CHAPTER 33: Terrible Revelation
Kasabay nang aking pagpikit ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa aking labi. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang yakap namin ang isa't isa; dama ang init ng aming katawan...
Napabalikwas kami nang bangon ni Cielo, may kung anong nahulog na babasagin sa sahig...hinanap ko kung saan nagmula ang ingay na iyon. Kinukusot-kusot ko pa ang aking mga mata, nang mapalingon ako sa pintuan bigla ko na lang naramdaman ang halos paghinto ng tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay nanginig ang mga tuhod ko't, hindi maikilos ang aking mga paang nanatili sa aking kinatatayuan...
"Sesang-e! Mi-Chin-Nom, Mi-Chon-Nyeon!" isang nanggigigil na malakas na sigaw. Kasabay nang muling pagbagsak ng isang pigura sa sahig ang bumalot sa loob ng entertainment room.
(My Goodness! Crazy bastard!)
"C-Chairman..." mahinang naibulalas ni Cielo.
"C-Chairman, mommy, d-daddy..." nangangatal ko silang nilingon at halos hindi maipinta ang kanilang mga mukha. Salubong ang kilay na naglakad ang Chairman sa kinatatayuan namin ni Cielo habang naka-alalay sa kaniya sina Tito Leo at Daddy.
Malakas niyang inihampas ang mga hawak niyang litrato sa dibdib ni Cielo na ikinagulat naming pareho. Bumagsak iyon sa sahig, at nang tingnan ko mga 'yon ay nanlaki ang aking mga mata. Nagkalat sa sahig ang mga larawan naming dalawa ni Cielo na kuha mula sa Siargao, Manila Planetarium, at ang iba ay kuha pa mula sa ospital.
"What is the meaning of this? How could you do this behind our back?" nanlilisik ang mga mata ni Chairman na nagpalipat-lipat sa amin ang kaniyang paningin.
"C-Chairman let me explain—"
"Explain? Sesang-e! All this time— tama lahat ng mga sinabi sa akin ni Doc Sophie na may relasyon kayong dalawa ni Estrella! I didn't listen to her because I trusted both of you! But— it's all true! This is crazy! This is a terrible revelation!" galit niyang hinampas ang hawak niyang baston sa sahig.
"Mahal ko si Ella—"
Malakas na sinampal ni Chairman si Cielo. "Ssi-bal! Nahihibang ka na ba Marcus Cielo? Paano mo nasasabi sa mismong harapan ko ang bagay na iyan? Mahal mo ang iyong pinsan? Sesang-e!"
Humugot ng malalim na paghinga si Cielo. "We love each other and we are not blood-related. I love her, Chairman, why don't you just accept—" muling sinampal ni Chairman ang pisngi ni Cielo, na sa sobrang lakas nito ay tumabingi ang kaniyang mukha.
"Chairman..." sabay naming sambit ni Tito Leo.
"Jeoldae! I will not accept it! Jeoldae!"
(Never!)
"Chairman, jebal...don't hurt my son," umiiyak na sambit ni Tita Celeste at pinipigilan sa braso ang Chairman. Malakas na iniwaksi ni Chairman ang kaniyang braso dahilan para mapabitaw sa kaniya si Tita Celeste saka siya bumaling sa kaniya.
(please...)
Galit na itinuro ni Chairman si Tita. "You! How could you let this happen? Ikaw ang pinagkakatiwalaan sa mansion na ito, Celeste! Paano mong nagawang hayaang magkaroon ng kakila-kilabot na relasyon ang dalawang ito? Nasaan ang iyong delicadeza?"
Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay sa tensyong kaganapan ngayon. Nalaman na ng pamilya namin ang tungkol sa relasyon namin ni Cielo. Hindi ko inaasahan na sa mismong araw na ito mangyayari. Hindi ko napaghandaan ang araw na 'to, ni hindi ko malaman ang aking gagawin...
Hindi ko alam kung paano niyang nalaman, pero sa pagkakarinig ko ay may kinalaman si Doc Sophie. Tuloy-tuloy sa pagpatak ang aking mga luha at nakatitig kay Cielo na siyang kasalukuyang bahagyang nakayuko, habang nakakuyom ang kaniyang mga kamay.
BINABASA MO ANG
Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓
RomanceIn a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park is the son of a wealthy clan, who tries to suppress the emerging feelings for his cousin, Estrella Ma...