CHAPTER 27: Never Be Right

45 10 109
                                    

CHAPTER 27: Never Be Right


"Does it seem you're having a hard time, Ms. Ella. Are you broken-hearted?" sakastikong sambit ni Sophie. At mabilis na nangunot ang noo ko sa kaniya. Ano bang pinagsasabi niya? Ang kapal din ng mukha niyang magsalita nang gano'n.

"Wae? Is it true, Estrella?" nagulat akong napalingon kay Chairman. May bahid nang pag-alala ngunit makapangyarihan ang tinig niyang iyon...

(Why?)

"A-ah—"

"I'm just kidding, Chairman," nakangising sabat ni Sophie.

Bahagyang tumikhim si James. "I don't find it as a good joke," seryoso niyang sabi nang hindi man lang nakatingin sa kinakausap niya.

Nakatuon ang kaniyang atensyon sa hinihiwa niyang beef sa kaniyang plato. Napa-arko  ng kilay ang Sophie na iyon sa sinabi ni James. At nabaling naman ang atensyon namin nang biglang tumikhim si Mr. Lee at nakangiti itong nakatingin sa amin ni James.

"By the way, James and Ella, I talked to Mr. Daez last Friday. And according to him, he liked the papers you handed him. Also, he said that both of you are great partners in his class," masayang sambit ni Mr. Lee.

"Jinjja?" biglang tanong ni Chairman Park at nakangiting tumango sa kaniya si Mr. Lee. "I knew it! And also, they're perfect partners in life...they will be a perfect couple," sabay napalingon ni James sa kaniya. At sabay ring tumawa ang dalawang matanda, gano'n din sina Daddy at Mommy na nakangiting sumang-ayon sa kanila.

(Really?)

Pinagpatuloy namin ang pagkain habang patuloy sila sa pag-uusap. Kinumusta rin nila ang ginawa naming medical mission doon sa Palawan. At sinabi naman naming masaya ang mga taga-roon sa idinaos na medical mission, maging sa pamimigay ng mga relief goods. Taos-puso silang nagpapasalamat kay Chairman dahil sa kabutihan nito, at walang sawang pagbibigay tulong sa kanila.

Sapilitan ko namang inubos ang pagkaing nasa plato ko, kahit wala na talaga akong ganang kainin iyon. Lalo na sa tuwing napapasulyap ako sa harapan ko; kina Cielo at Sophie, kung umarte kasi ang babaeng iyon akala mo siya ang girlfriend ni Cielo.

Sarap lang talagang dukutin ang mata niya, na nakukuha pang sumulyap sa'kin na tila nang-iinis pa. Hindi ko nga malaman sa kaniya kung bakit ba inis na inis siya sa'kin.

I don't remember that I gave her a reason to hate me. She's just creating her peculiar damn drama...

Matapos ang dinner ay nagpaalam na rin sina Daddy, Mommy at Cyrus. Gayon din si Mr. Lee na mauuna nang umuwi kay James dahil may sarili naman daw dalang sasakyan si James.

Dumating na rin ang sundo ni Sophie, na ikinatuwa ko naman dahil hindi na siya kailangang ihatid pa ni Cielo. Kaya sinadya kong magpaiwan muna, sinabi kong sasabay na lang ako kay James na umuwi at agad namang pumayag sina Mommy.

Kaaalis lang ng sasakyang sumundo kay Sophie, at kasalukuyan kaming nasa labas ng mansion nina Cielo at James. Hindi ko pa kasi malaman kung paano ko bang sasabihin kay Cielo na gusto ko siyang makausap.

Kaya't sinenyasan ko naman si James na mauna nang sumakay sa sasakyan niya, sumunod din naman agad siya. Sinabi kong doon na lamang niya ako hintayin dahil gusto kong makausap si Cielo, at hindi na ako makapaghintay pang kausapin siya.

I sighed deeply. "B-babe? Can we talk?" Nag-aalinlangan ko pang tanong sa kaniya.

He frowned then, looking at James's car. "Maybe in some other time. He's waiting for you..." malamig niyang sagot sa akin.

"It's fine...he can wait for me naman—"

"Exactly! But—I just don't want to talk right now. I'm tired, you can go home now and take a rest too."

Rewrite Our Stars (BYEOL SERIES#1) COMPLETED ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon