Kabanata 17: ang itinuturo ni Agatha

5.3K 228 6
                                    

Nagtataka man sa utos ng ama ay lumapit si Anthony at kinuha ang bimpong iniaabot nito sa kanya.

Maingat niyang dinampian ng maligamgam na pamunas ang balat ng inang nandidilat ang mga mata.

Hinawakan niya ang braso nito upang mapunasang mabuti pati ang gawing ilalim nang magulat siya!

Hindi niya magawang iangat ang braso ng ina!

Ni hindi niya matinag sa tila pagkakadikit sa tagiliran ng Senyorang pati ang pag iling ay hindi magawa!

"Papa?!", takang takang tawag niya sa ama.

Nakita niya ang pagtulo ng luha nito mula sa mga mata.

Takang takang lumipat siya sa kabilang tagiliran ng ina at ang isang braso naman nito ang sinubukang paghiwalayin.

Ngunit hindi niya rin iyon nagawa!

Nagtatanong ang mga matang tinignan niya ang ama.

"Hindi ko rin alam, Anthony. Hindi ko kayang ipaliwanag kung bakit parang tuod ang iyong Mama. Hindi lamang ang mga braso niya ang magkadikit. Hindi ko siya masuotan ng diaper dahil maging ang mga hita niya at binti ay hindi rin mapaghiwalay. Para siyang nakagapos.., parang isang Mummy na nakabalot. Kaya ganyan ang isinuot ko sa kanya. (Malapad na parang apron ang tabas). Hirap na hirap ang mga nurse na malagyan siya ng catheter. Hindi rin siya nakakakain dahil hindi niya magawang ibuka ang bibig. Tanging ang laman ng dextrose na yan (sabay tingin sa bagay na yon) na tumutuloy sa kanyang ugat ang pinagkukunan niya ng pagkain. Kaya malaki na ang ihinulog ng kanyang katawan.", malungkot na paliwanag ng Senyor.

"Bakit hindi nyo sinabi sa akin ang bagay na ito? Kung hindi pa ako biglang umuwi ay wala akong kaalam alam na ganito na pala ang sitwasyon ng Mama.", may himig ng pagtatampong sabi ni Anthony.

"Ayaw ng iyong Mama. Hindi siya nakakapag salita ngunit nagagawa naming mag usap dahil sa pagtatanong ko. Sumasagot siya sa pamamagitan ng mga mata o kaya ay senyas ng daliri. Naisip ko rin na huwag na ipaalam agad sayo upang hindi ka maabala. Ang akala ko kasi ay iigi na ang iyong Mama. Tatawagan na sana kita bukas upang mapag usapan natin ang tungkol sa plano ko. Maigi at narito ka na. Hirap na hirap na akong makitang naghihirap ng ganyan ang iyong Mama kaya naisip kong dalhin siya sa Maynila upang doon maipagamot. Mas maraming mga hospital doon na maaaring makatulong upang matukoy ang kanyang sakit at malunasan. Walang kailangang maubos ang ating kayamanan gumaling lamang ang iyong Mama.", lumuluhang sabi ni Senyor Rubio.

Nakita ni Anthony ang pagtulo ng luha ni Senyora Agatha habang nakatingin sa Papa niyang umiyak.

Napansin din niya ang pag galaw ng mga daliri ng ina at ang papipilit nitong abutin ang kamay ng kanyang Papa.

"Malinaw ang isip ng Mama. Naiintindihan niya ang pag uusap namin ng Papa. Nagre response siya. Pero bakit ganito ang nangyayari sa kanya? Anong uri ng sakit mayroon siya.?'', naitanong niya sa sarili.

Hindi na nagawa ni Anthony ang kumain ng hapunan. Pakiramdam niya ay puno ang kanyang tiyan. Ang kagustuhang makapagpahinga matapos ang maghapong pagbiyahe ay hindi na rin niya nagawa. Siya ang nagbantay sa kanyang Mama.

Matapos ang pag uusap nilang mag ama ay kinumbinsi niya itong matulog muna sa kanyang silid upang makapagpahinga.

Tumanggi si Senyor Rubio sa mungkahi ni Anthony ngunit matapos sabihin ng binata na kung magkakasakit din ang ama ay mas magiging mahirap para sa kanila at sa kanyang Mama ay pumayag na rin ito.

Matapos magpaalam at humalik sa kanyang Mama ay lumabas na ito ng silid.

Naiwanan siya at matamang pinag isipan ang dapat gawin.

Napansin niyang gising pa rin ang ina. Nakadilat ito, dilat na dilat . Panay ang pigil na pag galaw ng bibig at ng buong katawan.

Parang may gustong sabihin sa kanya.

Nakaangat ang daliri nito.

Ang hintuturo!

Nilingon niya ang itinuturo ng kanyang Mama.

Nang walang makitang kahit ano ay nilapitan niya ito.

"Mama, may gusto ka bang sabihin sa akin?"

Nakita niya ang paggalaw ng mga labi nitong magkadikit. Nakarinig siya ng mahinang pag ungol mula dito.

May sinasabi ang kanyang Mama. May gusto itong sabihin sa kanya.

Dumukwang siya palapit sa mukha nito. Idinikit niya ang isang tenga sa bibig ng ina.

"Uhh..., huum..., uuurmm"

"Mama, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Hinahanap mo ba ang Papa? Nandun siya sa kwarto ko. Huwag kang mag alala nandito naman ako sa tabi mo. Hindi kita iiwanan, Mama. Ako muna ang ang mag aalaga sa iyo. Babantayan kita kaya matulog ka na, ha.", nakangiti niyang sabi sa ina habang hinahagod ang noo nito.

"Uhh..., huum..., uurmm...."

Muli niyang narinig ang pag ungol ng ina.

Napakunot ang noo ni Anthony nang makitang gumagalaw ang kanang kamay ni Senyora Agatha.

"Hindi kita maintindihan, Mama. Kaya mo ba magsulat? Kaya mo ba isulat ang gusto mong sabihin?", tanong ng binata.

"Uhh..., huum..., uurmm"

Hirap na hirap man ay nagpipilit si Senyora Agatha na maikilos ang katawan.

Malinaw na malinaw ang isipan ng ginang. Naiintindihan niya ang lahat ng nagaganap sa kanyang paligid. Ang pinag uusapan ng kanyang mag ama.

Malinaw na malinaw rin ang kanyang paningin.

Nakikita niya na hindi nag iisa ang anak.

May kasama ito....!

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon