Kabanata 11: Cha, wake up!

4.4K 206 29
                                    

"Ayoko! Ayoko sabi eh!", pagkasabi ay padabog na hinawi ni Charity ang tray ng pagkaing dala ni Charisma.

Tumapon lahat sa sahig!

Nakagat ni Charisma ang pang-ibabang labi sa pagpipigil ng inis na nararamdaman.

Sinamsam niya ang mga pagkaing nakakalat sa sahig.

"Cha, hindi na maganda ang inaasal mo. Hindi na tama ang mga arte mo. Huwag mong ubusin ang pasensya ko.", nagtitimping sabi ni Charisma.

"Hintayin mo ako diyan at ikukuha uli kita ng breakfast. Kailangan mong kumain and then iinom ka ng gamot.", maotoridad na sabi ni Charisma.

"Ayoko! Ayokong kumain!", muling sigaw ni Charity at agad nitong ibinato ang hawak na stuffed toy.

Sapul sa mukha si Charisma!

Ang lahat ng pagtitimpi at kahinahunan ng panganay ay tila lubid na nakahulagpos!

"Sumosobra ka na talaga!", malakas na sigaw ni Charisma. Humahangos ito sa paglapit sa kapatid na napamaang din sa nagawa.

"Um! Um! Um! Um!", gigil na gigil na pwersa ni Charisma habang himahampas ng palad ang puwit ni Charity. Pulang-pula ang mukha nito hindi lamang dahil sa pagtama ng ibinato ng kapatid kundi dahil din sa galit.

"S-sorry..., ate. Hindi ko sinasad..."

"Sorry?! Hindi sinasadya?! Binato mo ako kahapon ng shuttlecock na tumama sa salamin kaya nabasag!

Tinabig mo ang tray ng pagkaing pinaghirapan kong ihanda para sa iyo kaya hayan at tumapon lahat sa sahig!

Ngayon naman ang laruan mo ang ibinato mo sa akin!

Ano?! Masaya ka na?! Tinamaan mo na ako sa mukha, masaya ka na, ha?!", naniningkit ang mga matang sigaw ni Charisma.

"Don't get mad at me, ate." , umiiyak na pakiusap ni Charity.

"I am, Cha!Dahil nakakapagod ka na! Nakakagalit ka na! I have my own life, pero mas inuuna kita. Hindi ko magawang makipagsaya with my friends habang ikaw ay maiiwanan kong nag-iisa. Paano ako tatawa, kung alam kong ikaw ay umiiyak dahil wala ako? Ikaw muna bago ang sarili ko, tapos ganito lang ang igaganti mo? Ayoko na!", sabi pa rin ni Charisma.

"Please forgive me na, ate. I promise not to do bad things ever again. Bati na tayo, ha.", malambing sa sabi ni Charity. Lumapit pa ito at akmang yayakap sa kanyang ate.

"No!", sigaw ni Charisma. Masamang-masama ang loob niya.

"I love you, ate. Love mo ako?", sabi uli ni Charity. Muling sinubukang lambingin ang kapatid.

Natigilan si Charisma sa narinig. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang damdaming nag-aapoy sa galit. Bahagyang lumiwanag ang mukha nito at kahit nagdaramdam pa ay hindi na kagaya ng dati. Parang isang magic word ang mga katagang binitiwan ng kapatid sa kanya. Unti-unting nababawasan ang inis niya.

Ngunit hindi siya agad-agad na nagpalambot sa paglalambing ni Charity. Gusto niyang maipa-realize dito ang nagawang pagkakamali upang hindi na muling ulitin.

"I don't love you anymore!", sagot ni Charisma. Nagkunwari pa rin itong galit.

Narinig niyang humikbi ang kapatid at pagkatapos ay tumakbo papunta sa closet. Pumasok ito sa loob at nagkulong.

Tatawagin na sana niya ito at palalabasin ngunit naisip niyang kung gagawin ang ganun ay para na rin siya ang sumuko. Baka imbis na maging maayos na ang asal nito ay maging sutil pa.

Pinigilan pa niya ang sarili na matawa, nang dahan-dahang bumukas ang pinto ng closet at ilapag nito ang tsinelas sa labas ng pinagtataguan.

"Sige diyan ka na muna habang pinag-iisipan mong mabuti ang nagawa mong pagkakamali. Lumabas ka na lang kapag talagang nagsisisi ka na at nangangakong magpapakabait.", naggagalit-galitan pa rin niyang sabi at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto nila.

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon