CHAPTER 6: Feel The Same
Sabay kaming pumasok sa hospital naiilang pa nga ako dahil nakatingin sa amin ang mga tao roon lalo na ang mga nurse.
Panay bati naman sa kaniya ang lahat ng makasalubong naming mga nurse at staff dito. Tila mga kinikilig pa nang makita siya pero biglang mapapanguso at napapairap nang makita ako sa tabi ng pinsan ko.
I think they're just jealous, iniisip nga talaga siguro nilang girlfriend ako ng pogi kong pinsan...
"Doc Cielo! Bro, I thought you don't have a duty today. Nabanggit kasi ni nurse Jane na nag-overtime ka na naman daw kagabi," ani ng isang doctor na bumati sa kaniya at napasulyap sa'kin. "Oh, who's with you?" nakangiti niyang tanong.
Lumingon sa akin si Kuya Cielo. "Yeah, but I have something to do in my office. Ahm, this is Ella, one of our interns under my supervision," pagpapakilala niya sa akin sa doctor.
Mabilis niyang inilahad ang kaniyang kamay at nahihiyang kinuha ko naman iyon. "Hi, I'm Doctor Joshua Perez but you can just call me Doc Josh. It's nice to meet you, Ella," nakangiti niyang sambit na hindi maalis ang tingin niya sa'kin.
Matangkad at moreno ang isang 'to, halos pareho sila ng katawan ng pinsan ko na mababakas mong alaga rin sa gym. Pero mas lamang sa kagwapuhan ng pinsan ko... dahil walang makapapantay sa taglay niyang kagwapuhan...
Nag-iisa lang ang Dr. Marcus Cielo...
"Hello po, Doc Josh," I smiled at him. "Doc, I have to go, may rounds pa kami," baling ko sa pinsan ko.
"Oh, I'll go with you Ella...mag-rorounds tayo," Doc Josh said and winked at me. Tinanguan ko na lang siya at tumalikod na sa kanilang dalawa.
"Ella?" Kuya Cielo suddenly called me kaya lumingon pa ako sa kaniya, gano'n din si Doc Josh na nilingon din siya nang tawagin niya ako.
"Hmm?"
He stared at me for a second. "If you need anything, I'm just one call away..." he said softly.
Kagat-labi akong tumango sa kaniya at saka tumalikod para maglakad na, nakasunod naman sa akin si Doc Josh na nakangisi.
Pakiramdam ko ay makulit ang isang 'to at madaldal parang si Chloe, at mukhang mabait rin naman siya. 'Yon nga lang baka kung ano ang isipin niya sa sinabi ng pinsan kong iyon...
"You know what? You look so familiar to me—I think I saw you somewhere with Doc Cielo...are you two in a relationship?" bigla niyang tanong at natigilan naman akong bahagya sa paglalakad at hinarap siya.
"No, were cousins..." maikli kong sagot.
He looks shocked. "Oh! Sorry! Kaya pala familiar ka sa'kin, e. So, you're the heiress of Park's clan..."
"Big deal ba iyon sa inyo?" natatawa kong sagot sa kaniya.
He nodded. "Hmm, of course, you're the granddaughter of the owner of this hospital," he sweetly smiled at me.
"Ah, for me it's not and I don't need to brag out that."
"Wow! It seems that I'm talking to Doc Cielo..." natatawa niyang sabi. "You know, I like you already," he winked at me.
Like agad? Kakakita niya lang sa akin, e...hmm, babaero siguro 'to!
"Magkaiba kami 'non, masyadong seryoso 'yun sa buhay," I smirked.
He flicked his finger. "Exactly! Alam mo bang ako lang ang nakatagal sa kasungitan ng pinsan mong 'yon? Sa sobrang sungit at palaging seryoso ang mukha niya, natatakot siyang lapitan ng mga classmates namin before—until now, mga nurse and other staff here takot sa kaniya," he chuckled.
BINABASA MO ANG
Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓
RomantikIn a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park is the son of a wealthy clan, who tries to suppress the emerging feelings for his cousin, Estrella Ma...