CHAPTER 19: Family Dinner
Nang makauwi ako ng mansion napansin kong wala pa rin doon ang sasakyan ni Cielo, marahil ay hindi pa siya nakakauwi.
Nauna pa akong umuwi sa kaniya...hindi naman siguro siya mag-oovertime dahil may family dinner kami ngayon. Isa pa ayaw na ayaw ni Chairman ang late pagdating sa family appointment namin.
Umakyat na ako agad sa kwarto para makapagpahinga kahit sandali, bago man lang ako mag-prepare para mamaya.
Nahiga lang ako sa kama at nagtingin sandali sa social media accounts ko then, I decided to take a bath. After taking a long shower, I got dressed into a maroon off-shoulder dress with a slit.
I also just curled the ends of my hair and applied thin makeup, I wore simple earrings and of course, I also wore the necklace that Cielo gave me...
Just in time, kumatok sa pinto ang kapatid ko katatapos ko lang mag-ayos ng aking sarili. Inabot din pala ako ng dalawang oras sa pag-aayos ko lang.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa— ang gwapo niya sa kaniyang suot, kahit na anong outfit talaga ay bagay sa kapatid kong 'to.
Malawak naman ang pagkakangiti niya nang makita ako tapos kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng kaniyang pants.
"Yeppeuda, noona! Let's take a photo?" nakangiti niyang usal.
(Pretty, big sister!)
"Sure! Pero may bayad," nakangisi kong sagot sa kaniya. Napanguso naman siya ngunit agad akong inakbayan, at saka siya kumuha ng ilang shots gamit ang phone niya.
Ilang saglit pa siyang nakangiting nagpipindot sa phone niya, habang ako naman ay muling sumulyap sa salamin. Inayos ko lang ng bahagya ang buhok ko at saka kinuha ang purse ko na nakapatong sa ibabaw ng table.
Nang lingunin ko na ang kapatid ko ay nakanguso na siya at salubong ang kaniyang kilay.
"Aish! What a stalker!" he mumbled. Lumapit ako sa kaniya at sinilip nang bahagya ang kaniyang phone.
"Why? Sinong stalker?" nagtataka kong tanong sa kaniya, na kasalukuyang nakatingin sa post niya sa Instagram.
He frowned. "Si Panget, she commented right away," nakanguso niyang sambit na ipinakita pa sa'kin ang tinutukoy niya.
@IamYenYours liked your photo:
@IamYenYours commented on your photo: "Wow! Ate Ella is so pretty! <3"
Napangiti naman ako nang mabasa ang comment na iyon, si Yen pala ang nag-comment na tinutukoy ng kapatid ko. Bakit siya naiinis sa comment na iyon?
Tungkol naman sa'kin ang comment ni Yen, ah? Tiningnan ko muli ang username ni Yen then, I followed her on Instagram.
Niyaya ko na ang kapatid ko na bumaba, baka kasi naghihintay na sina Chairman sa amin. Inaalalayan naman ako ng kapatid ko, habang nakakapit ang kanang kamay ko sa braso niya hanggang sa makababa na kami sa living room.
Nagulat ako nang bumungad sa'min si Tito Leo, nawala sa isip ko na ngayon nga pala ang dating niya.
"Welcome back po, Tito!" nakangiti kong bati sa kaniya at bahgayang niyakap siya.
He patted my back. "Wow! You look so perfect, Ella! How are you here?"
"Aww! Thank you po, Tito. We're fine po...we're good. Sobrang maalaga po yata si Tita, e," I smiled when I glanced at Tita Celeste and she instantly pinched my cheeks.
"Of course, sobrang love na love ko kayo! I know that you're also taking care of your Kuya Cielo," she winked at me.
Napaawang ang bibig ko, hindi ko nakuhang sumagot kay Tita sa gulat ko sa sinabi niyang iyon. Ilang sandali lang ay nagyaya na ang Chairman na umalis.
BINABASA MO ANG
Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓
RomanceIn a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park is the son of a wealthy clan, who tries to suppress the emerging feelings for his cousin, Estrella Ma...