CHAPTER 29: Ray of Sunshine

47 10 84
                                    

CHAPTER 29: Ray of Sunshine

One month have swiftly passed after our breakup, naging mahirap para sa akin ang isang buwan na 'yon. Hindi ko alam kung sadya bang umiiwas sa akin si Cielo, o nagkataon lang talagang palagi siyang may seminar? Palagi siyang wala sa hospital at hindi na rin pareho ang schedule ng duty naming dalawa; si Doc Joshua na ang palaging kasama naming mag-rounds sa mga pasyente.

Sa mga nagdaang linggong, halos si James ang kasama ko. Hindi niya hinahayaang mabakante ang day off at weekends na hindi kami lumalabas. Madalas kaming mag-stroll gamit ang motor niya, nakanood na rin ulit ako ng isa pa niyang race no'ng nakaraan lang. Gano'n pa rin naman, sobrang kaba pero kahit paano ay nai-cheer ko na si James.

Tuwang-tuwa naman ang loko sa pag-cheer ko sa kaniya. Ginawa niya kong cheerleader, e...

As he always did to me too, siya ang palaging nasa tabi ko. Especially, this time na talagang kailangan ko ng taong mag-i-stay para damayan ako sa kadramahan ko sa life. James never disappoints me, he's been my clown, my shoulder to cry on all this time. Isa siyang maaasahang kaibigan na handang gawin ang lahat mapasaya lang ako.

"But you're my dream, Ella. My heart only has been wishing you..." bahagya niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin. "You are and always have been my dream. Can you become true? Can I reach you, Ella, my dream?"

I suddenly felt a strong throbbing in my chest...

Hindi ko nakuhang sumagot sa sinabi niyang iyon, nanatiling nakatitig ang aking mga mata sa kaniya na pawang naguguluhan. Kakaibang kaba rin ang aking nadarama sa binitawan niyang salita...ano bang ibig niyang sabihin?

"Oops! Joke lang! Natulala ka na r'yan? Galaw-galaw, Ella!" tumatawang nilamukos niya ang aking mukha.

It was as if a thorn had pulled me out of what he said ...

"A-ah...para k-ka kasing tanga! Kung ano-ano sinasabi mo, e."

"Why? Do you want me to make it real?" seryoso niyang sagot na titig na titig na naman sa'kin ang mga mata niyang tila nanghihigop.

"A-asa ka! Ssi-bal! Umuwi ka na, James!" sabi ko na itinulak pa siya paharap sa sasakyan niya. Hahampasin ko pa sana siya nang bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit...

"Even if I am not the reason for your happiness to return, please always remember that I will do everything to make you happy in the way I know...I'm always here for you through whatever and whenever, Ella..." he said softly which makes my heart calm.

Napangiting napailing na lang ako nang maalala ko ang kadramahang iyon ni James. But to be honest, I'm really grateful to have James in my life...parang kulang na rin ang araw ko kung walang James Evan na nagpapasaya sa akin. He's one of the best things that happened in my life...para ko na rin siyang kapatid na laging nakaagapay sa'kin.

So, I wish James could find the woman who can make him happy, and love him as he deserves...

***

"Omo! Ella, pretty! I missed you so much!" masayang salubong sa akin ni Tita Celeste. At niyakap pa ako nang mahigpit na halos hindi ako makahinga.

"Hello po, Tita! Na-miss ko rin po kayo! You look even prettier, Tita..."

Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon