Kabanata 3: buntis ako!

6.4K 236 6
                                    

"Salamat sa paghahandog ng iyong sarili sa akin, Insiang. Lako kitang minahal matapos kong mapatunayang ako ang unang lalaki sa iyong buhay.", malambing na sabi ni Anthony sa dalagang nakaunan sa kanyang braso.

"Ang ibig mong sabihin ay hindi ka pala naniniwala na malinis ang aking pagkababae?", may himig ng pagtatampong sabi ni Insiang. Lumabi pa ito sa binatang agad na natawa.

"Hindi ganun ang ibig kong sabihin.", paglalambing at pang aamo ng binata habang akap akap at hinahalik halikan ang leeg ng kasintahang unti unti na namang natutupok sa nakakapaso niyang labi.

Ang katatapos lang na pagniniig ay muling naulit. Piping saksi ang apat na sulok ng kubo na nakatayo sa isang panig ng malawak na lupaing sakahan ng mga magulang ng binata.

Maligayang maligaya ang pakiramdam ni Insiang habang papauwi. Malinaw na malinaw pa sa kanyang pandama ang kaluwalhatiang pinagsaluhan nilang dalawa ng kasintahan. Hindi nawawala ang kanyang pagkakangiti. Iniyakap niya ang dalawang braso sa sarili at pumikit. Buong buo sa kanyang imahinasyon ang mukha ng kasintahan at ang maiinit na tagpong naganap sa pagitan nilang dalawa. Nakaramdam siyang muli ng init at uhaw. Hindi pa man nakakauwi sa kanilang bahay ay parang nais na niyang sumapit ang bukas na napagkasunduan nila ni Anthony na muling pagkikita.

"Tumigil ka, Insiang! Nakakahiya ang kilos mo!", saway niya sa sarili pagkaraang tignan ang paligid. At pagkatapos ay nagmamadaling naglakakad pauwi matapos pamulahan ng mukha sa hiyang naramdaman. Marami sa naglalakad ang nakatingin na pala sa kanya.

Naging madalas ang patagong pagkikita ni Insiang at Anthony. Tumatakas ang dalaga sa gabi kapag tulog na ang amang si Amado at inang si Juling.

Hanggang sa isang umaga ay nakaramdam si Insiang ng pangangasim ng sikmura. Tila hinahalukay ang kanyang lalamunan at nagkakatipon ang kanyang laway sa mga panga. Ilang sandali pa ay nagtatakbo na siya papunta sa batalan upang ilabas ang lahat ng inilaman sa sikmura.

Pulang pula ang mukha at mga mata ng dalaga sa tindi ng naramdamang paghigit ng sikmura. Tagaktak ang kanyang pawis, luha at sipon.

Pagkatapos mailabas ang lahat ng sama ng katawan ay mapuputlang maputla na ang mukha ni Insiang. Hindi dahil sa pagduduwal. Kundi sa matinding takot na bumalot sa kanyang isip.

"Hindi kaya...? O, Diyos ko! Hindi pa nga pala ako dinadatnan! Buntis ako?!", nahihintakutan niyang bulong sa sarili.

***********

"Talaga! Magiging tatay na ako?!", tuwang tuwang tanong ni Anthony kay Insiang matapos nitong sabihin ang mga sintomas na nararamdaman at ang hindi pagdating ng buwanan nitong dalaw.

"Paano ang gagawin natin, Anthony?", nag aalalang tanong ni Insiang sa kasintahan.

"Pakakasalan mo ba ako?", umiiyak na tanong uli nito.

"H-ha? O-oo.., pakakasalan kita. Kaya lang ay kailangan ko munang magsabi sa Mama. Hindi natin siya maaaring biglain. Baka atakihin siya sa puso.", paliwanag ni Anthony.

"Kaylan mo ipapaalam sa kanya ang sitwasyon ko? Baka mahalata na ako ng inay at ng itay ko. Baka sila naman ang atakihin sa sama ng loob at kahihiyan.", naghihinampong tinig ni Insiang habang pumapatak ang luha.

"Huwag kang umiyak. Wala ka bang tiwala sa akin? Pakikiramdaman ko lang muna ang Mama. Kapag nakatyempo ako ng magandang pagkakataon ay magsasabi ako sa kanya.", pagpapaliwanag ng binata. Hinahagod pa nito ang likod ng dalagang yakap yakap.

"Paano kung hindi siya pumayag na makasal sa akin?", tanong uli ni Insiang.

"Shh..., huwag kang mag isip ng ganyan. Kahit hindi siya pumayag ay pakakasalan pa rin kita.", pangako ng binata.

Agad na tumingala si Insiang sa mukha ng kasintahang nakayakap sa kanya.

"Talaga?! Totoo ba ang sinasabi mo? Pakakasalan mo pa rin ako kahit hindi pumayag si Senyora Agatha?!", pag uulit ni Insiang sa sinabi ni Anthony.

"Isang simpleng kasalan lang ang makakaya kong ibigay sa iyo. Katatapos ko lang sa pag aaral at wala pa akong trabaho kaya..", pagpapaliwanag ni Anthony na hindi na nagawang tapusin. Nang dambahin siya ng mahigpit na yapos ng dalagang nagkakandaiyak sa tuwa.

"Kahit pinakasimple.., kahit tayo lamang.., kahit walang handa. Ang importante sa akin ay makasal sa iyo dahil mahal na mahal kita.", sabi ni Insiang.

Masayang masaya ang pakiramdam nito habang nakayakap ng mahigpit sa kasintahan. Napawi ang anumang pangamba sa kanyang kalagayan dahil sa pangako ni Anthony na pakakasalan siya. Wala na siyang dapat ikatakot sa mga magulang. Hindi na siya magiging kahiya hiya sa mga tao. Mahal din siya ni Anthony, pakakasalan siya nito. At iyon lamang ay sapat na sa kanya.

Habang ang kasintahang si Anthony ay nahulog na sa malalim na pag iisip. Hindi nito alam kung paano sasabihin sa mga magulang ang napasukang problema. Natitiyak niyang hindi magugustuhan ng kanyang Mama ang malamang nakipagrelasyon siya sa isang mahirap na probinsyana. Ano pa kaya kung malalaman nitong nabuntis pa niya ang kasintahan.

Mariing naipikit ni Anthony ang mga mata dahil sa takot na nararamdaman para sa ina. Ngunit dahil sa ginawa ay lalo niyang nakita ang galit na galit na mukha nito.

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon