Kabanata 9: ang nakabasag ng salamin

4.6K 200 12
                                    

Sinasabayan ni Liza ng pagkanta ang tugtog ng car stereo sa kanyang kotse. Pumipitik-pitik pa ang malakandilang hugis ng daliri nito sa manibelang hawak.

Dati-rati kapag ganung halos hindi umuusad ang daloy ng trapiko ay mura na ito ng mura. Ngunit ng mga sandaling iyon, nakangiti na ay humuhuni pa ito.

Dumaan sa donut shop ang dalaga bago tuluyang dumiretso ng uwi.

Pagdating ay agad niyang hinanap ang mga pamangkin. Dahil wala sa sala at garden ang dalawa ay nagtuloy na siya sa silid ng mga ito. Napasukan niyang nanonood ng t.v. ang magkapatid.

"Thank you, tita Liza!", nakangiting sabi ni Charity nang iabot ng dalaga ang isang box na donut.

"You're welcome, sweetheart.", nakangiting sagot ng dalaga at pagkatapos ay agad na nagpaalam. Init na init at nanlalagkit ang pakiramdam niya kaya gustong makapag shower agad. Isa pa ay hindi niya matagalan ang amoy ng kwarto ng dalawa. Amoy hospital iyon para sa kanya.

Matagal nang wala ang tiyahin ay nakatingin pa rin si Charisma sa pintuan. Malalim ang iniisip, takang-taka sa pagiging sweet at pagpapakitang mahal sila samantalang hindi naman ito ganun dati. Nitong nakaraang araw nga ay napakasungit nito maging sa kanilang Yay Amanda. Kaya palaisipan sa kanya kung bakit napaka maalalahanin nito. Kanina ay may ice cream sila ngayon naman ay may donut pa!

Tinignan ni Charisma ang kapatid. Magana itong kumakain ng paboritong flavor ng donut habang pinanonood ang palabas na kung ilang ulit na nitong napanood.

Napangiti siya sa itsura ni Charity. Nagkalat kasi ang chocolate syrup sa bibig nito. Tutok na tutok ang mga mata nito sa pinanonood kung kaya siya na lamang ang kumuha ng bimpo na matapos basain ay ipinunas niya sa bibig ng kapatid.

"Thank you, ate!", sabi nito kahit hindi inaalis ang mata sa screen.

Naiiling na lamang na ipinagpatuloy ni Charisma ang pagbabasa ng libro.

Samantala si Liza naman ay masayang-masaya habang tinutuyo ang katawan. Matapos magpahiran ng lotion ang balat ay lumabas na uli ito at nagpahinga sa garden. Doon niya hihintayin si Charity upang maisauli ang kwintas na pinaayos niya.

Naiinip na siya sa paghihintay nang makitang papalapit na ito sa kanya. Nakita niyang lumilinga-linga pa ang pamangkin sa paligid bago tuluyang lumapit.

"May toyo talaga ang anak na ito ni kuya!", bulong ni Liza sa sarili.


Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon