CHAPTER 10: My Star
Sawakas, natapos din ang mahigit walong oras na duty naming dalawa ni Cielo, sumabay na siya sa akin pauwi. Hindi na muna raw siya mag-oovertime dahil may kailangan pa siyang tapusin pagkauwi namin sa mansion.
Nagyaya lang siyang kumain sa isang Korean restaurant bago kami umuwi, para deretso pahinga na rin daw kami mamaya.
Sulit naman ang pagod ko sa pag-duduty dahil kasama ko naman siya, pakiramdam ko nga ay nawala lahat ng pagod ko. Makita ko lang ang poging ito, lalo na ang kaniyang mga ngiti...automatic nabubura ang kapaguran ko.
Na-eenjoy ko na rin kahit paano ang mga ginagawa ko sa ospital dahil sa kaniya. Iniisip ko pa lang na matutuwa siya at proud siya sa mga ginagawa ko, mas ginaganahan pa akong lalo.
Iba talaga nagagawa kapag inlove ang isang tao. 'Yong tipong lahat ng bagay na hindi mo naman nakasanayang gawin ay magagawa mo nang maayos dahil inspired ka.
Nalaman na rin pala ni Cielo ang nangyari sa pagitan namin nina nurse Lucy at ng dalawa niyang alagad.
Kanina kasi habang nasa cafeteria kami ni Cielo, biglang dumating ang head nurse na si Ma'am Castro. Kinausap niya ako at nag-apology sa'kin, e nando'n si Cielo na wala namang kaalam-alam sa mga nangyari noon.
Kaya nalaman niya at naikuwento ko na rin sa kaniya ang lahat. Medyo nagalit pa nga siya sa akin dahil hindi ko man lang daw sinabi sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon.
Sinabi ko naman na hindi na iyon big deal dahil tapos naman na, at ililipat na rin naman sila ng branch so, no need to worry na. Sayang lang talaga sila dahil wala pa silang isang taon na nagtatrabaho rito sa ospital, malamang nga ay wala silang kalam-alam sa pagkatao ko kaya nagawa nila iyon sa akin.
Umusok tuloy ang ilong niya sa inis kanina, hindi ko raw dapat hinayaang tratuhin ako ng mga iyon ng ganoon. Kung nalaman lang daw niya agad iyon, baka nasabon niya raw ang tatlong iyon.
Siya na mismo raw ang magpapaalis sa mga nurse na 'yon sa hospital, hindi lang daw basta ililipat ng ibang branch. Kundi patatalsikin pa raw niya sa hospital...sinabihan ko na lang siya na hayaan na lang at palampasin na lang, ang mahalaga kako masaya ako sa piling niya at kung ano-anong biro pa ang sinabi ko.
Hayun natawa naman siya, seryoso raw siya tapos nakukuha ko pa ring magbiro, nuknukan daw talaga ako ng kulit.
Kaya nga na-in love siya sa akin, e...
Saktong 11 PM nang matapos akong maligo, bumaba ako sa kitchen para magtimpla ng green tea namin ni Cielo. Dahil paniguradong magpupuyat na naman siya sa ginagawa niyang paper works. Hindi nga niya ako nagawang i-message kanina pagdating namin sa mansion.
Although magkasama naman kami maghapon...ewan ba basta gusto ko siyang laging kausap.
Parang kulang ang araw ko, kapag hindi ko siya nakakausap kahit sa chat lang...
Inayos ko lang kaunti ang sarili ko, bago muling pumanhik sa taas dala ang tinimpla kong green tea para sa aming dalawa. I was just wearing a denim shorts and a plain white t-shirt at tinali ko lang ang buhok ko into a bun.
Tahimik na ang buong mansion, malamang ay tulog na sina Cyrus at Tita Celeste. Kumatok muna ako sa pinto ni Cielo bago ko itong binuksan, at tama nga ako dahil abala siya sa ginagawa niya.
Nakaupo siya sa harap ng study table niya, kaharap ang kaniyang laptop at mga nagkakapalan niyang mga libro.
Mabuti na lang talaga gwapo siya...kasi para na siyang nerd kakaaral niya...
Nilingon niya ako at matamis na ngumiti sa akin, ni-lock ko naman ang pinto saka ipinatong sa table ang tray na dala ko.
Niyakap ko siya mula sa likuran niya at ipinatong ang baba ko sa balikat niya...humahalimuyak ang pabango niyang kinaaadikan kong langhapin.
BINABASA MO ANG
Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓
RomanceIn a well-known family. Two young people whose fate tried to trifle them into falling in love, but wrong in everyone's eyes. Dr. Marcus Cielo Park is the son of a wealthy clan, who tries to suppress the emerging feelings for his cousin, Estrella Ma...