Kabanata 21: ang ganti!

5.4K 217 9
                                    

Tila wala sa sariling napaupo na lang sa upuang tumba tumba ang senyor nang makarating sa silid nilang mag asawa. Hinamig lamang niya ang sarili sa harapan ng dalawang tauhan upang hindi mawalan ng loob ang mga ito. Kung magpapakita siya ng takot at pagkataranta ay ganun din ang mangyayari sa dalawang katuwang niya. Kailangan niyang magpakatatag para sa asawa at anak. Susubukan niya ang lahat ng paraan.

Nahulog sa malalim na pag iisip ang Senyor kung kaya hindi nito namamalayan ang asawa.

Si Senyora Agatha..., dilat na dilat ang mga mata na halos maduling!

Titig na titig sa tinitignan!

Panay ang pigil na pag iling at pagsigaw!

Maging ang buong katawan ay pigil din sa pag galaw!

Halos hindi makahinga!

Walang tigil ang paglandas ng luha sa magkabilang gilid ng mata. Nagbabara na ang ilong at ang mga bibig sana na gagamitin sa paghinga ay hindi magawang ibuka.

Hindi malaman kung saan ipapaling ang mukha gayung hindi rin naman iyon maigalaw!

Nakikita niya......!

Kitang kita niya.....!

Si Aling Juling...,

nakasampa sa kanyang dibdib!

Nakauklo ito at ang mukha ay nakatapat sa kanyang mukha!

Nakatitig ang nanlilisik nitong mga mata sa kanya!

Hindi siya makagalaw!

Hindi siya makasigaw!

Mula sa gilid ng mga mata ay nakikita rin niya ang isa pa!

Ang palagi niyang kasama mula pa nung nakatayo siya sa terrace!

Ang dahilan kung bakit hindi siya makagalaw!

Kung bakit hindi niya magawang ibuka ang bibig!

Naroon ito sa ilalim niya!

Ang isang kamay nito ay mahigpit na nakadakot sa kanyang mukha at nakatakip sa kanyang bibig!

Ang isang braso naman ay tila bakal na nakapaikot payakap sa kanyang mga braso at katawan!

At ang mga binti nito ay nakakapit sa kanyang mga tuhod at binti!

Nakalatag ang katawan niya hindi sa kamang hinihigan kundi sa katawan ni

Mang Amado!

"Nahihirapan ka na ba, Senyora Agatha? Nararamdaman mo na ba ang pakiramdam ng walang magawa?", nanlilisik ang mga matang tanong ni Aling Juling.

"Tama na, Juling. Nakikiusap ako, patayin nyo na ako! Huwag nyo na patagalin pa ang lahat ng ito! Patayin nyo na ako!", pagmamakaawa ni Senyora Agatha.

"Patayin?! Kagaya ng parang hayup na pagpatay mo sa akin?! Hindi nababagay sa iyo ang madaling kamatayan, Senyora Agatha! Ang dapat sa mga tulad mo ay mamatay ng unti unti, dahan dahan!", galit na galit na sigaw ni Mang Amado sa tenga ng Senyora.

Mapait at tila nakakalokong ngumiti si Aling Juling.

"Huwag kang magmadali, Senyora Agatha. Mangyayari ang hinihiling mo. Ngunit mararanasan mo muna ang pandirihan dahil sa nakasusulasok mong amoy. Gaya ng pandidiri mo sa dugo ng aking asawa na kumalat sa tinutuntungan mong lupa. Mararanasan mo muna ang panghinawaang makasama ng taong minamahal mo. Mararamdaman mo ang pait na iwanan at balewalain gaya ng ginawa ng anak mo sa aking anak. Magbabayad kayo, Senyora Agatha! Paulit ulit...! Walang katapusan!", sigaw ni Aling Juling.

"Patawarin nyo ako. Patawarin nyo ako sa kasalanang nagawa ko sa inyo. Ako.., ako na lamang ang parusahan nyo. Huwag ninyong idamay ang anak ko. Ako ang nag utos sa kanya na layuan ang inyong anak. Wala siyang kasalanan! Parang awa nyo na.., walang kasalanan si Anthony.", pagmamakaawa ng Senyora.

"Walang kasalanan?! Pinaniwala niya at pinaasa ang aming anak. At pagkatapos ay iniwanang parang basahan! Hindi lamang ikaw ang nagmamahal sa anak, Senyora Agatha. Magbabayad kayong mag ina sa lahat ng ginawa nyo sa aming anaaaaak!", nagliliyab sa poot ang mga matang sigaw ni Aling Juling.

"Patawarin nyo ako...! Patawarin nyo ko!", muling pagmamakaawa ni Senyora Agatha.

Ngunit lalong inilapit ni Aling Juling ang mukha sa Senyora. Titig na titig ito sa sa mga mata ng matapobreng ginang!

Maya maya pa ay nagtabaan ang pulang pulang ugat sa mga mata ni Senyora Agatha.

Ramdam na ramdam ng Senyora ang matinding kirot.

Napakainit!

Napakahapdi!

Puro pula ang nakikita niya!

Sandali pa at naramdaman niyang parang may napatid!

Pagkaraan ay napalitan ang nakikita niya.., naging kulay itim.

Madilim!

Napakadilim!

Gusto niyang kusutin ang mga mata upang mabawasan ang hapdi.

Sobrang hapdi...!

"Aaaahh......!!", palahaw niya.

Ngumingisi si Aling Juling habang minamasdan ang dugong umaagos mula sa pumutok na mga ugat sa magkabilang mata ng Senyora.

"Hahahaha! Wala ka nang ibang makikita kundi kadiliman!", humahalakhak na panunuya ni Aling Juling.

Samantala sa loob ng silid ni Anthony....

Nagising ang binata sa malamig na palad na humahaplos sa kanyang pisngi.

"I-insiang..?", paos na tinig ni Anthony.

"Ako nga Anthony."

"Insiang, patawarin mo ako. Naduwag ako. Hindi ko nagawang tuparin ang pangako ko. Hindi ko akalain na hahantong sa kamatayan mo at ng iyong mga magulang ang ginawa ko. Patawarin mo ako.", lumuluhang sabi ni Anthony.

"Minahal mo ba ako, Anthony? Totoo bang minahal mo ako?"

"Minahal kita.., mahal kita.", matapat na sagot ng binata.

Pumatak ang luha ni Insiang.

"Mahal na mahal kita, Anthony."

"Mahal din kita, Insiang. Patawarin mo ako sa nagawa ko sayong kasalanan at sa ating anak. Mahal kita.., mahal kita.", paulit ulit na sabi ni Anthony hanggang sa muling ipinikit ang mata.

Nangingilabot si Tano sa nasasaksihan. Hindi man nakikita ang kausap ni Anthony ay nangalog ang kanyang buong katawan.

Pinagmasdan niya ang mukha ng binata. Atubili siyang lapitan ito. Nang makitang nagtataas baba ang dibdib ng batang Senyor ay saka pa lang siya nakahinga. Nakatulog na uli ang binabantayan niya.

Taimtim na nagdasal ang katiwala. Una ay para sa kaligtasan nila ng binata at ang huli ay para sa kaluluwa ni Insiang.

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon