Kabanata 8: (SPG) tulog kunwari

5.5K 215 17
                                    

Warning:
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng maselang eksena na hindi angkop sa mga batang mambabasa at may sensitibong pananaw. Salamat po sa pang unawa...

Maingat din ang ginawang pag ahon sa higaan ni Itang. Sinikap niyang huwag makalikha ng anumang ingay na makakagambala sa dalawang taong gusto niyang manmanan. Pinakiramdaman muna niya ang galaw sa labas ng silid. Pinatalas niya ang pandinig upang malaman ang kinaroroonan ng asawa.
Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan at isinungaw ang ulo nang masigurong walang pagkilos o anasan mula sa labas nito.

Humakbang siya.., magaan na magaan. Dahan dahan...., ingat na ingat.

"Nasaan kaya si Tirso? Tiyak na wala sa silid ng mga bata. Sa banyo..!", pagkasabi sa sarili ay lumapit si Itang sa tapat ng pintuan ng comfort room at dinikit ang isang tenga.

Nais niyang makatiyak na wala nga ang asawa sa loob kaya kahit walang narinig ay pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pintuan!

Walang tao sa loob!

Naglakad siya papunta sa sala. Dahan dahan pa rin. Malakas ang pagkabog ng kanyang dibdib. Parang may kung anong lamig na bumalot sa buo niyang katawan. Nanginginig siya!

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang......., natatakot yata siya? Ngunit mas pinili pa rin niyang puntahan ang madilim na sala upang matuklasan kung ano ang naroroon, gayung alam naman niyang magiging napakasakit para sa kanya ang maaaring makita.

Natutop niya ang sariling bibig at parang ipinako sa sahig ang dalawa niyang paa nang maaninag ang dalawang hubad na katawan sa ibabaw ng sofa!

Nakaupo si Tirso at sa kandungan nito ay nakaupo naman si Baby!

Habang marahang nagtataas baba ang katawan ng kapatid ay pilit na inaabot naman ng asawa niya ang malusog na dibdib nito. Parang gutom na sanggol si Tirso nang mahagip ang koronang naroroon. Sumisipsip, nangangakagat.

"Aahh.., oohh.", mahinang daing ni Baby. Nakahawak ang kamay nito sa batok ng bayaw habang itinotodo ang pagliyad ng katawang panay sa pag giling na ginagawa.

Mula sa palitang pagsipsip sa magkabilang dunggot ng dibdib ng kapareha ay umangat ang labi ni Tirso sa balikat nito. Parang takam na takam na pinaliguan ng halik at pinong kagat ang balikat ng dalaga papanik sa gilid ng leeg at punong tenga. Nang magsawa ay pumakabila naman. Napayapos ang mga braso ni Baby sa lalaking kaulayaw. Hinagilap naman ni Tirso ang mga labi ng dalaga at niyamukos ng halik. Gumanti si Baby, nakipagpingkian ng dila sa naghahanap na dila ng bayaw.

Parehong suminghap ng hangin ang dalawa pagkatapos.

Isang mapang akit na ngiti ang sumilay sa labi ni Baby habang lalong ikinakayod ang pang ibabang katawan sa kandungan ni Tirso.

"Aah...", mahinang ungol ng lalaki nang magtaas baba sa pagkakaupo ang dalaga at animo isang hineteng nagpapatakbo ng isang mola.

Humawak ang magkabilang kamay ni Tirso sa magkabilang balakang ng dalaga. Iginigiya at ipinakababaon pa nito ang hipag sa pagkakaupo upang mas mapadali ang pagpunta sa gustong marating.

"Aah..., ooh.., aah...!", napalakas ang daing ni Baby kung kaya tinakpan nito ng isang palad ang bibig.

Impit na ungol at halinghing na ang kumawala sa dalaga.

"Baby.., malapit na ko.", daing ni Tirso sa kapareha.

"Oo, kuya ako rin. Sabay tayo..., malapit na rin ako.", tila nagdedeliryong daing din ng dalaga.

Nagpandalas na ang paggalaw ng dalawa. Nagsalpukan at parang nais na isagad sa isa't isa ang mga bahagi ng katawan. Bumilis sa pagparoo't parine si Baby! Habang ang mga kamay ni Tirso ay tumutulong sa ginagawa niya.

Malapit naaaa....!

"Aaahhh!", napabalikwas ng bangon si Itang.

"Panaginip lang pala! Nanaginip lang ako!", mangiyak ngiyak na sabi niya sa sarili habang napapangiti.

Nasa tabi niya ang asawa at nakahigang patagilid sa kanya.

"Salamat, Tirso! Akala ko ay totoo na, ang akala ko ay...", bulong niya habang pinagmamasdan ang mukha ng asawang tulog at mahina pang humihilik.

Muling nahiga si Itang. Ang akala niya ay gising siya. Nagtutulug tulugan lang siya kanina, ngunit talaga palang nakatulog na nga siya. Gusto niyang tawanan ang sariling kagagahan.

"Tama! Hindi ako dapat mag isip ng masama laban sa asawa ko at kapatid. Nagkataon lang ang pagkahulog ng gunting at wala akong dapat ipag alala. Mahal ako ni Tirso at hindi niya magagawa sa akin ang ganung bagay. Lalo na at sa mismong kapatid ko pa. Ako lang ang masyadong nagpapaniwala sa mga pamahiin ng gunting. Walang sapat na basehan upang pagdudahan ko ang napakabait kong asawa. Nagkataon lang ang pagkakasabay nila ng kapatid ko. Nakikisama lang si Baby kaya magiliw siya sa bayaw niya. Bata pa siya at hindi pa niya alam ang masagwang tignan. Tama! Ganun lang yon. Hindi na ako mag iisip ng pangit sa kanila. Ang sarili ko lang din ang pahihirapan ko kung palagi ko silang pagdududahan. Pati tuloy sa panaginip ay pumapasok ang ganung bagay. Nakakahiya kay Tirso, baka magtampo siya kung malalamang minamatyagan ko ang kilos niya. Mahal niya ako. Hindi niya ako pagtataksilan!", pangungumbinsi niya sa sarili.

Nakangiting yumakap si Itang sa nakatalikod na asawa at muling gumawa ng antok upang muling makatulog.

Napangiti si Tirso nang maramdaman ang braso ng asawang yumakap sa kanya. Tulad ng pagkukunwaring tulog na ginawa ni Itang ang siyang ginawa rin pala nito.

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon