Kabanata 8: nakabiting katawan

5.7K 224 38
                                    

Nabitawan ni Aling Juling ang basong tangan. Bumagsak iyon sa sahig at nabasag!

"Amado! Oh, Diyos ko!", nakahawak sa dibdib na banggit ng ginang sa pangalan ng asawa. Sandali siyang natigilan. Nagdalawang isip na pumanaog at hanapin ang asawang kanina pa umalis at magpahanggang sa oras na yon ay hindi pa bumabalik. Nakatayo na siya sa tapat ng hagdanan nang marinig ang pag ungol ng anak.

"Oooh...'', mahinang daing ni Insiang. Unti unti nang nagkakamalay ang dalaga.

Mabilis na nilapitan ni Aling Juling ang anak.

"Anthony!", sigaw ni Insiang kasabay ng mabilis na pagbalikwas.

Agad niyang nilapitan ang anak.

"Inay! Si Anthony.., Inay. Hinihintay ako ni Anthony. Baka magdamdam siya kapag hindi agad ako nakarating. Ngayon ang araw ng aming kasal. Tulungan mo akong magbihis ha, Inay? Nasaan ang damit pangkasal? Isinukat ko na yon, nay. Kasyang kasya sa akin. Sige na, Inay. Bihisan mo ako ha. Gusto kong maging maganda sa paningin ni Anthony.", nakangiti habang panay ang pag agos ng luhang sabi ni Insiang.

"Hindi umalis si Anthony, Inay. Hindi niya ako iniwan. Nangako siya na magpapakasal kami.'', umiiling na sabi pa rin ng dalaga na tila kinukumbinsi ang ina.

''Pero bakit ganun? Bakit siya sumakay ng kotse mag isa? Hindi niya ako isinama, bakit nagawa niya sa akin ang ganito, Inay? Ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya?'', maya maya ay tanong naman nito.

''Inay..., hanapin natin si Anthony, ha. Hanapin natin siya..", humahagulgol na pakiusap na ng dalaga.

"Shhh..., huminahon ka anak. Nandito ka na sa bahay natin. Kailangan mong makapagpahinga at magpalakas.", sabi niya habang hinihimas ang likod ng nakayakap na anak. Panay din ang pag agos ng luha niya sa nakikitang anyo ng dalaga.
Tila pinipiga ang puso niya sa nasasaksihang kapighatian nito.

"Insiang..., anak. Magpakatatag ka. Nandito kami ng iyong itay. Hindi ka namin pababayaan. Mahal na mahal ka namin.", matapat niyang sabi.

Natigilan siya nang mapansing huminto ang anak sa pag iyak at tumingin lamang sa kawalan. Nang kausapin niya ay hindi na ito sumasagot. Tila hindi siya naririnig at panay lamang ang bulong at pag iling pagkatapos ay tatango.

"Ang anak ko..! Ang anak ko...!", panangis niya sa nakikitang itsura nito.

Hindi na nagawang matuyo ng luha ni Aling Juling nang dumating pa ang isang masamang balita.

Halos magkandapatid sa pagpanaog ng hagdanan ang ginang. Hindi makapaniwalang patay na ang kabiyak at karugtong ng kanyang buhay gaya ng sinabi ng kapitbahay na dumating.

Tila eksena sa isang pelikula ang tagpong napapanood ng mga kapitbahay.

"Amadooo!"

Humahangos na nilapitan ng ginang ang walang buhay na katawan ng asawa.

"Amado! Anong nangyari sayo? Bakit mo kami iniwanan ng iyong anak?", umiyak niyang tanong sa asawang yakap yakap.

"Mabuti at dumating ka na!", naka arko ang kilay na sabi ni Senyora Agatha.

Isang nagbabagang tingin ang ipinukol ni Aling Juling sa Senyorang walang bakas ng pagsisisi sa mukha. Katabi nito ang asawang wala na lamang magawa.

"Hindi pa ba sapat ang ginawa ng inyong anak sa aking anak?! Bakit pati ang aking asawa ay ginawa ninyong parang hayup?!", sigaw ng ina ni Insiang.

"Letche! At sino ka upang usigin kami ng ganyan?! Pumasok dito ang asawa mong walang modo! Galit na galit at pinagtangkaan kaming gawan ng masama! Pinagtangkaan niya akong patayin! Tama lamang sa kanya ang ganyan! Damputin mo ang katawan ng iyong asawa at lumayas kayo ngayon din! Ipalilinis ko pa ang duming ikinalat niya sa bakuran ko!", pagtataboy at mataray na utos ng Senyora sa babaeng titig na titig sa kanya.

Isang mapaklang ngiti ang gumuhit sa labi ni Aling Juling. Hindi inaalis ang nag aapoy na tingin sa babaeng daig pa ang hayup sa ugaling mayroon.

"Hindi natutulog ang Diyos Senyor Rubio, Senyora Agatha. Ngayon ay kayo ang nakatindig at lihim na humahalakhak. Subalit isang araw ay magbabago ang lahat. Hahalik kayo sa lupang pinadidirihan ninyong tapakan! Mararamdaman ninyo ang sakit na walang kapantay! Dugo ang aagos mula sa inyong mga mata!", naglalatang ang poot sa dibdib na sabi nito.

"Animal!", pagkasabi ay sinalubong nito ng matalim na tingin ang mga mata ni Aling Juling.

Sandali pa ay nagdatingan na ang mga pulis.

Nagwawala sa galit si Aling Juling nang pilit na inilalayo ng mga pulis sa katawan ng asawa.

Sa tindi ng magkakahalong damdamin ay pinanikipan ito ng dibdib. Napaluhod ito sa lupa. Tinabig ang kamay na umaalalay sa kanya at sa nanlalabong paningin ay pilit na gumapang palapit sa asawang nakahandusay sa lupa. Nang mahawakan ang kamay nito ay kasabay na ring nalagutan ng hininga.

"Inay...!! Itay...!!" Tinig ni Insiang na nagpalingon sa lahat ng taong naroroon.

Nakatayo ang dalaga habang umaagos ang dugo sa magkabila nitong binti.

Pagkatapos makita ang mga magulang ay naglakad na ito palayo.

Nag umpisang magbulungan ang mga naroroon. May luha sa mga mata. Awang awa sa sinapit ng mag anak sa kamay ng mayamang mag asawa.

Ang pari at ang ilang nagmamalasakit ang nag asikaso sa bangkay ng mga magulang ni Insiang. Hindi nila natagpuan ang dalaga at walang makapagsabi kung saan ito naroroon. Sa kapilya inilagak ang labi ng mag asawa.

"Kailangang makita natin si Insiang bago pa may mangyari sa kanyang masama. Natitiyak kong may nangyari sa sanggol na nasa sinapupunan niya.", wika ng nag aalalang pari. Nagtanguan naman ang mga kausap nito.

Samantala....

Isang anino ang nakamasid sa di kalayuan. Pagkalipas ng ilang sandali ay naglakad na ito palayo.

Si Insiang!

Dumirecho ito sa kubong tirahan nilang mag anak. Pagkapasok ay kinuha ang damit pangkasal..., isinuot at saka tumingala. Pagkatapos ay naging abala na sa ginagawa.

Hatinggabi na nang magsiuwi ang ilang kapitbahay na nanggaling sa lamay. Nagkukwentuhan pa ang mga ito tungkol sa nangyari nang mapatingin sa bintana ng madadaanang kubo.

Kapwa napanganga sa panghihilakbot ang magkakasama! Kitang kita nila ang isang katawang nakabitin sa loob nito!

"Oh, Diyos ko! Si Insiang..! Si Insiang!"


Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon