Kabanata 7: ang takot ni Liza

4.7K 218 26
                                    

Tahimik na tahimik na loob ng bahay ng mag-asawang Aris at Lilia. Nakapatay ang mga ilaw at tanging ang mga bumbilya (led) lang ang nakabukas sa paligid nito.

"Uhh! Shit! Shit! Ang sakit ng ulo ko!", reklamo ni Liza. Hawak nito ang ulong tila binibiyak.

Natapunan niya ng tingin ang bote ng alak na walang laman.

"Punyeta! Nalasing ako!", angil nito sa sarili.

Padarag itong tumayo at sinikap makarating sa loob ng banyo matapos tanggaling lahat ang saplot sa katawan.

May hangover siya at nakagawian na niyang iligo ang sakit ng ulo t'wing masosobrahan sa alak. Itinapat niya ang sarili sa malamig na lagaslas ng tubig mula sa dutsa. Napangiti siya. Tila minamasahe ng tubig ang kanyang ulo. Nakaramdam ng dagliang ginhawa.

Inaangat niya ang mukha at hinayaang salubungin nito ang tubig habang mariing nakapikit ang mga mata. Nang biglang matigilan!

Pakiramdam niya ay may mukhang nakatunghay sa kanyang mukha!

Nakaharang ito kung kaya wala na ang tubig na lumalaglag sa kanya!

Agad niyang ibinaba ang ulo at umurong pasandal sa dingding. Mabilis na tinignan ang shower!

Napangiti siya na tila nakakaloko nang makitang wala namang nakaharang doon at patuloy lamang sa pagpatak ang tubig.

"Hey, Liza! What's up! Parang tanga lang, hah?!", galit niya sa sarili.

Muli niyang itinapat ang sarili sa tubig at sinabunan. Pagkatapos ay sinyampuhan ang buhok. Marami na ang bula sa kanyang ulo at ang ilan ay umagos na sa kanyang noo at kilay nang biglang huminto sa pagtulo ang tubig.

Ngumisi si Liza. Ngising may pagkapikon at inis.

"Now, what?! Dugo naman ang lalabas sa shower at tatapon sa katawan ko? Ano 'to, horror film na super corny at bakyang-bakya?", sabi nito na ang ngiti ay nasa kabilang sulok lamang ng labi.

Tiningala nito ang shower. Humalikipkip pa at sadyang inabangan ang pagpatak ng kung ano sa mga butas.

"Ano? Wala pa ba? Matagal pa ba? Nasaan na ang dugo?!", tila naghahamon pa nitong sabi. Sa inip ay pinihit-pihit na nito ang bukasan/sarahan.

Tumulo ang shower. Tubig!

Animo nanalo sa tagisan ang ngiting sumilay sa mga labi nito.

"Akala n'yo matatakot n'yo 'ko? Huh! Hindi pa iniiri ng nanay niya ang taong magpapatayo sa mga balahibo ko!", may pagmamayabang na sabi ng dalaga habang binabanlawan ang buong katawan.

Pagkatapos ay isinuot ang dilaw na bathrobe at lumabas na ng banyo. Nakaangat pa ang kilay nito nang maupo sa harap ng salamin habang tinutuyo ang mahabang buhok.

Natabig nito ang mamahaling hairbrush at nalaglag sa sahig.

"Shit! Bad trip!", asik ng dalaga at padabog na dinampot ang nahulog. Namali ito ng hawak at imbis na madampot ay natulak pa ang brush sa ilalim ng kanyang tokador.

"Bwisit!", muling sambit nito kasabay nang pagpadyak ng paa.

Umalis sa pagkakaupo ang dalaga at lumuhod upang kunin ang hairbrush. Agad naman nitong nakapa ang hanap. Ngunit nang kukunin na ay bigla itong napaigtad!

May humawak sa kamay niya!

Agad niyang binawi ang kamay at mabilis na napalayo sa tokador kahit nakaupo pa rin. Namumutla at hindi nagawang itikom ang nakaawang na bibig habang hawak ng isang kamay ang kamay na malamig pa sa pagdantay ng malamig na palad sa ilalim ng tokador.

Ito kaya'y, totoo? {horror stories}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon