Kabanata 13: lahi ni Insiang

5.8K 232 19
                                    

Dalian mo, Julieta. Ihagis mo na ang iyong tampipi.", mahinang utos ni Amado sa kasintahang nakasungaw ang kalahating katawan sa bintanang pawid. Sinunod naman ng babae ang sinabi lalaki.

"Mag ingat ka!", sabi ni Amado matapos ilaglag ng dalaga ang pinagbuhul buhol na kumot sa bintana.

Nakatingala ito habang mahigpit na hawak ang dulo ng kumot na gamit ni Julieta sa pagbaba. Nakahanda ang lakas ng binata sa pagsalo sa katawan ng kasintahan kung sakaling mahuhulog ito.

Nang makababa ito ay agad silang naghawak ng kamay.

"Tayo na!", aya ni Julieta sabay hakbang nang pigilan ni Amado.

"Natitiyak mo bang hindi mo pagsisihan ang pasya mong ito?'', nangangamba ang tinig ni Amado.

"Mahal kita, Amado. Kung nasaan ka ay naroon rin ako. Sa piling mo kahit anong hirap at pagdurusa ay makakaya kong harapin at pagtiisan. Walang saysay ang buhay kung hindi kita kasama. Hindi ko pagsisihan ang desisyon kong ito.", matapat na tugon ng dalagang humamplos ang isang kamay sa pisngi ng lalaking pinakamamahal.

Dinama ni Amado ang palad ng kasintahang nakasapo sa kanyang pisngi.

"Mahal na mahal kita, Julieta. Buhay ko man ay nakahanda kong ibuwis alang alang sa iyo.", matapat nitong sabi.

Nagyakap ng mahigpit ang magkasintahan at saka nagmamadaling tinahak ang madilim na kasukalan upang makatakas at makalayo sa lugar na matagal na nilang nais iwanan at talikuran.

Si Julieta ay nagmula sa lahi ng mga mangkukulam. Nananalaytay sa mga ugat ng dalaga ang dugo ng kapangyarihang itim. Ang ina nito ang pinaka pinuno sa kanilang lugar samantalang ang ina naman ni Amado ang kanang kamay. Pinaka mahusay itong mangkukulam na bumabase sa libro at karunungang itim.

Nagtanan ang magkasintahan upang makaiwas sa ritwal na nakatalagang maganap sa pagsapit ng kabilugan ng buwan.

Isasalin na kay Julieta ang kapangyarihang maging pinuno ng mga mangkukulam sapagkat tinataglay nito ang pinaka malakas na kapangyarihan sa kanyang henerasyon.

Ngunit ayaw ng dalagang maging kasangkapan para sa kasamaan. Tinututulan nito ang paggamit ng kapangyarihang itim. Kahit taglay ni Julieta ang malakas na kapangyarihan ng isang mangkukulam ay hindi nito gustong gamitin ang nalalaman sa kasamaan.

Si Amado naman ang naatasang kumuha ng iaalay para sa gagawing ritwal para sa dalaga. Hindi nito magagawang sundin ang ipinag uutos sa kanya ng ina. Papatayin ang birheng alay. Hindi ito makakapayag na maging kasangkapan sa paggawa ng ganung uri ng kasamaan. Marami na itong nasaksihang pagpatay. Parang mga hayop lamang kung gilitan ng leeg ang napipiling alay. Ayaw niya, hindi niya kaya ang pumatay ng kapwa tao!

Labis na tinututulan ng binata ang gawain ng ina. Naniniwala siya sa Diyos gaya ng namayapang ama.

Ngunit hindi niya magawang lisanin ang lugar na kinagisnan sapagkat kamatayan ang naghihintay na kaparusahan sa sinumang gagawa ng ganun.

Gaya ng nangyari sa kanyang ama nang tangkain nitong umalis kasama siya na noon ay walong taong gulang pa lamang. Malakas ang kapangyarihan ng kanilang pinuno kaya tiyak niyang agad siya nitong matatagpuan.

Natatakot siya hindi lamang para sa kanyang buhay kundi para sa buhay ng inang binulag na ng maling paniniwala dahil sa kapangyarihang naging taglay.

Subalit ngayon ay nakapagdesisyon na siya. May pangamba man na nararamdaman ay malakas na ang kanyang loob. Aalis silang magkasintahan. Lilisanin na nila ang lugar na sumasamba sa hari ng kasamaan at hinding hindi na sila babalik kaylanman. Isusugal nila ang kanilang buhay matakasan lamang ang lahat.

Nais nilang magkaroon ng normal na buhay. Simpleng pamumuhay na mapayapa at masaya.

Bubuo sila ng pamilyang may takot at pananalig sa Diyos na lumikha. Sa tunay na Diyos ng liwanag. Hindi tulad ng sinasamba ng kanilang mga magulang at kalahi.

Kinabukasan ay nabatid na ang pagkawala ng dalawa.

Galit na galit ang ina ni Julieta, ganun din ang ina ni Amado nang malamang nagtanan ang mga ito.

"Ibalik ninyo sa ating lugar ang dalawang tampalasan! Ibalik nyo silang dalawaaaa!", galit na galit na utos ng pinuno.

Nagpalipat lipat ng lugar na matutuluyan ang magkasintahan. Sapagkat may kapangyarihang taglay si Julieta ay nagagawa nilang makatakas at malansi ang mga naghahanap.

Hanggang sa mapadpad ang dalawa sa baryong agad na tumanggap sa kanila. Sa napuntahan ay hindi na sila natunton ng mga humahabol at naghahanap. Nagpakasal at nag umpisang mamuhay ng simple at mapayapa bilang mag asawa.., bilang Mang Amado at Aling Juling. Isinumpa nilang mag asawa na kailanman ay hindi sila gagamit ng karunungang itim. Nangako sila sa isa't isa na normal silang makikihalubilo sa mga taong naninirahan sa pangalawa nilang tahahan. Na kakalimutan na nila ang kanilang pinagmulan.

Sa paglipas ng mga taon ay nabiyayaan sila ng isang malusog na supling.

Si Insiang, ang ikatlong salin lahi ng mga mangkukulam. Ang bagong henerasyon ng mga mangkukulam na nagtataglay ng higit na malakas at mapanganib na kapangyarihan.

***************

"Patawad mahal na pinuno. Hindi ako nakatupad sa aking tungkulin. Natagpuan ko na ang iyong anak at si Amado. Ngunit sa nakita kong kaligayahan at kapayapaang mayroon sila kasama ng kanilang anak ay hindi ko nagawang ipaalam sa iyo ang kanilang kinaroroonan. Hindi ko nagawang tanggihan ang kahilingan ng mag asawa. Ang tuluyan na silang palayain at makapamuhay ng payak ngunit tahimik. Napatunayan kong ni minsan ay hindi nila ginamit ang kanilang nalalaman. Pinanatili nilang lihim ang lahat maging sa kanilang anak. Kung nalaman ko lamang agad na mauuwi sa ganito ang lahat ay ipinaalam ko na sana sa iyo na abot tanaw ko lang sila. Sana ay naibalik ko na lamang sila sa atin. Sana ay hindi nasayang ang kanilang buhay. Sana ay magkakasama pa rin silang mag anak. Patawarin mo ako mahal na pinuno. Wala akong nagawa upang iligtas sila. Hihintayin ko lamang matapos ang lahat ng hindi pa nila nagagawa at saka ko wawakasan ang aking buhay.", umiiyak na sabi pa rin ng matandang lalake.

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon