CHAPTER 1: The HeiressELLA'S POV
"He's Doc Marcus Cielo, our son," Tito Leo introduced him with his colleagues.
"Oh! Hi, Doc Cielo! Dangsin-eun neomu jal saeng-gin-ibnida!" the Korean visitor greet him with a wide smile.
(You are so handsome!)
Cielo took his hand. "Kamsahamnida, sajang-nim!" he said with a smile.
(Thank you, sir!)
Lintek! Hindi ko maintindihan, gamsahabnida lang ang naintidihan ko!
I really hate gatherings, parties like this with wealthy people and acquaintances of our family. Kahit kailan ay hindi ako nasiyahan sa ganitong klaseng party. Kasalukuyan kaming nasa mansion ng mga Park, sa bahay ng Chairman, ang Papa ng Daddy ko. Dito rin nakatira ang pamilya ni Tito Leo, maliban sa'min bumukod kasi kami dahil gusto ni Daddy ang nakabukod kami ng mansion para may privacy rin daw.
Well, I'm in favor of that...
Pero kapag may mga ganitong okasyon ay madalas rin kami namamalagi rito sa mansion, lalo na kapag mga mahahalagang okasyon gaya ng Holidays. Sa sobrang laki ng mansion ni Chairman Park, halos doble nito ang sukat ng bahay namin. Ang daming tao ngayong gabi dahil sa Charity event nila at may pa-auction pa nga.
Karamihan ay mga purong Koreano at half Koreans ang nandito, ang iba naman ay mga kasamahan nina Daddy sa medical mission, mga doctor. Mga bigating tao ang nandito, at pakiramdam ko ay nanliliit ako sa kanila...kung sana pinayagan na lang ako nina Mommy na mag-stay na lang sa bahay namin mas okay pa sa'kin iyon.
I immediately grabbed a glass of wine when a waiter passed in front of me, I'm damn bored here. Wala naman akong makausap dahil busy ang family ko sa mga bisita nila. Maging si Kuya Cielo ay busy sa pakikipaghalubilo sa mga bisitang hindi ko kilala. Wala tuloy akong makulit ngayon...siya lang kasi ang kakulitan ko, kung minsan 'pag wala siyang sumpong at hindi nagsusungit...
Moody kasi iyon, minsan bigla na lang nagsusungit sa'kin...
"Oh, yeah! I heard that she's not the real daughter of Mr. Aries Park."
"Exactly! She's an illegitimate daughter. I wonder why did they accept her into their family."
"And the only heiress of Park's clan was already dead. So, probably the two young Parks were the heir of their family," rinig kong sambit ng maaarteng bruhang hindi ko kilala nasa kabilang table na nasa gilid ko lang.
Inis kong sinulyapan sila ngunit sa sobrang kapal ng mga mukha nila ay hindi sila natinag. Kung pwede lang mag-eskandalo rito ay kanina ko pang ginawa, pero hindi naman ako gano'ng klaseng tao at hindi ako gano'n pinalaki ni Mommy. Kaya pagbibigyan ko sila, just for tonight...
BINABASA MO ANG
Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓
RomanceIn a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park is the son of a wealthy clan, who tries to suppress the emerging feelings for his cousin, Estrella Ma...