CHAPTER 11: WRITE OUR STARS

160 44 368
                                    

CHAPTER 11: WRITE OUR STARS

Matapos naming kumain ng lunch biglang nagyaya ang kapatid kong si Cyrus sa backyard para mag-swimming. Pero hindi niya ako napilit, silang dalawa lang ni Cielo ang kasalukuyang naliligo sa pool.

Wala lang talaga ako sa mood na mag-swimming, tinatamad din ako kaya nakahiga lang ako rito sa lounger habang nagbabasa ng novel book.

Rinig na rinig ko ang kulitan nilang dalawa, nag-uunahan silang lumangoy na marating ang kabilang dulo ng pool.

Pinagmasdan ko ang dalawang iyon na masayang nagkukulitan, at napatigil pa ako nang mapansing hinubad na pala ni Cielo ang pang-itaas niyang damit at naka-shorts lang siya.

Pareho silang dalawa ni Cyrus na walang suot pang-itaas—kitang-kita ko naman ang six packs na pandesal ni Cielo.

Shit! Parang nagutom ako bigla...

Parehong maganda ang hubog ng katawan nilang dalawa, mas lamang nga lang talaga si Cielo sa kapatid ko. Syempre mas matured na ito...ang gwapo nilang pareho. Magpinsan nga talaga sila!

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nakatingin sa katawan ni Cielo...grabe 'yong abs niya! Ang ganda talaga ng hubog ng katawan niya! Ngayon ko na nga lang pala siya ulit nakitang topless dahil ngayon na lang naman sila nag-swimming ulit.

Kahit sobrang busy niya sa pag-aaral at sa pag-duty sa hospital ay hindi niya pa rin napababayaan ang katawan niya...alaga niya pa rin ito sa pag-gygym.

At hindi ko namalayang nakatayo na pala siya sa harap ko at nakangiting nakapamewang pa. Masyado akong nalibang sa pag-check ng abs niya kaya hindi ko napansing nakaahon na pala siya mula sa pool, si Cyrus naman ay kasalukuyang paahon na rin ng pool.

"Hey, babe! Love what you see?" mahina niyang sambit upang hindi marinig ng kapatid ko. Agad naman akong natigilan sa sinabi niyang iyon.

Nakangisi siyang nakatitig sa akin, at agad akong nag-iwas ng tingin at tinakpan ang mukha ko ng hawak kong libro dahil paniguradong namumula ang pisngi ko ngayon.

Nahuli niya akong pinagmamasdan ang katawan niya! Anong akala niya natatakam ako sa kaniya? Pwes, hindi siya nagkakamali! Lintek parang gusto ko ngang hawakan 'yong abs niya!

"Noona, come on, join us!" nakangiting aya sa akin ni Cyrus. Nakalapit na rin pala siya sa akin nang hindi ko namamalayan.

Mabilis akong umiling sa kaniya. "Kayo na lang, tinatamad ako. Besides naligo na ako kanina," pagtanggi ko at saka muling binaling ang tingin ko sa hawak kong libro.

Mabilis naman iyon inagaw ni Cyrus sa akin at inangat pa niya ito sa ere. Nakalolokong tinatawanan niya ako maging si Cielo ay tumatawa na rin.

"Aish, noona! Don't be a killjoy, join us with hyung. Puro ka romance novel, e! You don't have a boyfriend naman, noona!" tumatawa niyang sambit.

Pinandilatan ko siya ng mata at tangkang hahablutin ang libro sa kaniya ngunit mabilis niya iyong iniwas.

"Cyrus, geuman! Akin na 'yang libro! Ang kulit mong bata ka!" inis kong singhal sa kaniya baka kasi mabasa 'yong libro ko. Malilintikan siya sa akin!

(Cyrus, stop!)

Pero imbes na ibalik niya sa akin ang libro ko ay tinawanan niya lang ako, naniningkit na ang mata niya sa kakatawa. Nagtinginan pa silang dalawa ni Cielo na tila nag-uusap sila gamit ang mga mata nila at mukhang nagkaintindihan silang dalawa.

Maya-maya pa ay inilapag ni Cyrus ang hawak niyang libro sa poolside table. Sinamaan ko siya ng tingin at nilapitan iyon upang kunin—nang biglang hawakan nilang dalawa ang braso ko at hinatak ako hanggang sa; sabay-sabay kaming nahulog sa pool.

Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon