dito papunta kay ate Insiang ang kotse niya. Palabas po ng bayan!", pagbabalita ng bata.

"Hindi! Nagkakamali ka lang! Hindi ako iiwanan ni Anthony! Nangako siya sa akin! Pakakasal kami. Father.., huwag po kayong maniwala sa sinasabi niya. Nagkakamali lang siya. Darating po si Anthony. Pakakasal po kami!", paulit ulit na sabi ni Insiang.

Habag na habag naman ang pari sa dalaga. Panay ang pagpatak ng luha nito habang sinisikap siyang kumbinsihin.

Walang nagawa ang pari nang bigla itong tumakbo palabas ng kapilya.

"Insiang! Insiang!", tawag ng pari ngunit hindi man lang lumingon ang dalaga sa kabila ng malakas niyang pagtawag.

Dire diretso sa pagtakbo ang dalaga. Bitbit ang mabigat na laylayan ng suot na trahe de boda. Hindi alintana ang nagtatanong at nang uuring tingin ng mga nadadaanan. Ang tanging nasa isipan nito ay pigilan ang kasintahan sa pag alis.

Sugat sugat na ang paa ng dalaga sa pagtakbo. Nahubad man ang suot na sapatos ay hindi pa rin ito humihinto. Tumatagaktak ang pawis at luha. Habol na nito ang paghinga nang matanaw ang kotseng papalayo.

"Anthony! Anthony! Huwag mo akong iwan! Magbalik ka! Anthonyyyy!", sigaw ni Insiang habang patuloy ang paghabol sa sasakyang matulin sa pag andar.

Sa pagtakbo ay natapakan nito ang laylayan ng suot na damit. Subsob ang dalaga sa baku bakong daan!

Ngunit hindi pa rin ito nawalan ng loob. Muli itong tumayo at muling hinabol ang kotseng bahagyang bumagal sa pagtakbo.

Napangiti si Insiang. Inisip na napigilan niya ang kasintahan sa pag alis. Tuwang tuwa itong naglakad palapit sa kotse habang abut abot ang paghabol sa hiningang kinakapos na.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ang dalaga ay muling umandar ang sasakyan. Humarurot ito palayo na tila nais mapabilis ang pagtakas!

"Anthony..., huwag mo akong iwan...!" namamaos na ang tinig ni Insiang sa paghagugol at pagsigaw sa pangalang tinatawag.

Tumakbo uli ang dalaga at pilit na hinahabol ang sasakyang hindi na makita dahil sa makapal na alikabok na iniwanan nito sa madaanan.

Napaluhod si Insiang sa gitna ng kalsada nang tuluyan nang hindi matanaw ang kotseng ang lulan ay ang nag iisang lalaking pinag alayan niya ng lahat sa kanya. Nang lahat lahat niya. Ang lalaking nangakong pakakasalan siya.

Sa tindi ng pagod at sama ng loob ay nawalan ng malay ang dalaga. Humandusay ito sa gitna ng kalsada.

"Oh., Diyos ko! Insiaaang!" Halos sabay sabay na sigaw ng mga kapitbahay.

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon